Tamang alaga para sa may Depression

June 19, 2019

Kung mayroon kang asawa, anak, kamag-anak, kaibigan, o kakilalang nakararanas ng depression, ang iyong suporta at pagbibigay ng pag-asa sa kanila ay mahalaga para sila ay maka-recover at gumaling.

May maitutulong ka sa tuwing nararamdaman nila ang mga sintomas o senyales ng depression, sa tuwing mayroong negatibong naiisip silang gawin sa sarili nila, at para maramdaman nila na hindi sila nag-iisa.

Ano ang depression?

Ang depression ay isang uri ng mental health disorder kung saan apektado ang milyon-milyong mga tao sa buong mundo. Nagdudulot ito ng emotional pain, hindi lamang sa mga mayroong depression, ngunit pati na rin sa mga taong nag-aalala sa kanya.

Kung ang mahal mo sa buhay ay depressed, maaari ka ring makaramdam ng iba’t-ibang emosyong gaya ng pagkalungkot, parang walang magawa,galit, at pakiramdam na mayroon kang kasalanan o guilt.

Normal lang naman ang pakiramdam na ito lalo na kung madalas mong kasama ang taong may depression. Hindi naman kasi madali ang pag-aalaga sa mga minamahal na may ganitong kondisyon.

Ano ang magagawa mo para sa taong may depression?

Narito ang ilang mga tips on how to help people with depression:

  1. Magsaliksik tungkol sa Depresyon

Magsaliksik sa magpagkakatiwalaang websites tunkgol sa depression. Magtanong sa mga kakilang doktor at psychologists. Kapag marami tayong nalalaman tungkol sa disorder na ito, mas lalo nating maintindihan ang pinagdaraanan ng taong mayroong depression.

  1. Matutong makinig at magdahan-dahan sa mga salitang binibitiwan

Mahalagang maging sensitibo sa mga salitang binibitawan sa kanila sapagkat labis-labis nilang ikinalulungkot ito. Minsan, mas okay na tumahimik at samahan lamang sila kung sakaling inaatake sila ng mga sintomas ng depresyon.

Huwag dibdibin kung sakaling mayroon masabing masasamang salita ang taong may depression dahil baka bunga lamang ito ng kanilang nararamdaman.

  1. Samahan ang taong may depression na magpatingin sa mga eksperto

Maglaan ng panahon upang dalhin ang taong may depression sa isang certified psychiatrist, psychologist o therapist.

Ang mga taong ito ay mapagkakatiwalaan at maaaring magrekomenda ng mga gamot para mabalanse ang kemikal sa utak ng pasyente. Papayuhan ka rin nila sa tamang pangangalaga ng mga taong may depression.

Tandaan na ang depression na hindi lamang ito basta – bastang kalungkutan na matapos ang ilang araw ay nawawala na. Kailangan ng matinding pangunawa, pagpasensya at pagmamahal para masuportahan sila.

Maaaring irekomenda ng kanilang psychiatrist ang Ritemed Fluoxetine, isang anti-depressant pill para ma-control ang mga sintomas ng depresyon at kalaunan ay gumaling sila.

References:

https://www.helpguide.org/articles/depression/helping-someone-with-depression.htm/

https://www.psycom.net/helping-someone-depressed

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/depression/in-depth/depression/art-20045943