Virus Vs Bacteria: Ano ang Pagkakaiba ng Viral at Bacterial Infections?
Gaya ng iyong iniisip, ang bacterial infections ay dulot ng bacteria at ang viral infections naman ay dahil sa mga virus. Ngunit ang pinakamahalagang pagkakaiba ng dalawang uri ng mapanganib na microorganisms na ito ay ang antibiotic drugs ay may kakayahang pumatay ng bacteria ngunit hindi sila epektibo laban sa virus.
Simulan natin ang pagtalakay sa mga pangunahing pagkakaiba ng bacteria at virus.
What is bacteria?
Ang bacteria ay isang uri ng single-celled microorganisms na nabubuhay sa iba’t ibang uri ng environment. May mga ilang uri na nabubuhay sa lubhang malalamig o maiiinit na lugar. Ang ilan naman ay naninirahan sa mga bituka ng tao kung saan tumutulong sila sa pag-digest ng pagkain. Karamihan sa mga bacteria ay hindi nakakasasama sa tao, ngunit mayroong ilang mga nagdudulot ng sakit.
Ang ilan sa mga karamdamang dulot ng bacteria ay strep throat, tuberculosis (TB), at urinary tract infections (UTI). Ang maling paggamit ng mga antibiotics ang dahilan sa pag-usbong ng mga bacterial disease na hindi tinatablan ng mga gamot na antibiotic.
What is virus?
Ang mga virus ay higit na mas maliit kaysa sa bacteria at sila ay naninirahan at nagpapadami sa katawan ng mga nabubuhay na host gaya ng tao, hayop, o halaman. Kapag ang virus ay nakapasok sa iyong katawan, pinapasok nito ang iyong mga cells at kinokontrol nila ito upang sila ay makapagparami.
Ang ilan sa mga sakit na dulot ng virus ay common colds, chickenpox, at AIDS.
May mga pagkakataong mahirap tukuyin kung virus o bacteria ba ang sanhi ng mga sintomas ng sakit. Maaaring bunga ng alinman sa bacteria o virus ang maraming karamdaman gaya ng pneumonia, meningitis at diarrhea na maaaring lunasan ang sintomas sa tulong ng RM Loperamide.
Infections: Virus Vs Bacteria
Maraming pagkakatulad ang mga bacterial at viral infection. Ang mga ito ay kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing; contact sa isang taong infected sa pamamagitan ng paghalik at pagtatalik; contact sa kontaminadong surface, pagkain o tubig; contact sa infected na mga hayop gaya ng mga pets, livestock, at insekto gaya ng pulgas at garapata.
Ang mga mikrobyong ito ay maaari ring magdulot ng acute na impeksyon na maaaring pansamantala lamang, seryosong impeksyon na maaaring tumagal nang ilang linggo, buwan, o maging panghabambuhay; latent o natatagong impeksyon na maaaring magpakita ng sintomas sa una at maaaring maging aktibong muli matapos ang ilang buwan o taon.
Ang mga bacterial at viral infections ay maaaring magdulot ng mga karamdamang mild, moderate, o malubha. Maaari silang maging sanhi ng mga parehong sintomas gaya ng ubo, bahing, lagnat, pagsusuka, pagtatae, pamamaga, at fatigue – na siyang mga senyales na ang immune system ay sinusubukang labanan ang impeksyon.
Naiiba ang bacteria at viral infections sa kanilang structure bilang organismo at kung paano sila nagrereact sa gamot.
Diagnosis
Mahalagang kumonsulta sa doktor kung sa palagay mo ay mayroon kang bacterial or viral infection, maliban na lamang kung ito ay common cold, na hindi mabilis gumaling at hindi naman mapanganib.
Sa mga kaso ng pneumonia, meningitis, at diarrhea kung saan mahirap tukuyin kung kagagawan ba ito ng virus o bacteria, makakatulong ang doktor upang malaman ang sanhi ng karamdaman at gayundin ang solusyon dito. Kailangang magsagawa ng physical exam at malaman ang iyong medical history para magkaroon ng wastong diagnosis.
Kung minsan ay kailangan din ang blood at urine test upang makumpirma ang diagnosis, o di kaya naman ay culture test ng tissue upang matukoy kung anong uri ng bacteria o virus ito. May pagkakataon ring ang apektadong tissue ay kailangang sumailalim sa biopsy.
Napakahalaga ng atensyong medikal sa mga pagkakataong ang isang tao ay tinamaan ng impeksyon. Kaya naman huwag magdalawang-isip na kumonsulta kaagad sa doktor sakaling makaranas ng mga sintomas.
Sources:
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/bacterial-and-viral-infections
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/infectious-diseases/expert-answers/infectious-disease/faq-20058098#:~:text=As%20you%20might%20think%2C%20bacterial,aren't%20effective%20against%20viruses.
https://www.healthline.com/health/bacterial-vs-viral-infections