Dengue Fever: Mahahalagang Bagay na dapat Mong Malaman

September 04, 2020

Maraming praktikal at mabisang paraan upang maiwasan ang dengue fever. Kung ikaw o sinuman sa inyong pamilya ay nakararanas ng anumang dengue symptoms, makabubuting pumunta kaagad sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, narito ang ilang mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa dengue.

What is dengue?

Ang dengue fever ay isang uri ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok. Karaniwan ito sa mga tropikal na bansa gaya ng Pilipinas. Ayon sa dataos ng Department of Health (DOH) ang dengue ay isa sa pinakamabilis kumalat na vector-brone disease sa mundo at ito ay karaniwan sa 100 bansa.

Dengue in the Philippines

Ayon pa rin sa DOH, may naitalang 185,000 na kaso ng dengue sa Pilipinas noong 2012-2016. Ang mga taong nakatira sa mga lugar kung saan may dengue ay pinapayuhang mag-ingat lalo na tuwing tag-ulan (Mayo-Nobyembre) sapagkat ito ang panahon kung kalian lumalaganap ang sakit. Sa kasalukuyan ay wala pang gamot sa dengue, ngunit ang mga sintomas nito ay maaaring magamot sa loob lamang ng isang linggo matapos ang diagnosis.

Dengue symptoms

Ang unang senyales ng dengue ay mataas na lagnat na umaabot ng of 40°C o 104°F at may kasamang kombinasyon ng alinman sa mga sumusunod:

  • Pananakit ng laman, buto, at kasu-kasuan na maaaring lunasan gamit ang RiteMED Paramax
  • Pagsakit ng ulo at pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Rashes
  • Pananakit ng likuran ng mata

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/medical-check-treatment-concept-mother-measure-1234407448)

Prevention

Bagaman wala pang gamot sa dengue, mayroon namang mga hakbang na maaaring gawin upang ikaw at ang iyong pamilya ay makaiwas sa sakit na ito. Narito ang ilan sa mga payo ng mga eksperto:

  • Panatilihing may takip at malinis ang mga lagayan ng tubig. Ang mga karaniwang gamit sa bahay gaya ng painuman ng mga alaga, taniman ng halaman, at plorera ay maaaring pamugaran at pangitlugan ng lamok kaya linisin sila at palaging palitan ng tubig.
  • Gumamit ng kulambo o mosquito net upang maprotektahan sa kagat ng insekto kapag natutulog. Siguraduhing walang malaking butas o bukas na espasyo na maaaring pasukan ng lamok.
  • Gumamit ng mga insecticides na ligtas at mabisang pampatay o pangtaboy sa mga lamok sa loob ng bahay. Ang paggamit ng katol o mosquito coil ay maaaring makatulong ngunit maging maingat sa paggamit nito at huwag hayaang maabot ng mga bata.
  • Gumamit ng mosquito repellant gaya ng RiteMED Denguetrol sa iyong katawan, lalo na kung panahon ng tag-ulan o at tuwing pupunta sa malalamok na lugar. Kumonsulta sa doctor bago gamitin ang anumang kaparehong produkto sa mga bata.
  • Bagaman ang dengue ay hindi nakakahawang sakit, tandaan na ang mga lamok ay maaaring mainfect kapag ito ay kumagat sa isang taong may dengue fever. Dahil dito, maaaring kumalat pa rin ang sakit sa isang kabahayan.

Ang mga praktikal na gawaing ito ay ang unang hakbang upang maiwasan mo ang dengue. Bumisita agad sa pinakamalapit na ospital kapag nakapansin ng sintomas. Makakatutulong rin na alamin ang mga fumigation service sa inyong lugar lalo na sa tag-ulan.

Mahalagang Paalala

Ugaliing ikonsulta sa iyong doktor ang anumang nararamdaman sa iyong kalusugan. Ang mga doktor ang ang tanging may kakayahan na magbigay ng wastong payong medikal.

 

Sources:

https://www.doh.gov.ph/Health-Advisory/Dengue

https://www.cdc.gov/dengue/index.html

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/dengue-fever-reference#1