Karaniwan na nating naririnig ang katagang “prevention is better than cure” kung saan-saan, at ngayon nga ay naaangkop ito sa sitwasyon natin. Habang patuloy pa rin ang pagsasaliksik ng mga eksperto sa epektibong bakuna kontra COVID-19 infection, mahalaga na sikapin nating hindi mahawahan o makahawa ng virus.
Ano pa nga ba ang pinakasimple at epektibong paraan para maiwasan ang transmission ng coronavirus sa mga pampublikong lugar kung hindi ang face mask use. Suportado ito ng siyensya dahil nakita sa mga bagong pag-sasaliksik na mas madami ang bilang ng kaso sa mga bansa na hindi nirerekomenda ang pagsusuot nito.
Importante ang face mask dahil 30-40% ng infected individuals ay pre-symptomatic at asymptomatic kaya hindi nila alam na maaari na silang makahawa pag sila ay nagsalita, umubo, o bumahing.
Kaakibat ng madalas na pag-disinfect ng mga gamit at surface areas, social distancing sa pampublikong lugar, pagpapalakas ng resistensya, at iba pang prevention measures, mas mataas ang tiyansa na hindi mahawa ang isang taong may suot na face mask. Pero ayon sa pag-aaral, hindi lahat ng klase ng face mask ay pare-pareho ang level of protection at mainam na gamitin.
Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) na magsuot ng medical mask ang mga frontline health workers, mga matatandang edad 60 pataas, mga may iniindang sakit, at mga taong may sintomas o nagpositibo na sa COVID-19. Samantalang sapat na ang fabric mask sa ibang hindi kabilang sa mga nabanggit na klase.
Pero alin nga ba sa mga klase ng face mask na ito ang good at not-so-good? Narito ang gabay:
N95 Mask
Ito ang pinakamabisa sa pagsala ng viral particles, ayon sa mga pag-aaral. Ang N95 ay isa sa mga uri ng disposable face mask na ginagamit ng mga frontline health workers sa trabaho dahil mahigpit ang pagkakadikit nito sa paligid ng ilong at bibig kapag sakto ang sukat kaya walang daanan palabas ang mga droplets. Ito rin ay gawa sa tangled fibers na swak pang-filter ng airborne pathogens.
Nakuha ng N95 mask ang pangalan nito dahil kaya nitong salain ang aerosols nang may minimum 95% efficiency, mas mataas kumpara sa ibang karaniwang mask sa ginagamit natin sa gitna ng health crisis na ito. Ngunit kahit na ito ang pinaka-epektibong uri ng mask, iginigiit ng mga awtoridad na ireserba na lamang ang paggamit ng single-use mask na ito para sa mga frontline health workers dahil mas kailangan nila ito kumpara sa mga ordinaryong mamamayan. Isa pa, hindi compatible ang N95 mask sa mga bata at mga lalaking makapal ang bigote’t balbas.
Surgical Mask
Ang surgical mask naman ang isa pang uri ng single-use mask na mas loose-fitting kumpara sa N95 pero mainam pa rin na gamitin ng frontline health workers. Mataas din ang efficiency rate nito na harangin ang viral particles palabas at papasok sa bahagi ng bibig at ilong.
Kung ikaw ay lalabas para mamili ng supplies o dumalo sa mga simple celebration, sapat nang surgical mask ang suot dahil gawa ito sa nonwoven fabric. Pero kagaya ng N95, hangga’t maaari ay huwag nang agawan ang frontline health workers sa supply nito dahil sila ang mas nangangailangan.
Cloth Mask
Kung may klase ng mask na swak para sa mga ordinaryong mamamayan na wala namang sintomas ng COVID-19 infection, ito ay ang fabric o cloth mask. Hindi man ito kasing epektibo ng N95 at surgical mask sa pagsala ng viral particles, mainam pa rin nitong napipigalan ang palabas at papasok sa bahagi ng bibig at ilong. Para mas maging kampante sa paggamit ng cloth mask sa mga pampublikong lugar, maaari mo itong sabayan ng pagsuot ng face shield lalo na sa mga indoor spaces.
Ngunit hindi lahat ng uri ng tela ay pwedeng gawin na mask. Dapat ang gagamiting tela ay finely woven at multi-layered para hindi basta-basta makalulusot ang aerosols.
Mas tipid din gamitin ang cloth mask dahil maaari itong isuot nang paulit-ulit basta’t nahugasan nang maigi pagkatapos gamitin. Swak ito para sa mga pagkakataon na kailangan mo lang magsuot ng mask sa maigsing oras gaya ng pagdalo sa paskuhan, binyagan, birthday celebration, o ano pa mang okasyon. Tandaan lamang na huwag maghiraman ng cloth mask kahit na bagong laba pa ito.
Bandana o Panyo
Nabanggit na sa itaas na hindi lahat ng uri ng tela ay maaaring gawing cloth mask, lalo pa kung ito ay makeshift mask na gawa sa panyo o bandana. Bago pa magkaroon ng coronavirus pandemic ay panyo na ang default na ginagamit bilang pantakip ng bibig at ilong ng maraming Pilipino. Kaya marami sa atin ngayon ang ito pa rin ginagamit kung walang pambili o access sa ibang klase ng face mask.
Kahit papaano naman ay nakasasala pa rin ng liquid particles ang bandana o panyo, ngunit dapat ang pagsuot lamang nito ay kung wala na talagang available na mask sa oras na kailangan mong magsuot, at mas mainam na doble o triple ang layer na gagamitin.
Source:
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-brunette-woman-wearing-blue-bandana-610570178
Neck Gaiter
May ilan pa ring mga Pinoy ang medyo nalilito sa katagang “how to use face masks” kaya hindi rin nila makita kung bakit hindi nirerekomendang gamitin ang neck gaiter bilang face mask tulad ng bandana. Ang neck gaiter ay gawa sa thin polyester spandex kaya ito stretchable at komportable isuot, na siyang dahilan bakit hindi ito mainam na face mask. Dahil hindi mahirap huminga kapag may suot na neck gaiter, pinapatunayan nitong madaling makalulusot ang viral particles palabas at papasok nito.
Ito ang iba’t ibang klase ng face mask na may kanya-kanyang level of efficiency sa pagpigil ng coronavirus transmission. Always wear face mask kahit anong klase pa yan. Mas mabuti nang may suot kaysa wala kung lalabas sa bahay.
Kung ano man ang gagamitin mong face mask, isuot ito nang tama at maayos. Tandaan, wala pang gamot sa COVID-19 infection kaya sobrang mahalaga na maiwasan natin ang mahawa at makahawa ng iba.
Sources:
https://news.llu.edu/health-wellness/which-type-of-face-mask-most-effective-against-covid-19
https://www.sciencealert.com/some-masks-are-better-than-others-here-they-are-ranked-best-to-worst
https://www.scmp.com/news/world/article/3096828/medical-masks-best-cotton-good-bandanas-bad-coronavirus-study-shows
https://www.washingtonpost.com/lifestyle/wellness/mask-test-duke-covid/2020/08/10/4f2bb888-db18-11ea-b205-ff838e15a9a6_story.html