Photo from Diabetes Self Management
Ang blood sugar level ang isa sa mga maiging binabantayan ng mga taong may diabetes. Ito ay ang sukat ng dami ng glucose sa dugo. Ang glucose ang syang bumubuo sa mga asukal at nagbibigay enerhiya sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang mataas na lebel ng glucose sa dugo ay maaaring makasira sa iba’t ibang bahagi ng katawan at magdulot ng diabetes. Hindi lamang mga diabetic ang maaaring magkaroon ng mataas na blood sugar level o hyperglycemia, kahit iyong mga wala. Maaari itong mangyari kung kumain ng sobrang tamis na pagkain o di kaya'y hindi kumain sa tamang oras o ng hindi tamang dami ng pagkain.
Senyales ng Mataas na Blood Sugar Level
Ang mga sintomas ng mataas na blood sugar level ay ang mga sumusunod:
-
Labis na pagka-uhaw
-
Sakit ng ulo
-
Hirap mag-concentrate
-
Malabong paningin
-
Madalas na pag-ihi
-
Fatigue
Mga Paraan Para Mapababa ang Blood Sugar Level
Mahalagang ma-control ng tama ang blood sugar level para sa ikabubuti ng katawan. Narito ang illang simpleng hakbang para mapababa ang blood sugar level:
1. Uminom ng madaming tubig
Photo from Get Fitso
Kung mataas ang blood sugar level, ang katawan ay sinusubukang ilabas ang sobrang asukal mula sa dugo sa pamamagitan ng pag-ihi. Dahil dito, kailangang mapalitan ang mga tubig na nawala sa katawan. Ang pag-inom din ay nakatutulong sa katawan alisin ang glucose.
2. Maglakad o mag-ehersisyo
Mainam na simpleng ehersisyo lamang ang gawin gaya ng paglalakad dahil maaaring tumaas lalo ang blood sugar level kung intense workout ang gagawin dahil ito ay nagdudulot ng stress response. Ang paglalakad o pag-eehersisyo ay nakakapagpababa ng blood sugar level dahil nagagamit nito ang glucose sa bloodstream. Hangga't maaari, subukang pabilisin ang tibok ng puso sa loob ng sampu hanggang 15 minuto.
3. Kumain ng pagkaing mayaman sa protina
Kayang i-stabilize ng protina ang blood sugar at pabagalin ang tinatawag na absorption rate ng glucose.
Mga Hakbang Para Ma-Control ang Blood Sugar Level
1. Bawasan ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates
Ang carbohydrates ay nagiging sugar kapag kinain, at ang mga sugar na ito ay dinadala ng insulin sa cells. Kapag masyadong maraming carbohydrates ang nakain o may problema sa paggawa ng insulin, ang prosesong ito ay hindi magagawa at tataas ang blood sugar level. Mahalagang planuhin ang kakainin para mabilang kung ilang carbs ang makakain. Ang low-carb diet ay nakatutulong sa pag-control nf blood sugar level.
2. Kumain ng pagkaing mayaman sa fibre
Ang fibre na kadalasang taglay ng mga prutas, gulay at whole grains ay nakakapagpabagal ng digestion ng carbohydrates at absorption ng asukal. Ang soluble fiber gaya ng oatmeal, mani at mansanas ay mas mainam sa pagpapababa ng blood sugar level.
3. I-practice ang 'portion control'
Mahalagang i-monitor ang dami ng kinakain para mabawasan ang timbang at mapababa ang calorie intake at pagtaas ng blood sugar. Ugaliing gumamit ng mas maliit ng plato, umiwas sa mga buffet, basahin ang food labels at kumain ng mabagal.
4. Kumain ng mga pagkaing may mababang glycemic index
Ang glycemic index ay ginawa para sukatin ang blood sugar response ng katawan sa mga pagkaing mayroong carbohydrates. Napapababa ng pang matagalan ng mga pagkaing mababa ang glycemic index ang blood sugar levels ng mga taong may type 1 at 2 diabetes. Ang mga pagkaing may taglay na mababang glycemic index ay seafood, karne, itlog, prutas, mais, kamote, ube at iba pa.
5. Kontrolin ang stress level
Ang stress ay nakakaapekto sa blood sugar level. Ang hormones na glucagon and cortisol na nagdudulot ng pagtaas ng sugar level ay lumalabas dahil sa stress.
6. I-monitor ang blood sugar level
Ang madalas na pagsukat at pagmonitor ng blood sugar level ay importate para ma-kontrol ito. Makakatulong din ito para malaman kung paano nagrereact ang katawan sa iba't-ibang klaseng pagkain.
Sources:
- http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/healthandwellness/364009/a-silent-danger-when-blood-sugar-goes-down-while-you-were-sleeping/story/
- http://kalusugan.ph/mataas-na-blood-sugar-mga-kaalaman/
- http://www.webmd.com/diabetes/guide/diabetes-hyperglycemia#1
- https://www.upwell.com/articles/monitoring/easy-tips-lower-blood-sugar-fast.html
- http://www.diabetes.co.uk/how-to/bring-down-high-blood-sugar-levels.html
- https://authoritynutrition.com/15-ways-to-lower-blood-sugar/
- http://www.webmd.com/diet/features/insoluble-soluble-fiber