Ano nga ba ang General Community Quarantine o GCQ at anu-ano ang mga nakapaloob na mga patakaran dito patungkol sa pagbubukas ng negosyo at serbisyo at sa kaligtasan ng publiko? Narito ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa pagbubukas ng komersyo ayon sa mga protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) simula June 1, 2020.
Category 1 – 100% Opening
Maaari nang magbukas ng mga negosyo at ahensya na pasok sa Category 1. Ito ay iyong mga may kinalaman sa agriculture at fisheries upang masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa mga GCQ areas. Gayundin, ang mga nasa food manufacturing at food supply chain businesses ay pinahihintulutan na rin ang operasyon. Bukod diyan, ang mga negosyo sa food retail industry ay maaari na ring mag-operate. Kabilang dito ang mga supermarket, grocery, at mga establisimyento na nakatuon sa food preparation ngunit para sa takeout at delivery lamang. Pwede na ring magbukas ang mga logistics companies.
Patuloy pa rin ang operasyon ng mga nasa industriya ng healthcare gaya ng mga ospital, klinika, at botika. Gayundin, 100% na rin ang operasyon ng mga negosyo at ahensya na may kinalaman sa suplay ng tubig at kuryente, at iyong mga nagbibigay serbisyo sa telecommunications at information technology. Ang mga media networks ay maaari na ring magbukas.
Category 2 – 50% to 100% Opening
Alinsunod sa mga protocols na itinakda ng IATF, kalahati hanggang isandaang porsyento ng ilang industriya ang maaari nang magbalik-operasyon. Kabilang sa Category 2 ang mga negosyo na nakasentro sa mga repair at maintenance service, e-commerce at delivery ng mga essential at non-essential na mga produkto, manufacturing at iyong may kinalaman sa pag-eexport ng mga produkto, at housing and office services. Pasok din sa category 2 ang mga minahan.
Category 3 – Up to 50% on site, 50% work from home
Ang mga negosyo at serbisyo na kabilang sa Category 3 ay pinahihintulutan ng IATF ang operasyon sa kondisyong kalahati lamang ng operasyon ang on site at ang kalahati ay work from home. Kabilang dito ang legal, accounting, at auditing firms, gayundin ang mga financial services. Ang mga nasa industriya ng BPO (Business Processing Outsourcing) gaya ng mga call centers ay ganito rin ang magiging setup. Ang mga serbisyong professional, scientific, at technical ay kasama rin dito.
Category 4 – Hindi pa maaaring mag-operate
Ayon din sa GCQ guidelines, ang mga sumusunod na negosyo at establisimyento ay HINDI pa maaaring magbalik-operasyon:
- mga gym, fitness facilities, at sports facilities;
- mga sinehan, teatro, karaoke places, comedy bars, nightclubs, at beerhouses;
- palaruan, toy stores, at amusement rides;
- museo, aklatan, art galleries, at mga garden na pasyalan;
- mga beach, resorts, water parks, pati mga travel agencies, tour operators, at casino;
- massage parlors at salon; at
- mga amusement at leisure establishments na maaaring dagsain ng tao
Mahalagang sundin ang mga guidelines na ito para makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.
Transportasyon
Narito naman ang mga patakaran sa transportasyon:
Ang mga sedan at pick-up ay maaari lamang magsakay ng hanggang apat na tao samantalang ang mga SUV at AUV naman ay hanggang anim. Ang mga van naman ay hanggang walong katao lamang ang maaaring maisakay samantalang 50% lamang ng capacity ng mga bus ang pahihintulutang sumakay.
(https://www.shutterstock.com/image-photo/la-trinidad-benguet-philippines-august-4-1796747050)
Ilang mga Patakaran at Alituntunin
Narito ang mga karagdagang patakaran at kautusan kasama ang ilang pinahihintulutang gawain sa ilalim ng Philippines GCQ protocols:
- mandatory ang pagsusuot ng face mask;
- pagpapanatili ng social distancing;
- pagsunod sa GCQ curfew (10pm hanggang 5am);
- pagbubukas ng mga mall at shopping center maliban sa mga leisure establishments;
- pagbabawas ng kapasidad ng mga sasakyang pampubliko (panlupa, pandagat, at panghimpapawid) at istriktong 1-meter na distansya ng mga pasahero;
- pagbubukas ng mga barbershop at hair salon na may pagsunod sa nakatakdang minimum health protocols;
- pagbubukas ng mga dine-in restaurants ngunit may limitadong 50% capacity lamang;
- pagsasagawa ng outdoor, non-contact sports gaya ng jogging; at
- pagsasagawa ng mga essential na pribado at pampublikong construction projects
Mahalagang alamin din ang mga kondisyong nakapaloob sa kautusan upang makaiwas sa kalituhan sa paglabag dito.
Mga Mahigpit na Ipinagbabawal
Narito naman ang mga bagay at gawain na ipinagbabawal alinsunod sa GCQ guidelines:
- paglabas ng mga taong edad 21 pababa at 60 pataas, gayundin ng mga buntis at mga taong may immunodeficiency, maliban na lamang kung walang ibang kasama sa bahay ang maaring gumawa nito;
- pagbubukas ng mga hotel at kaparehong establisimyento;
- physical classes, ngunit base na rin sa mga kondisyon ng mga higher education institutions;
- pagtitipon maliban na lamang kung ito ay may kinalaman sa trabaho at relihiyon at kung may sapat na pagsunod sa health protocols;
- mahigpit na ipinagbabawal ang mga establisymento na may kinalaman sa amusement, gaming, at turismo.
Mahalaga ang sapat na kaalaman sa mga kautusang ito hindi lamang upang makaiwas sa kalituhan at mga parusa ngunit para na rin sa iyong kaligtasan at ng nakararami. Manatiling updated para sa mga karagdagang paalala at alituntunin mula sa gobyerno.
Sources:
https://www.pwc.com/ph/en/issues/covid-19-issues/gcq-guidelines.html
https://onenews.ph/in-case-you-re-confused-here-s-a-roundup-of-guidelines-to-follow-under-gcq
https://newsinfo.inquirer.net/1283024/list-what-to-expect-in-areas-under-gcq-mgcq
https://ptvnews.ph/iatf-eid-announces-updated-guidelines-on-gcq-mgcq-areas/#:~:text=IATF%2DEID%20announces%20updated%20guidelines%20on%20GCQ%2C%20MGCQ%20areas,-June%204%2C%202020&text=%E2%80%9C%5BM%5Dovie%20screenings%2C,part%20of%20the%20guidelines%20read.