Photo from Shutterstock
Kada unang buwan ng taon, inilulunsad ng Department of Health ang “Sabayang Gamutan Kontra Bulate” sa ilalim ng National Deworming Campaign. Target ng kampanyang ito mapurga ang 19 milyon na school-aged children. Kasama din sa kampanyang ito ang 23 milyon na pre-school at school-aged children na hindi nag-aaral sa public schools. Ayon sa datos ng DOH, 81% ng mga estudyanteng naka-enroll ay napurga noong 2015. Noong unang buwan ng taon, binuhay ng Department of Health ang National Deworming Campaign. Target ng kampanyang ito ang 19 milyon na school-aged children at 23 milyon na pre-school at school-aged children na hindi nag-aaral sa public schools. Noong Hulyo 2016, mahigit 15.85 million public school students na may edad 5 hanggang 18 at 7.88 milyong pre-school children aged edad isa hanggang apat na taong gulang ang napurga sa tulong ng kampanya ng DOH.
Ano Ang Purga o Deworming?
Ang purga o deworming ay ang pagtatanggal ng bulate sa bituka ng isang tao sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot. Ang mga bulate ay kumukuha ng nutrisyon na dapat ay para sa taong apektado. Nagdudulot ito ng pananakit ng tyan at pagsusuka. Maaari din itong maging sanhi ng malnutrition ng bata.
Ang mga karaniwang bulateng tumitira sa tiyan ay ang round worms, tapeworms, pinworms at hookworms. Nakukuha ito sa hindi paghuhugas ng kamay pagkatapos dumumi, humawak ng maduming bagay, humawak ng aso o ng kahit anong bagay na madumi. Maaari ring magkaroon ng bulate sa tiyan sa pamamagitan ng pagkain ng karne na hindi naluto ng maayos o di kaya'y pagkain ng prutas o gulay na hindi nahugasan ng maayos. Maaari ring maging sanhi ang pag-inom ng kontaminadong tubig o pagkain ng pagkaing may taglay ng itlog ng bulate na siya namang nagmula sa dumi ng tao.
Anu-ano ang sintomas ng batang may bulate sa tiyan?
Kailan Dapat I-Purga ang Bata?
Ang pagpurga sa bata maaaring gawin kapag ito ay lagpas dalawang taon na. Sa Pilipinas, 66% ang kaso ng intestinal worm infection na naitala. Malaki ang tsansang mabiktima ng bulate ang mga chikiting nasa edad 2 pataas dahil madalas naglalaro ang mga ito sa mga lugar na may germs at humahawak sa kung anu-anong bagay saka ilalagay ang kamay sa bibig. Maaari ding makuha ng mga bata ang itlog ng bulate sa kanilang mga kalaro kung kaya't mahalagang laging maghugas ng kamay.
Kung ang bata edad dalawang taon pababa na nagtataglay ng mga nabanggit na sintomas, dalhin agad ito sa doctor upang masuri.
Saan Maaaring Magpa-Purga?
Maraming bata sa Pilipinas ang may bulate, kung kaya't tuwing Enero at Hulyo ay may programa ang Department of Health para purgahin ang lahat ng batang nasa Kinder hanggang Grade 12 na nag-aaral sa public at private schools. Libre lamang ang gamot na ibinibigay sa mga estudyante. Ang budget ng kampanyang ito ay tumaas sa P106.3 million ngayong taon.
Mayroon namang libreng pampurga sa mga health centers, rural health units, at barangay health station para sa mga batang hindi naka-enroll.
Anu-ano ang maaring gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng bulate sa tyan?
Photo from Wonderopolis
Para maiwasan ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan, narito ang ilang mga paraan na maaaring gawin:
1. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at pagkatapos gumamit ng CR.
2. Gupitin ng maikli ang mga kuko ng bata. Madalas ay may mga itlog ng bulate sa ilalim ng kuko ng bata.
3. Siguraduhin na malinis at naluto ng maayos ng pagkain ihahanda. Hugasan ng maigi ang mga gulay at prutas.
4. Laging magsuot ng sapatos o tsinelas. Ang hookworm ay puwedeng pumasok sa balat ng iyong paa.
5. Huwag kung saan saan dudumi. I-flush ang kubeta at magsabon ng kamay.
6. Maging malinis sa iyong bahay at kapaligiran.
Reference: