Ang diabetes ay isang karamdaman kung saan ang katawan ng isang tao ay hindi nakakapag-produce ng sapat o kahit anong insulin, hindi nagagamit ng tama ang napoproduce na insulin, o kombinasyon ng dalawa. Kapag nangyayari ang mga bagay na ito, hindi nakakakuha ng katawan ang kinakailangang sugar sa cells nito mula sa dugo. Sa kinalaunan, ito ay nauuwi sa mataas na blood sugar levels.
Kadalasang maagang sintomas ng diabetes ay ang mataas na lebel ng glucose sa dugo. Ang mga maagang babala ay karaniwang hindi madaling mahalata, lalo na ang mga kaso ng Type 2 Diabetes.
Ang glucose ay isang uri ng sugar na matatagpuan sa iyong dugo. Ito ay isa sa pinang gagalingan ng enerhiya ng isang tao. Kakulangan sa insulin ay maaring magdulot ng pagkabuo ng sugar sa iyong dugo at maaring mauwi sa maraming problema sa kalusugan.
Ang diabetes ay may tatlong uri:
-
Type 1 diabetes
-
Type 2 diabetes
-
Gestational diabetes
Ang type 1 diabetes o kilala ring insulin-dependent diabetes ay isang kondisyon kung saan ang pancreas ay hirap o hindi nakakapag-produce ng sapat na insulin. Ang insulin ay kinakailang ng katawan upang makapasok ang glucose sa ating mga cells at makapag-produce ng energy.
Sa kasalukuyan, wala pang gamot sa karamdamang ito. Ang gamot dito ay naka-pokus sa pamamahala ng blood sugar level upang maiwasan ang komplikasyon.
Ang type 2 diabetes naman o non-insulin dependent diabetes ay ang pinaka common na uri ng diabetes na nakakaapekto sa mga kalalakihan. 90 hanggang 95 porsyento sa 13 million na kalalakihan ay may diabetes.
Kahit na ang parehong mga kasarian ay maaaring magdusa mula sa iba’t ibang mga sintomas, ang mga palatandaan ng diabetes sa mga lalaki ay maaaring naiiba mula sa mga babae. Ang mga lalaki ay mas madalas na nahaharap sa mga problema sa pangitain kapag mayroon silang diyabetis, at ang kondisyon ay maaaring humantong sa mga sekswal na problema.
Ang diabetes ay nagdudulot ng negatibong epekto sa immune system. Kapag ang kalalakihan ay may diabetes maari silang makaramdam ng madalas na pagkauhaw, madalas na pag ihi o sobrang pagtaas ng timbang. And iba pang isyu na madalas maranasan ng mga kalalakihan ay pagkapagod, pagkamanhid, o pagsunog ng mga sensation sa mga paa’t kamay.
Pangunahing palatandaan ng diabetes sa mga lalaki:
-
Isa sa mga pangunahing palatandaan ng diabetes sa mga lalaki ay isyu sa mga mata: Ang isa sa mga pangunahing palatandaan ng diabetes sa mga lalaki ay mga isyu sa mga mata. Ang ilang mga tao ay bumuo ng isang sakit sa paningin na kilala bilang retinopathy, kung saan ang mga daluyan ng dugo at tisyu sa mata ay napinsala ng sakit. Ang mga lente ng mga mata ay maaari ring maging mali dahil sa pagkawala ng likido sa katawan. Ang mga problemang ito ay maaaring maging sanhi ng kanilang pangitain na maging malabo o wala nang pokus, at maaari itong lumala nang mas malala kung ang sakit ay hindi ginagamot. Sa matinding mga kaso, maaari itong maging sanhi ng pagkabulag.
-
Ang problemang seksuwal ay isa pang sintomas ng diabetes sa mga lalaki: Maaring bawasan ng diabetes ang antas ng testosterone na maaring humantong sa pagbaba ng kagustuhan sa seksuwal na aktibidad. Ang mga kalalakihang may sakit na diabetes, lalo na ang mga nasa higit 50 edad pataas, ay maaring maapektuhan ng pagtanggal ng erectile.
-
Isa pa sa pangunahing palatandaan ng diabetes sa mga lalaki ay madalas na pagkadama o pangangailan na umihi, lalo na sa gabi: Maari ding ito maugnay sa epekto ng sakit sa bato at kanilang kakayahang sumipsip at mag-fiter ng mga likido. Mabilis ding mag dehydrate, na humahantong sa matinding pagdalas ng pagka-uhaw.
-
Ang diabetes ay nagpapababa din ng immune system: Ang mga kalalakihan na may sakit na diabetes ay maaring magdusa ng iba’t ibang problema mula dito May tendensiya din sila magkaroon ng impeksyon o mga sugat, lalo na sa balat. Ang mga sugat ng diabetic ay mas mabagal maaghilom kaysa sa mga hindi diabetic.
-
Madalas na pagkapagod: Ang mga vessel ng dugo sa mga kamay at paa ay maaaring mapinsala, na nakakaapekto sa mga nerbiyos doon; ito ay maaaring humantong sa mga damdamin ng nasusunog, paninisi, o pamamanhid. Ang kawalan ng kakayahan ng katawan na iproseso ang glucose ay naghihigpit sa mga selula ng kanilang pinagkukunan ng enerhiya, na humahantong sa malalang pagkapagod.
-
Ang mga taong may type 2 diabetes ay nagigigng dehydrated ng matindi. At kapag sila ay hindi nakakainom ng sapat na fluid na kinakailangan para suportahan ang mga nawalang fluids sa kanilang katawan, maaari silang magkaroon ng hindi inaasahang sakit o humantong ito sa mga mas malalang komplikasyon sa kalusugan.
Hindi tulad ng mga taong may type 1 diyabetis, ang mga taong may type 2 diyabetis ay nakakapag produce ng insulin. Ngunit, ang insulin na inilalabas ng kanilang pancreas ay maaring hindi sapat o maaring hindi makilala ng katawan at hindi ito magamit ng tama. Ang tawag ditto ay insulin resistance. Kapag walang sapat na insulin o hindi nagagamit sa wasto ng katawan ang insulin, ang glucose ay hindi nakakapasok sa cells ng katawan. Kapag nabubuo ang glucose kaysa pumunta sa mga cells, ang tungkulin ng cells sa katawan ay hindi nagagampanan ng maayos.
Walang sinuman ang gustong magkasakit. Mas mabuti na ang nag-iingat para makaiwas sa sakit. Ang pagpigil sa diyabetis ay maaalintuhad sa pagkain ng masustansya, pagiging mas aktib sa mga pisikal na aktibid. isaalang-alang ang sumusunod mula sa American Diabetes Association para makaiwas sa diyabetis:
-
Mas maging aktibo at mag ehersiyo: Maraming benepisyo ang regular na pag-eehersisyo. Ito ay:
-
Nakakapag pababa ng timbang
-
Nakakapag pababa ng blood sugar
-
Nakakatulong sa pagdama ng insulin na nakakatulong sa pagpapanatili ng normal na blood sugar
-
Pagkonsumo ng maraming fiber. Ito ay:
Ang mga pagkain na may mataas na fiber ay mga prutas, gulay, beans, whole grains, at nuts.
-
Kumain ng mga pagkain na whole grain. Ito ay:
-
Magbawas ng timbang.
-
Maging malusog sa pagpili ng tamang diet
Tuwing kalian kailangan kumonsulta sa iyong doctor?
Kung ikaw ay higit edad 45 at normal ang timbang, itanong sa iyong doctor kung ang diyabetis testing ay angkop para sayo. Ayon sa American Diabetes Association, kumonsulat at magpa blood glucose screening kung:
-
Ikaw ay edad 45 pataas at sobra ang timbang
-
Ang iyong edad ay 45 pababa, sobra ang timbang, at may karagdagan panganib sa type 2 diyabetis — tulad ng pagkakaroon sa pamilya ng diyabetis.
Reference:
-
https://www.webmd.com/men/guide/diabetes-men#1
-
https://www.healthline.com/health/diabetes/types-of-diabetes#overview1
-
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/in-depth/diabetes-prevention/art-20047639
-
https://www.healthline.com/health/recognizing-diabetes-symptoms-men
-
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-1-diabetes/symptoms-causes/syc-20353011