Dapat ko bang i-deworm ang anak ko?

May 21, 2018

Ang purga  o deworming ay ang pagtatanggal ng bulate sa bituka ng isang tao sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot.  Ang mga impeksyon na galing sa iba’t ibang worms ay karaniwan at madaling kumalat. Gayunpaman, mahirap malaman kung gaano kalawak ang mga impeksyong ito dahil ang mga ito ay madalas na walang sintomas at madalas ay hindi nakikita kaagad.

Ang bulate sa tiyan ang nakukuha sa pamamagitan ng paglunok ng kontaminadong pagkain o pagkaing may taglay ng itlog ng bulate na siya namang nagmula sa dumi ng tao. Ang pag-inom ng tubig na kontaminado rin ay isa ring paraan. Ang mga karaniwang bulateng tumitira sa tiyan ay ang round worms, tapeworms, pinworms at hookworms. Nakukuha ito sa hindi paghuhugas ng kamay pagkatapos dumumi, humawak ng maduming bagay, humawak ng aso o ng kahit anong bagay na madumi.

Sa Pilipinas, ang 3 pangkaraniwang bulate ay ang (1) roundworm o Ascaris lumbricoides (2) whipworm o Trichuris trichiura at (3) hookworm o Necator americanus at Ancylostoma duodenale.Ang mga threadworm o pinworm, ay partikular na karaniwan sa mga bata sa ilalim ng edad na 10. Ang mga bata ay maaaring makakuha ng mga threadworm mula sa pakikipag-ugnay sa anumang bagay na kontaminado ng mga worms. Maaring makuha ang mga ito sa mga bedding, tuwalya, mga laruan, mga kagamitan sa kusina, mga toothbrush, at iba pang gamit sa bahay o paaralan.

 

Anu-ano ang sintomas ng batang may bulate sa tiyan?

Kadalasan, ang isang worm infection ay hindi nagpapakita ng mga sintomas, o ang mga sintomas ay maaaring maging napakaliit at unti-unti na bago sila ay mapansin.  

Depende sa uri ng worm at ang kalubhaan ng impeksiyon, ang isang bata na may mga worm ay maaaring may ilang karaniwang mga palatandaan o sintomas. Kung ang iyong anak ay may alinman sa mga ito, dalhin siya sa doktor kaagad:

  • Masakit na tiyan
  • Pagbawas ng timbang
  • Pagkahilo
  • Anemia
  • Walang ganang kumain
  • Pangangati o pananakit sa  may paligid ng puwitan
  • Mababang IQ
  • Mababang Resistensya

Kapag hindi nagamot ang bulate, puwede itong magdulot ng malnutrisyon at pagkaapekto sa pag-aaral ng bata. Para malaman kung may bulate ang bata, ipasuri ang kanyang dumi at kumonsulta sa doktor.

 

Ano ang Epekto ng Bulate sa tiyan?

Sakit ng tiyan, at paglobo ng tiyan sa mga bata, ang mga pangunahing sintomas ng bulate sa tiyan. Dahil lumalaki ang tiyan ng bata, maaari itong magbigay ng maling impresyon sa mga magulang na malusog ang mga ito, ngunit sa katunayan, mga bulate ang sanhi ng paglaki ng tiyan nila. Maaari ring may lumabas sa puwit o tiyan ng mga bata. Minsan ay maaaring sumama ito sa pagdumi o pagsuka ng mga bata.

Kailan Dapat I-Purga ang Bata?

Ang pagpurga sa bata maaaring gawin kapag ito ay lagpas dalawang taon na.  Kung pinaghihinalaan o napapansin na ang iyong anak ay nakakakuha ng mga worm nang mas madalas, pagpapakonsulta sa doctor ay maaaring kailanganin Malaki ang tsansang mabiktima ng bulate ang mga chikiting nasa edad 2 pataas dahil madalas naglalaro ang mga ito sa mga lugar na may germs at humahawak sa kung anu-anong bagay saka ilalagay ang kamay sa bibig. Maaari ding makuha ng mga bata ang itlog ng bulate sa kanilang mga kalaro kung kaya't mahalagang laging maghugas ng kamay.

Kung ang bata edad dalawang taon pababa na nagtataglay ng mga nabanggit na sintomas, dalhin agad ito sa doctor upang masuri.

 

 IWASANG ANG PAGKAKAROON NG BULATE SA TIYAN

undefined

Para makaiwas sa pagkakaroon ng bulate sa tiyan, narito ang ilang paraan upang na maaaring gawin:

  1. ​Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at pagkatapos gumamit ng CR.
  2. Gupitin ng maikli ang mga kuko ng bata. Madalas ay may mga itlog ng bulate sa ilalim ng kuko ng bata.
  3. Siguraduhing regular silang maligo o paliguan, at baguhin ang underwear tuwing umaga.
  4. Hikayatin ang iyong anak na huwag kamutin ang paligid ng kanyang puwitan o pagsubo ng kanyang hinlalaki o mga daliri.
  5. Panatilihing malinis ang paghahanda ng iyong pagkain. Hugasan ang mga gulay at prutas maigi.
  6. Laging magsuot ng sapatos o tsinelas. Ang hookworm ay puwedeng pumasok sa balat ng iyong paa.
  7. Gumamit ng palikuran kapag dudumi. I-flush ang kubeta at magsabon ng kamay.
  8. Ugaliing linisin ang mga toilet seats.
  9. Maging malinis sa iyong bahay at kapaligiran.

Ang mga bulate ay kumukuha ng nutrisyon na dapat ay para sa taong apektado. Nagdudulot ito ng pananakit ng tyan at pagsusuka. Maaari din itong maging sanhi ng malnutrition ng bata. Kapag hindi nagamot ang bulate, puwede itong magdulot ng malnutrisyon at pagkaapekto sa pag-aaral ng bata.Dahil napakaraming batang Pilipino ang may bulate, minarapat ng Department of Health na gumawa ng programa para purgahin ang lahat ng bata edad 1 hanggang 12 taon. May libreng pampurga sa mga health centers.

 

Reference:

https://www.webmd.boots.com/children/guide/why-does-my-child-keep-getting-worms

http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-sa-bulate-sa-tiyan/

https://www.livingandloving.co.za/child/guide-deworming-child

https://www.babycenter.in/a1050897/how-to-know-if-your-baby-or-toddler-has-worms

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/pinworms-infection#1

http://raisingchildren.net.au/articles/worms.html