Depressive disorder
Ang bawat tao ay nakararanas ng pagkalungkot at ito ay normal na reaksyon sa mga pangyayari at pagsubok sa buhay. Pero kapag ang pagkaranas ng kalungkutan ay tumatagal ng higit pa sa ilang araw at linggo, o kaya biglaan ka na lamang nawawalan ng gana sa buhay, maaaring ikaw ay mayroong kundisyon na kung tinatawag ay clinical depression. Ang depresyon ay isang seryosong kundisyon na kadalasan ay hindi nabibigyan ng pansin. Ito ay isang uri ng disorder sa utak na nakaaapekto sa pag-iisip at pagkilos ng isang tao. Kung ito ay hindi nagamot, kadalasan ay nagreresulta ito sa kapahamakan, at kung napasawalang bahala, maaaring maging kawalan ng buhay ng iyong minamahal.
Noong 2015 lamang, higit sa tatlong-daang milyong tao sa buong mundo ang naitalang nakararanas ng depresyon. Samantala noong 2012, higit sa 3.3 milyong Pilipino ang naitalang nakararanas ng depressive disorders sa Pilipinas.
Is depression genetic?
Ang depresyon ay kadalasang nagsisimula sa early adolescence o early adulthood, ngunit maaari itong makuha sa kahit anong edad. Ayon sa mga siyentipiko, 40% ng mga kaso ng depresyon ay maaaring maugnay sa kasaysayan ng pamilya o kamag-anak na may depresyon. Ayon rin sa mga pag-aaral, ang isang tao na may magulang o kapatid na mayroong depresyon ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon nito.
Ang clinical depression, na kinikilala rin bilang major depressive disorder, ay isa sa pinaka karaniwang uri ng depresyon. Ayon sa mga pag-aaral, ito rin ang pinakamadalas na uri ng depresyon na maaaring mapasa sa mga bata at sa kanilang mga kapatid. Natuklasan ng mga siyentipiko ang isang uri ng gene na karaniwan sa mga miyembro ng pamilyang mayroong bumabalik-balik na depresyon. Ang chromosome 3p25-26 ay natagpuan sa mahigit na walong daang pamilya. Base sa kanilang mga natuklasan, naniniwala sila na kasing taas ng 40% ng mga pasyente na may depresyon ay maaaring nakuha ito dahil sa genetic link. Mga environmental at ibang kadahilanan ang bumubuo ng natitirang 60%.
Family depression
Ayon rin sa mga pananaliksik, ang mga taong may mga magulang o kapamilya na mayroong depresyon ay mas mataas na posibilidad na magkaroon rin ng kondisyon na ito. Maaari itong namana o nakuha mula sa kalagayan ng kanilang kapaligiran.
Iba pang kadahilanan ng depresyon
Ang isang tao na lumaki kasama ang isang pasyente o kapamilya na may depresyon ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon rin ng depresyon. Kapag ang isang bata ay lumaki kasama ang isang magulang o kapamilya na nagpapakita ng senyas ng depresyon, maari niyang gayahin ang pag-uugali at pagkilos nila. Ang kasarian ay maaari rin maging kadahilanan ng depresyon.
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga kababaihan ay may 42% na posibilidad na magkaroon ng namanang uri ng depresyon samantalang ang mga kalalakihan ay mayroong 29% na posibilidad lamang.
Serotonin at ang koneksiyon nito sa depresyon
Maraming teorya tungkol sa kaugnayan ng serotonin at depresyon. Patuloy na pinag-aaralan ito ng mga researchers at yon sa kanila, nauugnay rin ang serotonin sa depresyon. Ang serotonin ay isang “feel good chemical” na nakapagtutulong sa pagpapabuti ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga brain neurons. Natuklasan nila na nakadudulot ng mood disorders, panic attacks, at obsessive-compulsive disorders ang pagkakaroon ng imbalanse sa serotonin.
Reasons for depression
Ang depresyon ay isang komplikadong sakit. Mahirap malaman o maitukoy kung ano ang eksaktong nakapagdudulot nito, at maaari itong maranasan sa iba’t-ibang uri ng pangyayari. May mga tao na nakararanas ng depression habang mayroong medikal na kundisyon, samantalang mayroon rin mga tao na nakararanas nito dahil sa malalaking pagbabago sa buhay o sa kamatayan ng isang minamahal. Mayroon ring mga kaso na may kasaysayan sa pamilya ang depresyon, at maaari itong mamana sa susunod na henerasyon.
Pero ano nga ba ang mga kadahilanan na nakadudulot ng depresyon? Ang mga sumusunod ay mga posibleng maging dahilan ng pagkuha ng depresyon:
- Abuso – mga uri ng abuso tulad ng pisikal, emosyonal, o mental, ay nakapagtataas ng panganib na makakuha ng depresyon.
- Certain medications – ang ilang mga gamot tulad ng isotretinoin, ang antiviral drug na interferon-alpha, at corticosteroids, ay maaaring makapagtaas ng panganib ng pagkakuha ng depresyon dahil sa side-effects ng mga ito.
- Alitan – ang mga personal na alitan pagitan sa mga kaibigan, kapamilya, o mga mahal sa buhay, ay maaaring makapagdulot ng depresyon.
- Genetics – ang depresyon ay maari ring makuha kapag mayroong kasaysayan ng psychiatric disorders sa pamilya, gunit hindi ito kasing simple ng direktang pagmamana ng sakit. Ibig sabihin nito ay kapag may depresyon ang magulang o isa sa mga magulang, hindi pa rin siguradong mamamana na ito ng kanilang mga magiging anak.
- Major events – ang mga malaki at biglaang pagbabago sa buhay tulad ng pagkawala ng trabaho, paglipat sa ibang lugar, pag-iwan ng mga kaibigan, pagretiro, at iba pang mga pangyayari na nakapagdudulot ng malaking pagbago sa nakadalasan ng isang indibidwal ay maaring magdulot ng depresyon.
Symptoms of depression in men
Ang mga sintomas ng depresyon ay nagkakaiba sa bawat tao. Sa mga kalalakihan, mas madalas na sila ay nakararamdam ng pagod at pagiging iritable, nawawalan ng interes sa trabaho, pamilya, at pagkahirap na makatulog. Maari rin silang makaranas ng mga sumusunod na sintomas ng depresyon:
- Pagiging malungkot ng walang dahilan
- Pagkawala ng konsentrasyon sa mga ginagawa
- Pagkaramdam ng matinding pagod
- Pagbabago ng ugali sa pagkain
- Pag-iisip ng pagpapakamatay
- Ang pagkawalan ng kakayanan na makagawa
ng pang araw-araw na gawain
- Pagkaudlot ng tulog
- Pagkaroon ng pananakit sa ulo at tiyan
- Problema sa proseso ng digestion
Treatment at paggamot sa depresyon
Ang kombinasyon ng medikasyon at therapy ay epektibo sa karamihan ng tao na may depresyon. Malaki rin ang maitutulong ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay para sa mga taong nakararanas ng depresyon. Maari rin sumailalim sa Psychotherapy, Medication management, o kaya magpasuri sa ospital upang makatulong sa mga kakilala niyong may depresyon.
Pagdating naman sa mga gamot, maaaring irekomenda ng kanilang psychiatrist ang mga anti-depressant pill gaya ng Ritemed Fluoxetine para makatulong sa pagbalanse ng mga kemikal sa kanilang utak at maiwasan ang mga sintomas ng depresyon.
Huling Paalala:
Ang pinakaimportante sa lahat ay ang pag-intindi at pagkinig sa mga taong may depresyon upang sila ay ating matulungan at tuluyang mapagaling.
References:
https://www.webmd.com/depression/guide/what-is-depression#1
https://www.hopefordepression.org/depression-facts/
https://pia.gov.ph/news/articles/1012558
https://www.webmd.com/depression/guide/causes-depression#1
https://www.healthline.com/health/depression/genetic
https://www.psycom.net/depression-in-men