10 Hakbang upang Makaiwas sa Dengue

September 04, 2020

Ang dengue fever ay isang mapanganib na sakit na dulot ng mga infected na lamok na kung tawagin ay Aedes aegypti. May iilang kaso ng dengue ang asymptomatic o walang anumang sintomas na pinapakita. Ngunit kadalasan, ang pinakakaraniwang dengue symptoms ay mataas na lagnat, rashes, at pananakit ng kasu-kasuan maaaring malunusan gamit ang RiteMED Paramax.

 

Ang dengue ay karaniwan sa mga tropikal na bansa gaya ng Pilipinas, kung saan itinuturing na “endemic” ang sakit na ito sa lahat ng rehiyon. Halos taon-taon ay may napapabalitang dengue outbreak sa bansa.  Bagaman karamihan sa mga pasyente ay gumagaling nang walang malubhang komplikasyon, mayroong isang mas matinding uri ng dengue na kung tawagin ay dengue shock syndrome (DSS) o dengue hemorrhagic fever (DHF) na maaaring ikamatay ng pasyente. Wala pang natutuklasang lunas sa dengue ngunit maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng wastong pag-iingat at kalinisan sa bahay.

Narito ang ilang sa mga paraan upang mapigilan ang pamumugad ng mga lamok sa inyong pamamahay at upang mapa-igting pa ang inyong protesyon laban sa sakit na dengue fever.

  1. Takipan at palaging linisin ang mga imbakan ng tubig. Maraming gamit sa bahay gaya ng flower vase ang maaaring pangitlugan ng lamok kaya makabubuting palitan nang madalas ang tubig ng mga ito.
  2. Panatilihin ang kalinisan sa bahay. Iwasan ang pag-iimbak ng mga nakatiwangwang na basura gaya ng mga lumang gulong at mga container na maaaring pangitlugan at pamahayaan ng mga lamok.

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/stagnant-water-inactive-old-container-clean-1697109709)

  1. Magsuot ng mga damit na nagbibigay ng proteksyon sa balat gaya ng long sleeves at pantalon kung maraming lamok sa paligid at kung marami ang kaso ng dengue sa inyong lugar.
  2. Gumamit ng mosquito net o kulambo para hindi makagat ng lamok kapag natutulog. Siguraduhing walang butas o bukas na bahagi kung saan maaaring lumusot ang mga mapaminsalang lamok.
  3. Maaaring magpalagay ng screens sa mga bintana at pinto para hindi makapasok ang mga lamok sa loob ng bahay.
  4. Gumamit ng mga insecticides na mabisa laban sa mga  lamok ngunit siguraduhing ligtas itong gamitin sa loob ng bahay. Nakakatulong pantaboy ng lamok ang mosquito coil o katol ngunit mag-ingat sa paggamit nito lalo na kung may mga bata sa inyong bahay.
  5. Itapon nang maayos ang inyong mga basura. Gumamit ng mga basurahang may takip at palaging ilabas ang inyong mga basura. Nakakatulong din ang wastong paghihiwalay ng basura upang mabawasan ang pagpasok ng lamok sa inyong kabahayan.
  6. Panatilihing malinis at walang naiiwang tubig sa inyong mga alulod. Gayundin ang inyong mga pool, fountain, at bathtub.
  7. Gumamit ng mosquito repellant gaya ng RiteMED Denguetrol sa iyong katawan lalo na kapag tag-ulan kung kalian dumarami ang mga insekto gaya ng lamok. Magtanong muna sa doktor bago gamitin ang mga ganitong produkto sa mga bata.
  8. Ang dengue ay hindi nakakahawa o naisasalin nang direkta mula sa isang tao patungo sa isa pang tao. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang isang lamok ay maaaring ma-infect matapos kumagat sa isang taong may dengue. Kaya kung tutuusin, maaaring lumaganap ang sakit sa mga myembro ng isang pamilya.

Makabubuting alamin at bantayan ang mga dengue symptoms upang maaagapan ang sakit. Sabi nga nila, “prevention is always better than cure.” Kumonsulta sa iyong doktor bago uminom ng anumang uri ng gamot gaya ng vitamins at bago gumamit ng mga prodkutong gaya n g topical creams. Kung ang mga sintomas ay lumalala, mas mainam na pumunta sa pinakamalapit na ospital o kilinika.

Sources:

https://www.doh.gov.ph/Health-Advisory/Dengue

https://www.cdc.gov/dengue/index.html

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/dengue-fever-reference#1