Face Mask: Epektibong Paraan Kontra sa COVID-19 | RiteMED

Face Mask: Epektibong Paraan Kontra sa COVID-19

November 9, 2020

Face Mask: Epektibong Paraan Kontra sa COVID-19

Hindi maikakaila na COVID-19 na ang isa sa mga pangunahing banta sa kalusugan at buhay ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Ang rason kung bakit tila marami ang nangangambang mahawahan ng virus ay hindi dahil sa epekto nito sa ating katawan at wala pang nadidiskubreng panglunas dito.

Kaya naman mahalaga na panatilihin nating malakas ang ating resistensya upang mas maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.

Pero bukod sa pag-inom ng vitamins at pagkain ng masusustansyang pagkain, isa sa mga epektibong paraan upang makaiwas sa coronavirus ay ang pagsusuot ng face mask. Ito ay makatutulong sa pagpigil at pagbagal ng transmission ng virus mula sa isang tao papunta sa iba pa, ayon sa pagsasaliksik.

Gaano kaepektibo ang face mask kontra sa COVID-19

May ilang Pilipino pa rin ang duda sa kakayahan ng surgical mask o iba pang klase ng face mask kontra sa COVID-19 transmission kahit na mayroon namang ebidensyang sayantipiko na magpapatunay dito.

Napag-alaman nang nata-transmit ang coronavirus sa pamamagitan ng respiratory droplets na pinapakawalan ng isang taong positibo sa virus tuwing siya ay nagsasalita at bumabahing. Mahahawa ang ibang taong malapit sa kanya kapag itong mga droplets na ito ay bumagsak sa kanilang bibig o ilong, o kaya kung ito ay nalanghap patungo sa baga.

Ang use ng face mask ay para magsilbing physical barrier na sasalo sa droplets pag ito’y lumabas na sa bibig ng taong may COVID-19. Isa pa, mapipigilan din ng face mask ang pagsabog ng droplets sa hangin.

Kung ikaw ay may suot na face mask, mas mataas ang tyansa na hindi ka mahawa o hindi ka makahawa, ayon sa pag-aaral.

Kaya mahigpit na pinagsusuot ng face mask ang lahat ng taong lalabas sa kani-kanilang bahay ay dahil din hindi nating alam kung tayo ba ay positibo na sa virus bago pa man tayo ma-swab test. May mga tao na asymptomatic at may iba namang delayed ang pagpapakita ng mga sintomas kaya kahit wala pang malinaw na senyales ng COVID-19 infection ang isang tao, nararapat lang na magsuot lagi ng face mask.

Kung epektibo ang face mask kontra sa coronavirus, bakit pa natin kailangang manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari? Iyan ang madalas na itanong ng karamihan sa mga awtoridad. Ayon sa mga eksperto, hindi 100% na napipigilan ng face mask ang transmission ng virus kaya naman minumungkahi rin nila na magsuot ng face shield bukod sa face mask, dalasan ang paghuhugas ng kamay, at magbigay ng sapat na distansya sa pagitan ng iyong sarili at ibang tao.

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/different-kinds-face-masks-protection-against-1818482774

Iba’t ibang klase ng face mask

Nang magsimulang dumami ang kaso ng COVID-19 sa bansa, maraming tao ang nagbilihan ng kahon-kahon ng disposable face mask. Pero napag-alaman natin kalaunan na pwede rin namang cloth mask ang isuot upang hindi maubusan ng surgical at N95 mask supply ang mga frontline health workers.

Naging mabenta ang N95 masks dahil isa itong uri ng respirator na mabisang magsala ng maliliit at malalaking particles pag lumalanghap ang may suot. Mas epektibo ito kumpara sa surgical mask pero mas mahirap huminga pag ito ang suot, lalo na kung walang valve.

Sa isang banda, parehong disposable ang surgical at N95 mask pero pinag-aaralan na ngayon kung may paraan para ma-disinfect ito at muling magamit. Ang cloth mask naman, sa kabilang banda, ay maaaring gamitin nang paulit-ulit kung ito ay huhugasan o lalabhan pagkatapos isuot. Mas madali rin makahanap, makabili, o makagawa ng cloth mask kaya tiyak na mas mura rin ang presyo nito kumpara sa naunang dalawang nabanggit.

Pero pag-iingat ng mga eksperto, dapat ay multiple-layered ang cloth mask na isuot dahil kahit na kaya nitong harangin ang paglabas o pagpasok ng droplets sa bibig ng tao, mas madali pa rin tumagos sa telang manipis ang small particles.

Paano ang tamang paggamit ng face mask

Hindi sapat ang basta may suot ka lang na face mask. Nirerekomenda ng mga eksperto na wear face mask kapag may makakasalamuha kang ibang tao na hindi mo kasamahan sa bahay o kaya kapag hindi posibleng masunod ang social distancing sa pampublikong lugar na iyong pupuntahan.

Kapag magsusuot o magtatanggal ng face mask, tandaan na:

  • Hugasan o mag-alcohol ng mga kamay bago hawakan ang mask
  • Siguraduhin na matatakpan nang buo ng mask ang iyong bibig at ilong
  • Remedyuhan ang sikip ng pagkakakabit nito sa iyong tainga kung masyadong maluwag o masikip
  • Iwasan na hawak-hawakan ang mask habang suot ito
  • Palitan agad ng bago ang mask kapag ito masyado nang nabasa o nadumihan
  • Kung magpapalit ng mask, ilagay sa selyadong lalagyan ang lumang mask bago ito itapon o kaya bago itago para hugasan mamaya
  • Huwag na huwag magsusuot ng face mask na ginamit na ng iba kahit pa ito ay nahugasan na
  • Sa ear loops ang hawak kapag tatanggalin ang mask, hindi sa harapang bahagi nito
  • Muling maghugas o mag-alcohol ng mga kamay pagkatapos hubarin ang mask

Marami sa atin ang hindi pamilyar sa mga patnubay na ito kaya ugaliin din na ibahagi sa iba itong guide on how to use face mask properly. Sa ganitong paraan, mas makakasiguro tayo na hindi magkakawahan ang mga tao nang basta-basta.

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/woman-wearing-face-mask-office-1705392298

Iba’t ibang ebidensya na ang sumusuporta na ang face mask ay epektibo ngang pangkontra sa pagkalat ng coronavirus. Hindi man ito 100% na epektibo, sa simpleng paraan na pagsala ng respiratory droplets na may virus, mas maiiwasan natin na mahawa at makahawa ng ibang tao.

Sources:

https://www.healthline.com/health-news/the-simple-science-behind-why-masks-work#The-bottom-line

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/coronavirus/in-depth/coronavirus-mask/art-20485449



What do you think of this article?