Cleaning and disinfection at home

August 19, 2020

Wastong Paglilinis at Pagdi-disinfect ng Tahanan

Ayon sa mga eksperto, marami pa tayong dapat malaman tungkol sa COVID-19. Batay sa mga datos, ang pagsalin ng virus galing sa respiratory droplets ng isang taong infected ay kadalasang nagaganap kapag may malapitang contact (sa loob ng 6 na talampakan). May mga patunay rin na ang virus ay nabubuhay nang hanggang dalawang oras sa mga bagay at surfaces gaya ng doorknob, keyboard, countertop, laruan atbp. Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maglinis at mag-disinfect ng kanilang tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Paglilinis at Pagdi-disinfect ng Tahanan

Ang paglilinis ay nangangahulugang pagtatanggal ng mga germs, dumi, at kalat sa mga surfaces. Hindi nito layong patayin ang germs, kundi alisin lamang ang mga ito upang mapababa ang risk ng pagkalat ng infection. Ang pagdi-disinfect naman ay ang paggamit ng mga kemikal, gaya ng mga EPA-registered disinfectants, upang mapatay ang mga germs sa mga surfaces. Bukod sa pagkain, makakatulong nang malaki kung mag-iimbak ka rin ng house cleaning supplies gaya ng sanitizing products gaya ng RM Hand Sanitizer, disinfectant sprays, at cleaning tools at equipment.

Narito ang mga pangkalahatang rekomendasyon para sa publiko para sa palagiang paglilinis at pagdi-disinfect ng bahay:

  • Ang mga myembro ng komunidad ay dapat ugaliin ang paglilinis ng mga bagay na madalas hawakan gaya ng mesa, desk, doorknob, switch ng ilaw, mga hawakan, lababo at mga electronics gamit ang mga house cleaners at disinfectants. May label ang mga cleaning tools at products kung saan nakatala ang wasto at ligtas na paggamit ng mga ito.
  • Para sa mga electronics o gadgets, sundin ang mga panunutunan ng manufacturer ukol sa wastong paglilinis at pagdi-disinfect nito. Maaaring gumamit ng mga wipeable covers. Para naman sa mga kahalintulad na gamit na walang “cleaning instructions,” gamitan ang mga touchscreens ng mga wipes o spray na hindi bababa sa 70% alcohol.

Narito naman ang ilang rekomendasyon sa paglilinis at pagdi-disinfect ng bahay na may suspected o confirmed na COVID-19 positive:

  • Linisin at i-disinfect ang mga bagay at surfaces na kadalasang hinahawakan o ginagamit kagaya ng mesa, upuan, doorknob, switch ng ilaw, cellphone, remote control, mga gamit na may touchscreen, toilet, atbp.
  • Para sa mga kwarto at banyo na naka-reserve para sa may sakit, limitahan ang paglilinis ng mga bagay upang maiwasan ang contact sa pasyente. Gawin lamang ang pagpapalit ng mga gamit at paglilinis kung talagang kinakailangan na.
  • Hangga’t maaari, ang pasyente ay dapat manatili lamang sa isang kwarto na malayo sa ibang tao sa bahay at sumunod sa mga safety guidelines upang hindi makahawa sa iba.
  • Mahalagang bigyan ng sariling kagamitang panglinis ang maysakit kagaya ng tissue, paper towels, disinfectants, atbp.
  • Kung ang pasyente ay walang sariling banyo, mahalagang linisin at i-disinfect ito bago gamitin ng ibang kasama sa bahay.

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/husband-housekeeping-cleaning-concept-happy-young-1177368733)

Sa paggawa ng mga ito, kailangang may sapat na proteksyon at pag-iingat ka. Magsuot ng disposable gloves. Kung reusable gloves ang gagamitin, gamitin lamang ito sa paglilinis at pagdi-disinfect na may kinalaman sa COVID-19 at hindi para sa ibang mga gawain. Basahin ang manufacturer’s instruction para sa wasto at ligtas na paggamit. Hugasang mabuti ang kamay pagkahubad ng gloves.

Bago mag-disinfect, gumamit muna ng sabon o detergent para malinis ang mga gamit. Siguraduhing EPA-registered ang disinfectant na gagamitin. Sa paggamit ng mga matatapang na kemikal, gumamit rin ng goggles para maprotektahan ang mga mata.  Gayundin, siguraduhing may sapat na bentislasyon para hindi tuwirang malanghap ang mga kemikal. Iwasan din ang paghahalo ng iba-ibang kemikal upang makaiwas sa aksidente. Siguraduhing malayo ang mga kasama sa bahay na may asthma tuwing maglilinis at magdi-disinfect.

Para naman sa mga gamit gaya ng damit, carpet, doormat, kurtina, at iba pang gawa sa tela, makakatulong kung lalabahan ang mga ito gamit ang mainit na tubig o di kaya ay base sa manufacturer’s instruction. Gumamit ng disposable gloves sa paghawak at paglilinis ng mga ito. At muli, maghugas ng kamay pagkatapos tanggalin ang gloves. I-disinfect rin ang mga lagayan ng maruruming damit.

 

Kung susundin ang mga nabanggit na payo, mailalayo mo ang iyong sarili at mga mahal sa buhay sa banta ng COVID-19. Ibayong pag-iingat ang kailangan natin ngayong panahon ng pandemya lalo pa at hindi natin nakikita ang ating kalaban. Kung papanatilihin ang kalinisan sa lahat ng oras, hindi mabubuhay at kakalat ang coronavirus sa inyong tahanan.

 

Sources:

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/disinfecting-your-home.html

https://www.wired.com/story/coronavirus-disinfectant-cleaning-guide/

https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/prevention/Pages/Cleaners-Sanitizers-Disinfectants.aspx