Patuloy ang nakakaalarmang pagtaas ng mga kaso ng diabetes sa mga bansa sa Asya kabilang na ang Pilipinas. Ayon sa datos mula sa medical experts, ang rapid urbanization at sedentary lifestyle ng karamihan sa mga Pilipino ay ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit dumadami ang nagkakaroon ng diabetes sa ating bansa. Hindi rin nakatutulong ang rice-heavy diet ng mga Pinoy dahil ang rice ay nabibilang sa mga pagkain na kung tawagin ay high-glycemic food o mga pagkaing karaniwang nagpapataas ng blood sugar.
Dito sa Pilipinas, maraming mga diabetes patients ang hirap na mabantayan at maalagaan ang kanilang kundisyon dahil na rin sa socio-economic disadvantages na nararanasan ng isang developing nation. Limitado ang coverage ng national insurance system ng ating bansa para sa diabetes treatment habang ang health packages naman ng karamihang private insurance firms ay hindi abot-kaya ng ordinaryong Pinoy.
Sa kasamaang palad, kadalasan ay umaasa lang ang mga diabetes patients sa “out-of-pocket” expenses o panggastos mula sa sariling bulsa para sa mga laboratory procedures at insulin medication. Hindi rin nakatutulong sa sitwasyon ng ating bansa na karamihan sa mga may diabetes ay elderly o yung mga may edad na limitado na rin ang kakayahang pang pinansyal. Kaya naman hindi matatawaran ang kaalaman patungkol sa home care para sa diabetic seniors upang mapagaan ang kanilang buhay at mabawasan ang gastusin.
Heto ang ilang tips para sa mainam pag-aalaga sa isang elderly na may diabetes:
Meal Preparation
Marahil ang unang payo ng mga doktor para sa mga nakararanas ng mga sintomas ng diabetes ay ang siguraduhing mababantayan ang nutritional value ng kanilang kinakain. Ang healthy diet ay ang first line of defense ng isang diabetic patient upang wastong ma-manage ang blood sugar levels. Sa sitwasyon naman ng mga senior na nakararanas ng mobility at vision difficulties o ‘di naman kaya’y mga limitasyong pinansyal, hirap silang maghanda ng sariling pagkain na hindi makapagpapataas ng blood sugar.
Kung mayroong kasamang matanda sa bahay na may diabetes, mainam na maplano ang kanilang pang araw-araw na diet upang masigurong hindi tataas ang kanilang blood sugar. Kung hindi sigurado sa kung anu-anong mga pagkain ang dapat ihain para sa mga diabetic patients, subukang kumonsulta sa isang dietician o nutritionist.
Sapat na pag-alalay sa araw-araw na gawain
Lubhang naaapektuhan ng diabetes ang nerve endings at eyesight. Maraming sa mga senior diabetic patients ay sanay nang nakararanas ng diabetes symptoms ay may pag-aalinlangan na sa paglalakad dahil damaged na ang kanilang nerves sa paa at may kahirapan na rin sila sa paningin. Siguraduhin na palaging mayroong kasama ang mga elderly na may diabetes upang sila’y mabantayan at maalalayan upang makaiwas sa panganib tulad ng biglaang pagkatumba. Ang simpleng home care tip na ito ay tiyak na mapapagaan ang pang araw-araw na buhay nila lolo’t lola na may diabetes.
Medication management
Ang mga sintomas ng sakit na diabetes ay madaling kontrolin kung mayroong sapat at steady supply ng gamot ang pasyente. Bukod sa sapat na supply ng gamot, kailangan din ng masinsinang pag-mo-monitor ng blood sugar level ng isang diabetic patient. Karamihan sa mga senior diabetic patient ay sanay nang bantayan ang kanilang blood sugar level at alam kung kailan dapat gamitin ang kanilang insulin medication. Pero, dahil na rin sa mga kumplikasyon dulot ng mga sintomas ng diabetes, mayroong ilang emergency cases kung saan nakakalimutan ng isang elderly diabetic patient na gamitin ang kanyang diabetes medicine. Para maiwasan ang mga sitwasyong ito, makabubuting magtalaga ng isa o dalawang tao sa bahay na regular na taga-monitor ng blood sugar levels ng mga senior diabetics.
Pagandahin ang kalidad ng buhay
Hindi matatawaran ang halaga ng pagkakaroon ng isang mapag-alaga at mapagmahal na pamilya para sa mga senior citizens. Maraming pagbabago ang nararanasan ng mga matatanda dahil na rin sa mga kumplikasyon na kaakibat ng old age. Kung sasabayan pa ito ng mga sintomas ng diabetes, malaki ang tyansa na bumaba ang kanilang kumpiyansa sa sarili dahil hindi na nila dali-daling nagagawa ang mga nakasanayan nilang gawain. Kung mawala ang kanilang kumpiyansa sa sarili, malamang ay mas lalong malalagay sa panganib ang kanilang overall health.
Para maibalik sa mga elderly diabetic patients ang kumpiyansa sa sarili, siguraduhing mayroong constant improvements sa kanilang quality of life. Kapag sinabing “improvements to quality of life,” hindi nito ibig sabihing kailangan maging marangya ang kanilang buhay. Ang pagpapaganda sa kalidad ng buhay ay nagsisimula sa elderly care. Ang mga simpleng bagay tulad ng pagpapakita ng pagmamahal, pagsama sa kanila sa social gatherings, o pag-alalay sa mga pang araw-araw na gawain ang tiyak na makapagpapagaan ng kanilang buhay mula sa mga kumplikasyon ng katandaan at diabetes.
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-retirement-grandfather-grandson-wearing-face-1843446469
Mabuting tandaan na ang diabetes ay sakit na hindi lang basta-basta sumusulpot. Ang sakit na ito akumulasyon ng ilang taong pagkain ng unhealthy food na nagdulot ng unstable blood sugar level. Mayroon ding iilang mga kababaihang nag-develop ng diabetes nang sila ay tumanda na dahil nagkaroon sila ng gestational diabetes habang sila ay nagbubuntis.
Prevention is better than cure. Mahalaga na habang bata pa ay bantayan na ang kinakain at maglaan ng oras para sa sapat na exercise. Iwasan ang sobrang pagkain ng matatamis at uminom ng mga bitamina at minerals na nakakapagpababa ng blood sugar level. Mainam din na habang maaga pa ay kumonsulta na sa doktor upang malaman kung nakararanas ka na ba ng prediabetes symptoms.
Source:
https://www.caringseniorservice.com/blog/home-care-for-diabetic-seniors