Kilala ang Vitamin C o ascorbic acid bilang pampalakas ng resistensya ng katawan laban sa iba’t ibang sakit. Dahil dito, ipinapayo ng mga doktor ang pagkonsumo ng mga pagkain at inumin na nagtataglay ng bitaminang ito. Inirerekomenda rin ang pag-inom ng mga supplement para matugunan ang sapat na dami ng Vitamin C na kailangan ng katawan.
Ngayong kinakaharap ng buong mundo ang COVID19, isang paraan para malabanan ang virus ay sa pamamagitan ng pag-inom ng Vitamin C. Unawain natin kung paano nito natutulungan ang katawang mapuksa ang COVID19 at mapalakas ang immune system.
Paano malalabanan ng Vitamin C ang coronavirus?
Bagamat hindi ginagamit panggamot sa COVID19 ang ascorbic acid, ang mga benepisyo ng Vitamin C ay makakatulong para malabanan ang katawan ang pinsalang dala ng sakit. Narito ang ilan sa mga paliwanag para rito:
- Lumalaban sa oxidative damage
Ang Vitamin C ay isang antioxidant na pumapatay sa mga free radicals sa katawan. Para naman sa COVID19, nilalabanan ng Vitamin C ang oxidative damage na natamo ng immune system.
- Napapabilis ang produkyson ng white blood cells
Kapag may sapat na Vitamin C sa katawan, gumagana ang immune system sa pamamagitan ng white blood cells, o mga tagapagtanggol ng katawan laban sa sakit. Ang mga ito ang lumalaban sa mga impeksyon.
- Nalalabanan ang inflammation
Nagkakaroon ng inflammation sa baga at iba pang vital organs dahil sa COVID19. Kung mayroong sapat na Vitamin C sa katawan, mababawasan ang inflammation at maaaring hindi na lumala pa ang sakit.
- Napapabuti ang lung function
Isa sa napupuruhan ng COVID19 ay ang mga baga, kaya naman may kalakip na hirap sa paghinga ang komplikasyon ng sakit na ito.
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/macro-citrus-fruits-392349301
Ipinapaalala na wala pang sapat na pag-aaral para mapatunayan na pwedeng gamiting panggamot sa COVID19 ang Vitamin C o ascorbic acid. Narito ang ilan sa mga pwedeng gawin para mapalakas ang katawan laban sa COVID19:
- Kumain ng prutas at gulay na mayaman sa Vitamin C. Ilan sa mga ito ang citrus fruits, broccoli, cauliflower, spinach, at iba pang green leafy vegetables.
- Umiwas sa paglabas ng bahay maliban na lamang sa essential travel gaya ng pagpasok sa trabaho, pagbili ng groceries, at pagpapatingin sa doktor.
- Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Mag-sanitize din hangga’t maaari para mapatay ang germs.
- Magsuot ng face mask at face shield para bumaba ang transmission rate ng virus.
Paalala: Kung nakakaranas ng mga sintomas ng COVID19, agad na magpakonsulta sa inyong doktor sa pamamagitan ng teleconsultation para sa mga mild cases at sa ospital naman para sa severe cases. Makipag-ugnayan din sa inyong LGU para mabigyan ng tulong at suporta na kinakailangan para sa quarantine at treatment.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/can-vitamin-c-prevent-or-treat-covid-19#summary
https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-c-coronavirus#bottom-line