Ano ang Social Distancing?

April 14, 2020

Noong Disyembre 2019, nagsimula sa Wuhan, China ang outbreak ng Covid-19, ang nakakahawang sakit na dulot ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2  (SARS-CoV-2). Ilan sa mga sintomas nito ay ang ubo na walang plema o dry cough, lagnat, paghirap ng paghinga, sakit ng katawan at diarrhea.

 

Dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases sa Pilipinas at sa iba’t ibang parte ng mundo, hinihikayat ng mga eksperto sa medisina na panatilihin ng mga mamamayan ang social distancing. Ano nga ba ito at paano ito makakatulong sa pagkontrol ng pagkalat ng Covid-19?

 

            Ang social distancing o physical distancing ay ang pagpapanatili ng distansya sa mga kapwa taong nasa paligid natin. Ang ideal na distansya ay at least 3 feet para mabawasan ang tiyansang mahawa ng Covid-19 na nakukuha sa maliliit na droplets o laway mula sa pag-ubo o pagbahing ng taong carrier ng virus. Kapag tayo ay masyadong malapit sa taong carrier ng virus, maaari nating malanghap ang droplets na ito at maaari narin tayong magkaroon ng Covid-19.

 

 

Ang mga bansang apektado ng Covid-19 ay nagpapatupad ng social distancing upang mapabagal ang pag-kalat ng Covid-19. Importante ito upang hindi kaagad mahawa ang malaking porsyento ng populasyon ng isang bansa at para mas bumaba ang numero ng mga taong mangangailangan ng agarang hospitalisasyon. 

 

Ilan sa mga hakbang na ginawa ng mga bansa para magkaroon ng social distancing ay ang pagpapatigil ng mga misa sa simbahan, pagsasara ng mga malls, bars at restaurants at mga eskwelahan.

 

Makakabuti na huwag na lamang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan para makaiwas sa mga lugar kung saan maraming tao. Ganunpaman, kung hindi ito maiiwasan, ito ang ilan sa mga dapat gawin mapanatili ang social distancing kapag nasa pampublikong lugar:

 

  • Panatilihin ang 3 feet distance sa mga taong nasa paligid.
  • Iwasan ang pisikal na contact tulad na lamang ng pakikipag-kamay bilang tanda ng pagbati.
  • Iwasan din muna ang pag-beso, pag-yakap at pag-halik kapag nakakita ng malalapit na tao sa ating buhay. 
  • Iwasan muna ang mga public gatherings o ang pagpunta sa lugar kung saan labis ang pagsisikan ng mga tao. Kung kayang bawasan ang pamamalengke at pamimili ng pagkain sa grocery, mas makakabuti ito upang mabawasan ang tiyansang mahawa sa Covid-19.
  • Kung ikaw ay nanggaling sa mataong lugar at maraming hinahawakan na mga bagay, gumamit ng alcohol o hand sanitizer upang makapag-sanitize palagi ng kamay.
  • Kung may pagkakataon na makapunta sa CR na mayroong gripo at sabon, mas maganda pa rin na maghugas ng kamay gamit ang sabon sa loob ng 20 seconds. Pwede ring kumanta habang naghuhugas ng kamay upang makasiguro na matagal nating binababad sa sabon ang ating mga kamay. Isa sa mga maaaring kantahin ay ang RiteMED Jingle:

 

            Pag kailangan ng gamot,

            ‘wag mahihiyang magtanong

            Kung may RiteMED ba nito?

            Pag may kailangang gamot,

            ‘wag mahihiyang magtanong

kung may RiteMED ba nito

Dahil gusto namin na gumaling kayo.

 

Kung ikaw naman ay nasa bahay, mabuti paring panatilihin ang social distancing sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 

  • Iwasan muna na tumanggap ng mga bisita kahit pa mga malalapit na kamag-anak at mga kapitbahay lamang.
  • Iwasan muna din ang pisikal na contact kung di kinakailangan lalo na kung ang mga tao sa bahay ay may mahinang immune system, may mga problema sa kalusugan tulad na lamang ng diabetes, high blood pressure at problema sa puso dahil kapag sila ay nagkaroon ng Covid-19, mas malaki ang tiyansa nilang  magkaroon ng mas malalang sakit.
  • Ihiwalay muna ang personal na mga gamit ng mga kasama sa bahay upang hindi magkaroon ng hawahan kung sakali mang magkaroon ng carrier ng virus sa pamilya. Ilang halimbawa ng mga bagay na maaaring ihiwalay ay ang mga kutsara, tinidor, plato at baso ng mga kasama sa bahay.
  • Kung magkaroon man ng ilang sintomas ng Covid-19, manatili lamang sa isang kwarto, huwag lumabas at magsuot ng mask para hindi na makahawa pa. Palakasin ang katawan, magpahinga at maaaring tumawag sa DOH Hotline upang malaman ang tamang gawin sa panahon na ito. 

Ang DOH Emergency Hotline na maaaring tawagan ay: 02-894-COVID o (02-894-26843). Para naman sa PLDT, Smart, Sun and TNT subscribers, maaaring tawagan ang numerong: 1555.

 

Mas mabuti rin na kausapin na lamang ang mga kapamilya sa pamamagitan ng social media upang hindi na magkaroon ng physical contact.

 

undefined

 

 

  • Para naman sa mga nagtratrabaho, hangga’t maaari ay huwag na munang lumabas ng bahay. Mag-set na lamang ng meetings gamit ang video call at i-reschedule na lamang muna ang mga events kung saan maraming taong makakasalamuha.

 

Mahirap ang social distancing para sa nakakarami lalo na’t kailangan nating malayo sa maraming tao pati na rin sa iba nating mahal sa buhay. Mayroon  rin itong mga long-term disadvantages tulad na lamang ng depresyon.  Ganunpaman, gamitin nating ang teknolohiya upang mas mapadali ang pakikipagusap natin sa kapwa natin sa panahong ito. Mahirap man ang social distancing, sa pamamagitan nito ay hindi naman natin malalagay sa alanganin ang mga taong malalapit sa atin lalo na ngayong delikadong panahon na may kumakalat na Covid-19.

 

 

  References: