Eating Tips Para sa COVID-19 Pandemic

June 11, 2021

Sa panahon ng COVID- 19 pandemic, mahalagang mapanatili na malusog ang iyong pangangatawan pati na rin ng iyong pamilya. Ito ay importante para magkaroon ng proteksyon mula sa COVID at iba pang sakit na maaaring makuha ng iyong mga mahal sa buhay.

 

Para tulungan kang mapakain nang masustansya ang iyong pamilya, narito ang ilang madaling tips para mapanatili ang healthy eating habits sa kabila ng sitwasyon sa ating bansa:

 

Panatilihin ang Pagkain ng Gulay at Prutas

 

Sa panahon ngayon, mahirap makabili at magreserba ng fresh na gulay at prutas dahil pinapayuhan ang mga taong limitahan ang kanilang paglabas ng bahay. Kaya naman sa tuwing lalabas ka ng bahay, dapat mong samantalahin ang panahong ito para bumili ng fresh na pagkain.

 

Maaari mong i-freeze ang mga gulay at prutas na iyong nabili para panatilihin ang kanilang sustansya at lasa at saka na lamang iluto pag kailangan na. Pwede mo rin naman na silang gamitin para magluto ng ulam na pangmaramihan. Para hindi mapanis ang iyong niluto, pwede mo rin itong i-freeze nang ilang araw. Bukod sa mapapakain mo na nang masustansya ang iyong pamilya, affordable din ito dahil may ulam na kayo ng ilang araw.

 

Pumili ng Masustansyang Dried o Canned na Pagkain

 

Dahil sa limitadong supply ng sariwang gulay at prutas na mabibili dulot ng pagkagambala ng transportasyon sa Metro Manila, kailangang pumili ka ng masusustansyang  dried o canned na pagkain. Mapupunan ng mga ito ang nutrients na naibibigay ng mga sariwang gulay at prutas, at makakatulong din ang mga dried o canned na pagkain na mapanatili ang kalusugan ng iyong pamilya. Pwede kang bumili ng de latang isda tulad ng sardinas, mackerel, at salmon na mayaman sa protein, omega 3 fatty acids, at iba pang mineral at bitamina. Maaari ka ding bumili ng canned at dried na gulay tulad ng kamatis at beans.

 

Hindi dapat maging dahilan ang limitadong supply ng sariwang gulay at prutas para bumili ka ng mga highly processed food para sa iyong pamilya. Ang mga pagkain na ito ay puno ng saturated fat, asukal, at asin na hindi masustansya para sa kalusugan ng iyong mahal sa buhay. Maaari ring magdulot ng sakit sa puso at bato ang labis na pagkain ng mga ganitong klase ng pagkain.

 

Mag-imbak ng Maraming Masustansyang Merienda

 

Kailangang kumain ng mga bata ng maraming snack sa isang araw para mapanatili ang kanilang energy. Mas mainam kung ang ibibigay mong meryenda sa kanila ay masustansya imbes na puro maalat o matamis na pagkain.

 

Ilan sa mga pagkaing pwede mong ibigay bilang meryenda para sa iyong mga anak ay mani, keso, yogurt, prutas, at nilagang itlog. Ang mga pagkaing ito ay masustansya, mas nakakabusog, at makakatulong sa pagbuo ng healthy eating habits ng iyong mga anak.

 

Gawing Routine and Pagluluto at Pagkain Bilang Pamilya

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-family-enjoy-playing-cooking-food-1650038158

 

Para mabawasan ang stress at anxiety na dulot ng pandemic, ugaliing magluto at kumain nang sama-sama kada araw. Pwede mong patulungin ang iyong mga anak sa paghuhugas at pag-aayos ng mga sangkap at paghahain. Mabuti rin kung magkakaroon kayo ng takdang oras ng pagkain nang sabay-sabay.

 

Sa panahon ng pandemya, mainam kung magsisikap ang bawat miyembro ng pamilya para mapanatili ang pisikal at mental na kalusugan ng isa’t isa. Makakatulong ito upang makaiwas ang bawat mahal mo sa buhay mula sa COVID-19 at iba pang karamdaman.

 

Source:

https://www.unicef.org/coronavirus/easy-affordable-and-healthy-eating-tips-during-coronavirus-disease-covid-19-outbreak