Nagdudulot ba ng diarrhea ang constipation?

June 19, 2019

Ano ang constipation?

Ang constipation, o pagtitibi, ay ang kakulangan ng kakayahan ng digestive tract na makapagpalabas ng dumi ng katawan.

Ang madalas na sanhi nito ay diyeta na kulang sa fiber, mataas na lebel ng stress, pabago-bagong routine o gawain, dehydration o kakulangan satubig, pag-inom ng gamot na nakaaapekto ng digestion. Maging ang pagbubuntis ay posbleng sanhi ng constipation.

Ano ang diarrhea?

Ang diarrhea ay ang pagdumi ng mahigit sa tatlong beses sa isang araw. Ito ay sanhi ng bacteria o virus, allergy sa pagkain, food poisoning, o kaya naman ay reaksyon ng iyong katawan sa gamot.

D3 Cycle: ang koneksyon ng constipation at diarrhea

Naalala mo pa ba nung unang tinuruan mo ang anak mo na gumamit ng kubeta sa pagdumi?

Napansin mo bang nahihirapan sila sa umpisa (discomfort) at parang natatakot (dread) sila sa dapat gawin? Dahil hindi pa nila alam kung paano dumumi, pinipigilan (delay) na lang nila ang pagdumi na nagreresulta sa constipation. Ito ang tinatawag na D3 cycle.

Ang tinatawag na D3 (discomfort, dread, at delay) cycle ay madalas na nararanasan ng mga batang hirap dumumi. Ito ay ugali na posibleng madala nila hanggang sa kanilang pagtanda.

Kapag palaging pinagdadaanan ng isang tao ang D3 cycle, maaari itong matuloy sa sobra at hindi ma-control na pagdudumi o diarrhea. Ang pagkakaroon ng diarrhea matapos ang ilang araw ng constipation ay nakakabahala sapagkat nagreresulta ito sa fecal impaction o matinding pagbabara ng dumi sa katawan.

Ang fecal impaction ay delikado at maaaring magdulot ng pagkahilo, pagsusuka at matinding pananakit ng tiyan.

Ano ang gagawin kapag naging diarrhea ang iyong constipation?

Kumunsulta agad sa iyong doktor kapag hindi na maganda ang iyong pakiramdam dulot ng diarrhea o constipation.

Sundin ang abiso ng doktor pagdating sa diyeta, pagbabago ng istilo ng pamumuhay at maging sa tamang gawain pagdating sa pagdudumi.

Maaari ring ireseta ng iyong doktor ang RiteMED Fibermate bilang tulong sa iyong digestive tract upang mapabuti ang iyong pagdumi. Isa rin ang RiteMED Bisacodyl sa mga gamot na maaaring inumin para maibsan ang constipation. Huwag kalimutan ang pagsunod sa reseta ng iyong doktor at bumalik kung sakaling may naranasang side effects na hindi inaasahan.

References:

https://www.webmd.com/digestive-disorders/qa/can-diarrhea-cause-constipation

https://www.pottytrainingconcepts.com/A-Potty-Training-Regression-BM.html

https://diaresq.com/blog/can-constipation-cause-diarrhea/

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/irritable-bowel-syndrome/symptoms-causes/syc-20360016

https://www.webmd.com/digestive-disorders/what-is-fecal-impaction#1