The COVID-19 and Pneumonia Symptoms Connection

October 14, 2020

Karamihan sa mga taong may COVID-19 ay nakakaranas ng mild o moderate na sintomas gaya ng ubo, lagnat, at kakapusan ng hininga. Ngunit ang ilan naman ay nakakaranas ng severe pneumonia sa parehong mga baga. Ang COVID-19 pneumonia ay isang seryosong karamdaman na maaaring mauwi sa kamatayan.

Ano ang Pneumonia?

Ang pneumonia ay isang uri ng impeksyon sa baga na nagdudulot ng pamamaga sa maliliit na air sacs. Maaaring mapuno ang mga ito ng fluid at nana kaya nagdudulot ng hirap sa paghinga. Ang mga pasyenteng apektado nito ay nakakaranas din ng ubo, lagnat, pananakit ng dibdib, panginginig at fatigue.

Maaaring mag reseta ang doktor ng pain relievers at cough medicine kagaya ng RM Ambroxol o RM Bromhexine. Ngunit sa mga malulubhang kaso, kailangang pumunta sa ospital upang matulungan ang pasyente sa paghinga gamit ang ventilator.

Ang pneumonia ay maaaring komplikasyong ng viral infection gaya ng COVID-19 o ng flu, o maging ng common cold. Gayunpaman, ang bacteria, fungi, at iba pang uri ng microorganisms ay maaari ring magdulot nito.

Ano ang novel coronavirus-infected pneumonia?

Ang sakit na ito na konektado sa bagong coronavirus ay unang tinawag na novel coronavirus-infected pneumonia (NCIP). Kalaunan ay pinalitan ng World Health Organization (WHO) ang pangalan nito at ginawang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-old-man-wearing-face-mask-608471132)

Maraming sintomas ang sakit na ito. Ang pinakakaraniwan na pneumonia symptoms ay lagnat, dry cough, at hirap sa paghinga, ngunit ang ilan pang sintomas ay ang sumusunod: fatigue, panginginig, pagkahilo o pagsusuka, pagtatae, pananakit ng ulo, muscles, at tiyan, pagkawala ng pang-amoy at panlasa, sore throat, at baradong ilong. May mga pagkakataon ding nagdudulot ito ng pinkeye at rashes sa balat.

Kung ang COVID-19 infection ay nagsisimula nang magdulot ng pneumonia, mapapansin ang ilang mga senyales gaya ng pagbilis ng tibok ng puso, pagbilis ng paghinga, kakapusan ng hininga, pagkahilo, at labis na pagpapawis.

Nasa 15% ng mga kaso ng COVID-19 ang severe o malubha. Ito ay nangangahulugan na kailangan nila ng oxygen sa ospital. Nasa 5% naman ng mga taong may kritikal na impeksyon ang kailangan ng ventilator.

Ang mga taong may pneumonia ay maaari ring magkaroon ng kondisyon na tinatawag na acute respiratory distress syndrome (ARDS). Isa itong uri ng sakit na biglaang umaatake at nagdudulot ng problema sa paghinga.

Ang bagong coronavirus ay nagdudulot ng labis na pamamaga sa baga. Sinisira nito ang mga cells at tissue sa lining ng air sacs kung saan pinoproseso ang oxygen at dinadala sa dugo. Dahil sa pagkasira ng tissue, nababarahan ang baga. Kumakapal ang wall ng air sacs kaya naman nahihirapan ang pasyente na huminga nang maayos.

Sino ang at risk sa COVID-19 pneumonia?

Kahit sino ay maaaring maapektuhan ng COVID-19 pneumonia, ngunit mas mataas ang tyansa na makuha ito ng mga taong edad 65 pataas. Ang mga taong edad 85 pataas naman ang may pinakamataas na risk.

Ang mga taong naninirahan sa nursing homes na may mga sumusunod na problemang pangkalusugan ay mayroon ding mas mataas na tyansa na maapektuhan ng COVID-19: moderate to severe asthma, sakit sa baga, sakit sa puso, sakit sa atay, high blood pressure, diabetes, renal failure, at malubhang obesity o iyong may body mass index (BMI) na 40 o mas mataas pa.

Ang mga taong may mahinang immune system ay maaari ring maging maapektuhan ng malubhang karamdamang may kinalaman sa COVID-19 illness. Kabilang dito ang mga naninigarilyo, nagpapagamot ng cancer, sumailalim sa bone marrow transplant, may HIV o AIDS na hindi nakokontrol, at lahat ng taong umiinom ng gamot na nagpapabagal sa immune system gaya ng steroids.

Ang COVID-19 pneumonia ay isang seryosong karamdaman kaya mahalagang protektathan ang sarili laban dito. Kasama ka man sa mga high-risk na grupo o hindi, makakatulong kung uugaliin ang wastong paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa paglabas ng bahay, at wastong pagsusuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.

Kumonsulta kaagad sa doktor kapag nakaramdam ng sintomas.

Sources:

https://www.webmd.com/lung/covid-and-pneumonia#1

https://www.webmd.com/lung/ards-acute-respiratory-distress-syndrome

https://www.healthline.com/health/pneumonia

https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/pneumonia/symptoms-and-diagnosis