Madalas nakakaligtaan ng nakakarami ang importansya ng malusog na pag-iisip. Dahil sa mga pang araw-araw na gawain, mas binibigyan natin ng oras ang pagpapalakas ng katawan. Sa katunayan, ang malusog na pag-iisip ay nagiging susi para sa mas maayos na functioning sa araw-araw. Kaya naman ngayong second week ng October ay idinaraos ang National Mental Health Week, na naglalayong bigyang-pansin ang ating pag-iisip at pahalagahan ang kalusugan nito.
Hindi na bago sa atin ang katagang dementia, ngunit marami pa rin ang hindi alam at lubos na naiintindihan kung ano talaga ito at saan ito nagmumula. Alamin ang mga importanteng impormasyon tungkol dito
Ano ang Dementia?
Taliwas sa kaalaman ng lahat, ang dementia ay hindi isang medical condition. Ito ay grupo ng mga sintomas na maaaring may kasamang memory loss, kahirapan sa pag-iisip, at pagsasalita. Sa umpisa, ang mga pagbabago ay maliliit lamang at hindi kapansin-pansin. Habang tumatagal, ang mga sintomas na ito ay mas nahahalata at mas lumalala, lalo na ang mga pagbabago sa behavior at mood araw-araw.
Dementia vs Alzheimer’s
Marami ang nag-aakala na iisa lamang ang dementia at Alzheimer’s Disease kaya naman ito ay ikinalilito ng marami. Ang Alzheimer’s Disease ay isang medical condition na madalas na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng dementia. Isang rason kung bakit nagkakaroon ng dementia ay pagkakaroon ng damage sa utak dulot ng karamdaman.
Dementia Symptoms
Mayroong iba’t ibang sintomas o senyales ang pagkakaroon ng dementia. Kadalasan, nag-iiba ito depende sa condition o sanhi. Narito ang ilan sa pinaka-karaniwang dementia symptoms sa isang tao:
- Ang memory loss ang pinakaunang mapapansin sa taong mayroong dementia. Kadalasan, ito ay pagkalimot sa mga maliit na bagay gaya ng petsa na madalas ay parang normal lamang. Habang lumalala ang sintomas, mas lumalala rin ang memory loss;
- Pagbabago sa pakikipag-usap at sa pagsasalita;
- Pagbagal sa pag-iisip o pagdedesisyon sa mga simpleng bagay;
- Paulit-ulit na pagtatanong tungkol sa pangalan ng isang tao o oras;
- Madalas na pagkalito;
- Pagkawala ng concentration sa maraming bagay;
- Biglaang pagbabago sa behavior gayon din sa personality;
- Pagkawalang-gana sa paggawa ng pang-araw-araw na tasks;
- Malaking pagbabago sa mga ikinikilos;
- Madalas na pagkakaligaw o ang pagkawala ng sense of direction; at
- Madalas na pagkalimot kung saan nakalagayang mga gamit.
Ilan sa mga pagbabago sa behavior o pag-uugali ay mayroong kinalaman sa mood. Narito ang ilan sa mga pagbabago na dapat na bantayan:
- Pagkakaroon ng pabigla-biglang pagbabago sa mood sa loob ng isang araw;
- Pagiging mapanghinala;
- Pagkawala ng interes na gumawa ng mga gawaing kadalasang inaasikaso araw-araw;
- Depression at anxiety;
- Madalas na pagkakaroon ng hallucinations; at
- Kapansin-pansing paglala ng mga sintomas araw-araw.
Mga Sanhi ng Dementia
Ang dementia ay nararanasan dulot ng damaged nerve cells sa utak ng isang tao na malimit ay nakakaapekto sa iba’t ibang parte ng pag-iisip. Iba’t-iba rin ang effects nito sa isang tao - madalas ay depende kung saang parte ng brain ang apektado. Narito ang iba’t ibang sanhi ng dementia:
- Alzheimer’s Disease - Ang medical condition na ito ang pinakakaraniwang sanhi ng dementia sa isang tao. 60 to 80 percent ng cases ng dementia ay dulot ng pagkakaroon ng sakit na ito.
- Parkinson’s Disease - Nagiging sanhi ito ng dementia dahil ito ay sakit sa nervous system na nagiging sanhi ng pagkasira ng neurons ng brain. Ito ay nagkakaroon ng malaking epekto sa pagkilos pati na rin sa pag-iisip ng isang tao na nakararanas nito.
- Traumatic brain injury - Ang brain injury ay isa ring sanhi ng dementia dulot ng paulit-ulit o kaya ay malakas na impact ng pagkakabagok o pagkakaumpog ng ulo. Karaniwan ito sa athletes gaya ng boxers at football players. Ito ay nararansan din ng maraming sundalo.
- Creutzfeldt-Jakob disease. Ang brain disorder na ito ay hindi pangkaraniwan. Kadalasan ay wala itong risk factors, ngunit mayroong pag-aaral ay nakukuha ito dahil sa problema sa tissue ng nervous system.
Photo from Pixabay
Mayroong mga kondisyon na nagiging sanhi ng dementia na importanteng malaman. Ito ay mga sanhi na mataas ang chance na magamot sa pamamagitan ng tamang treatment. Narito ang ilan sa uri nito:
- Infection o immune disorder gaya ng matinding lagnat o multiple sclerosis;
- Deficiency sa nutrisyon ng isang tao gaya ng kakulangan sa tubig at vitamins (B6, B12, B1 o B-Complex);
- Reaction sa mga gamot;
- Brain tumor;
- Abnormality sa endocrine system o problema sa thyroid;
- Pagkakalason dulot ng exposure sa metals o lead; at
- Normal-pressure hydrocephalus o condition ng paglaki ng ventricles sa utak ng isang tao.
Photo from Unsplash
Anu-ano ang maaaring magawa para maiwasan ang pag-develop ng dementia?
Ang pagkakaroon ng dementia ay maaaring maiwasan. Narito ang ilang steps na pwedeng gawin:
- Ugaliing gawing active ang isipan. Ang activities gaya ng pagbabasa, paglalaro ng word games, o kaya memory games ay may malaking benepisyo sa overall mental health.
- Magkaroon ng physical activities araw-araw at makipag-socialize. Ang pagkakaroon ng activities at pakikipag-socialize araw-araw ay nakakatulong sa mas maayos na mood at brain function ng matatanda na mayroong dementia. Ito ay mahahalintulad sa pag-eehersisyo ng katawan.
- Itigil ang paninigarilyo. Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng dementia dahil napapatay nito ang healthy brain cells.
- Magkaroon ng meal plan na sagana sa masusustansyang pagkain. Ang healthy diet ay mabisang panlaban sa kahit anong sakit kasama na ang problema sa brain functioning.
- Siguraduhing sapat ang Vitamin D sa katawan. Napag-alaman na ito ay mabuting panlaban sa mga sakit kagaya ng Alzheimer’s Disease.
Lifestyle at Management Strategies
Mayroong ilang mga adjustment na magaganap kung mayroong nakakaranas nito sa inyong mag-anak. Narito ang ilan sa mga strategies na maaaring makakatulong sa kanila:
- Ang regular na communication sa taong mayroong dementia ay napakahalaga. Makipag-usap nang malumanay at mabagal para mas madali nilang maintindihan. Gumamit ng hand gestures o signals.
- I-encourage ang pasyente na mag-exercise araw-araw. Ito ay makakatulong sa kanilang pisikal na lakas pati na rin sa kanilang overall health.
- Ang pagkakaroon ng calendar ay isang epektibong pamamaraan para mas matandaan ang mga parating na events o kaya naman importanteng activity sa buhay ng may dementia. Pwede ring isama rito ang schedule ng pag-inom ng gamot at pagkonsulta sa doktor.
- Kadalasan, ang pabigla-biglang pagbabago sa kilos o behavior ay nangyayari tuwing gabi. Importante na magkaroon ng ritual na makakatulong para maging kalmado ang may dementia nang hindi ito mahirapan sa pagtulog. Iwasan ang pagpapainom ng mga inumin na may caffeine.
- Ang pagkakaroon ng iba’t ibang activities katulong ang isang professional ay mahalaga para sa kahit na ano pang stage ng dementia. Huwag kalimutan ang regular visit sa doktor o specialist.
Malaki ang epekto ng pagkakaroon ng dementia sa kalidad ng buhay ng isang tao, lalo na ng mga matatanda. Kaya naman, importante na ito ay maunawaan mabuti at maagapan upang mas magkaroon ng mga nararapat na hakbang para dito. Alalahanin na maiging kumunsulta muna sa doktor tungkol dito.
Sources:
https://www.nia.nih.gov/health/what-dementia
https://www.alz.org/alzheimers-dementia/what-is-dementia
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dementia/symptoms-causes/syc-20352013
https://www.nhs.uk/conditions/dementia/symptoms/
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/dementia-early-signs
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dementia/diagnosis-treatment/drc-20352019