Mga Iwas-Dengue Tips Ngayong Tag-ulan
June 30, 2018
Ngayong panahong tag-ulan, may mga iba’t ibang mga sakit na maaaring makuha ang mga tao kagaya ng sipon, ubo at lagnat. Subalit ang isa sa pinaka-mapanganib na sakit tuwing panahon ng tag-ulan ay dengue.
Ano ang dengue?
Ang dengue ay isang mosquito-borne tropical disease na nakukuha sa kagat ng mosquito o lamok na mayroong dengue virus.
Ano ang dengue symptoms?
- Sudden high fever
- Headache
- Sakit sa likod ng mata
- Fatigue o pagkahina
- Nausea o pagkahilo
- Vomiting o pagsusuka
- Skin rash (lumalabas two to five days pagkatapos magkaroon ng fever)
- Mild bleeding (nose bleeding, gum bleeding o madaling masugatan)
Paano makaka-iwas sa dengue?
- Gumamit ng citronella o mosquito lotion
Source: https://pixabay.com/en/skin-care-applying-sunblock-1491366/
Ayon sa mga eksperto, ang lamok na may dengue virus ay lumalabas mula 9AM hanggang 11AM at 4PM hanggang 6PM, kaya kinakailangan na protektado ang sarili during the day. Ang mga citronella o mosquito lotion ay nakakatulong sa pag-iwas sa kagat ng lamok, dahil mayroon itong mosquito repelant properties.
- Siguraduhin na walang namumuong tubig sa tahanan
Dahil maulan, posible na mayroong naiipon na tubig sa paligid ng bahay. Siguraduhin na ang mga drum, plant pots at iba pang bagay na maaaring mag-ipon ng tubig ulan ay tanggalan ng tubig o takpan, dahil maaaring ito maging breeding ground ng mga lamok.
- Gumamit ng citronella spray sa bahay
Dahil ang citronella mayroong mosquito-repelling properties, maaaring gumamit ng mga citronella spray na nabibili sa mga supermarket para makasigurado na walang lamok sa loob ng bahay. Maliban dito, mayroon din mga citronella spray na kid-friendly kaya okay ito para sa mga pamilya.
- I-check ang screen door at bintana para sa mga butas
Para siguradong walang lamok na makapasok sa loob ng tahanan, maliban sa pagsara ng pinto at bintana, kinakailangan na i-check ito kung may mga butas ito dahil maaari itong gawing daanan ng mga lamok. Kung mayroong butas, palitan ito o takpan ito para matiyak na walang lamok na makakapasok sa tahanan.
Mga dapat tandaan kung mayroong dengue
- Kumonsulta sa Doktor
- Uminom ng madaming tubig
- Magpahinga
- Kumain ng mabuti
Dahil walang gamot para sa dengue, importante na malaman ang mga ito para maka-iwas dito. At dahil maulan sa labas, ugaliin na manatili sa loob ng bahay kung walang kinakailangan bilhin sa labas, dahil kung susundin ang mga tips na aming banggit, siguradong safe mula sa dengue ang mga tao sa loob ng tahanan.
Sources: