Ano ang acute diarrhea?
Ang acute diarrhea ang isa sa mga madalas na nararanasan ng bawat Pilipino na sakit at pumapangalawa sa mga sakit na may relasyon sa baga. Sa pangkalahatang populasyon sa mundo, ito ang nagiging sanhi ng pagbaba ng mortality rate ng mga batang may edad na apat na taong gulang pababa.
Ang diarrhea - kilala sa atin bilang pagtatae – na umaabot ng isa hanggang dalawang linggo ay tinatawag na “acute diarrhea” at kapag lumagpas naman ito sa dalawang linggo, “chronic diarrhea” na ang tawag dito.
Dahil mas madalas itong nagiging dahilan ng pagkakasakit ng mga bata, mabuting pag-usapan natin muna ang acute diarrhea, mga sintomas nito at senyales, pati na rin ang mga gamot na pwedeng irekomenda ng kanilang pediatrician o ang doktor sa mga bata.
Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng acute diarrhea?
Ang diarrhea ay paraan ng ating katawan upang mailabas ang mga bacteria, germs, at virus na pumapasok sa ating sistema.
Ang pinakamadalas na bacteria o virus na nagdudulot ng impeksyon sa mga bata ay ang mga sumusunod:
- Rotavirus
- Salmonella
- Giardia
- Gastroentitis
Bukod sa mga virus, may iba pang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng acute diarrhea. Tulad na lamang ng:
Ang mga gamot gaya ng laxative o antibiotic ay posibleng magdulot ng diarrhea sa mga bata hanggang sa ito ay maging acute o chronic diarrhea.
Para sa mga mild diarrhea, importanteng bantayan ang inyong anak na sila ay maging hydrated o sapat ang tubig na kinokonsumo. Kung ang nagiging dahilan naman ay ang pag-inom nila ng antibiotic, siguraduhing nakabase sa reseta ang pag-inom ng gamot. Kung patuloy pa rin ang pagdurumi, mabuting magpacheck-up muli sa iyong doktor upang makasiguro.
Sa oras na nagpakonsulta kayo muli sa doktor, maaari niyang irekomenda ang pagpapalit ng diyeta, pagpapalit ng niresetang gamot, pagbabawas ng dosage, o kaya naman pagdagdag ng probiotic na kinakailangan ng katawan upang gumaling ang diarrhea.
Ang diarrhea dulot ng food poisoning o pagkalason dahil sa kinain ay madalas nararamdaman makatapos ang isang oras na pagkain ang pagdumi kasama ng pagsusuka.
Ang paggamot sa food poisoning ay kaparehas lamang ng paggamot sa normal na diarrhea sapagkat magkaparehas lamang ang virus o bacteria na nagdudulot ng sakit na ito.
Ito ay uri ng bowel disease kung saan nagkakaroon ng pamamaga sa kalamnan o digestive system na nagdudulot ng diarrhea, pananakit ng tiyan, malnutrisyon, sobrang pagkapagod o fatigue, kawalan ng gana kumain, at pagkabawas ng timbang nang hindi inaasahan.
Ang Celiac Disease ay uri ng disorder kung saan kapag nakapagkonsumo ng gluten (ito ay uri ng protina na nakukuha sa grains tulad bigas, wheat, rye, barley, at spalt) ay nagkakaroon ng trigger na nakakapagpahina ng immune system o resistensiya kaya nagreresulta ng pagkasira at pamamaga ng maliit nating bituka.
Ito ay ang reaksyon ng katawan sa partikular na pagkaing hindi naaayon sa sistema. Kung iyong napapansin na nagkakaroon ng ganitong reaksyon gaya ng diarrhea sa tuwing mayroong ispesipikong kinakain ang iyong anak, panahon na siguro upang dumalaw muli sa kanyang pediatrician para matingnan.
Kung hindi ka sigurado sa mga nabanggit na posibleng sanhi ng pagkakaroon ng diarrhea ng iyong anak, mas mabuting bumisita sa kanyang pediatrician para malaman at maobserbahan.
Mga sintomas ng acute diarrhea:
Depende sa nabanggit na sanhi, mayroong iba’t-ibang sintomas o senyales ang nararanasan ng batang mayroong acute diarrhea. Ang mga sumusunod lamang ay ang mga madalas na nararanasan:
- Loose stools o butil-butil na dumi
- Watery stools o Matubig na dumi
- Abdominal pain o ananakit ng tiyan
- Fever o lagnat
- Blood in the stool o ang pagdumi na mayroong kasamang dugo
- Bloating o pakiramdam na busog
- Nausea o pagkahilo
- Madalas na pakiramdam na kinakailangang dumumi
Kailan kinakailangang pumunta o bumisita sa pediatrician?
Mahalaga na sa bawat senyales ng mga sintomas tayo ay nakabantay sa ating mga anak sapagkat ang pagpapabawalang bahala nito ay nagdudulot lamang ng pagkomplikado ng sakit na kanilang nararanasan.
Narito ang mga senyales na kailangan na ng agarang pagpunta sa ospital upang mapatingnan sa kanyang pediatrician at magamot agad ang sakit:
- Itsura pa lamang ng iyong anak ay malala na ang sakit
- Lagpas tatlong araw na ang kanyang diarrhea o pagtatae
- Kinakailangan nang agarang aksyon kung ang iyong anak ay 6 months pa lamang
- Kung siya ay sumusuka na ng may dugo kasama ng likidong kulay berde o dilaw
- Hindi niya na kayang uminom pa ng ibang likido at nasusuka na matapos ang dalawa hanggang tatlong beses na pagsubok na painumin
- Umaabot ng lagpas 105 ° F o kung anim na buwan pababa pa lamang, 100.4 ° F ang lagnat. (inaalam ang init ng katawan kapag sanggol sa pamamagitan ng rectal thermometer upang maging ligtas)
- Dehydrated o kulang sa likido
- Kung wala pang isang buwan ang iyong baby at nagkaroon na ng dalawa hanggang tatlong beses na diarrhea dalhin din agad sa pediatrician
- Mahina ang resistensiya ng inyong anak
- Kung napapansin mong nagkakaroon na siya ng rashes o pamamantal sa kanyang katawan
- Kung sumasakit ang kanyang tiyan sa loob na ng dalawang oras
- Kung hindi pa rin umiihi sa loob ng anim na oras kung sanggol at labing dalawang oras naman kung ang iyong anak ay mahigit isang taon na.
Ano ang gamot sa acute diarrhea?
Kung napansin mo sa iyong anak ang mga nabanggit na mga senyales ng acute diarrhea, huwag muna papainumin ito ng kahit na anong gamot nang walang reseta ng kanyang doktor o pediatrician.
Sa oras na ikaw ay magpakonsulta, posibleng kanyang irekomenda sa acute diarrhea ang RiteMED Zinc Sulfate na makatutulong upang mapabuti ang digestive system ng iyong anak at mailabas ang mga bacteria o virus para gumaling at magbalik ang kanyang sigla o enerhiya.
Sundin ang inireseta ng kanyang doktor upang makaiwas din sa komplikasyon ng sakit na ito.
References:
https://www.uptodate.com/contents/acute-diarrhea-in-children-beyond-the-basics
https://www.webmd.com/children/guide/diarrhea-treatment#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diarrhea/symptoms-causes/syc-20352241