Ano ang dapat gawin BEFORE and AFTER getting Vaccinated

August 18, 2021

Isa sa mga mabisang proteksyon sa panahon ng pandemic ang pagpapabakuna ng Covid vaccine.  Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang Covid 19 vaccine ay ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang pagkuha at pagpasa sa iba ng Covid virus.  Kaya naman bilang bahagi ng Covid 19 prevention sa bansa, ang lahat ay hinihikayat na magpabakuna laban sa nakakahawang sakit na ito.

 

Ngunit bago dumiretso sa mga vaccination site para magpabakuna, alamin muna ang mga dapat mong gawin before, during and after getting vaccinated. Importanteng handa ang iyong katawan at isipan para sa pagpapabakuna.

 

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga bagay na maaari mong gawin habang ikaw ay naghihintay sa iyong vaccine Philippines schedule, during vaccination at pagkatapos mabakunahan.

 

Sumailalim sa health screening bago magpabakuna laban sa Covid19

 

Mahalagang malaman ng vaccine provider ang iyong health history bago ka bigyan ng Covid19 vaccine. Bago magpa schedule ng vaccination appointment, siguraduhing ikaw ay nakapag konsulta na sa doktor. Kasama sa health screening ang pag alam ng iyong complete medical history para alamin kung mayroon ka bang mga allergies, history ng mataas na blood pressure at iba pang karamdaman.

 

 

Bago magpabakuna, ipaalam sa iyong healthcare provider kung may nararamdamang sintomas sa respiratoryo o may exposure sa taong nag positibo sa Covid 19

 

Dapat ipagpaliban ang pagpapabakuna kung:

  • Ikaw ay may lagnat, ubo, tumutulong sipon o iba pang mga sintomas na maaaring dulot ng Covid.
  • Naghihintay ka ng resulta ng Covid 19 Philippines test.
  • Kasalukuyan kang naka-quarantine dahil positive ang result ng iyong recent Covid Philippines test.
  • Ikaw ay naka-quarantine dahil isa kang malapitang contact ng isang tao na nag positive sa Covid test.

 

Kung ikaw ay nasa alinman sa mga nasa itaas, ipaalam agad sa vaccine provider mo ang iyong kalagayan.  Sila ang magsasabi kung dapat baguhin ang iyong schedule para sa pagpapabakuna. Ang mga bakuna ay mabisang prevention of Covid 19 lamang at hindi gamot para sa Covid.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/sick-asian-girl-have-hight-fever-1927806458

 

Magsuot ng face mask habang nagpapabakuna

 

During vaccination appointment, importante pa ring protektado ka at ang healthcare provider laban sa Covid. Magsuot ng face mask habang nasa loob ng vaccination site at siguraduhin ang proper social distancing. Lumayo ng at least 6 feet sa ibang tao habang nasa pila.

 

Alamin ang mangyayari during vaccination

 

Ang bakuna ay ibibigay sa iyo sa pamamagitan ng injection sa kalamnan ng bandang itaas

ng iyong braso. Para sa mas mabilis at mas komportableng vaccination experience, maaari kang magsuot ng tshirt o blouse na madaling ma-expose ang iyong braso.

 

Pagkatapos mabakunahan, manatili muna sa loob ng vaccination site. Mahalagang ikaw ay maobserbahan muna sa loob ng 15 hanggang 30 minuto, depende sa iyong kasaysayang medical. Importante ring itagong mabuti ang iyong vaccination card kung saan nakalagay ang brand ng Covid 19 vaccine na ibinigay sayo at kung kailan at saan ito ibinigay sa iyo.

 

Huwag mabahala kung makaramdam ng ilang common side effects ng Covid 19 vaccine

 

Maaring makaranas ka ng ilang mga side effects na normal para sa taong nabakunahan.  Ang mga  sumusunod ay mga common side effects ng Covid 19 vaccine:

  • Pananakit, pamamaga o redness sa braso kung saan mo natanggap ang injection
  • Tiredness o pagkapagod
  • Sakit ng ulo
  • Muscle pain
  • Lagnat
  • Pagkaginaw
  • Nausea o pakiramdam na nasusuka

 

Para mabawasan ang pananakit ng braso, maaaring lagyan ng basa o malamig na washcloth ang area ng braso mo kung saan itinurok ang bakuna. Para naman sa pananakit ng katawan at lagnat, kumunsulta sa iyong healthcare provider kung ano ang mainam na over-the-counter pain and discomfort relief medicine ang maaari mong inumin.

 

Alamin kung kailan dapat kumunsulta sa doktor para sa side effects ng bakuna

 

Ang mga common side effects ng Covid 19 vaccine ay kadalasang normal na senyales lamang na ang katawan ay nagrerespond sa bakuna. Ngunit kung ang pamumula o pamamaga sa injection site sa iyong braso ay lalong lumala matapos ang 24 oras o di kaya hindi nawawala ang mga side effects makalipas ang ilang mga araw, kumunsulta agad sa doktor para malaman kung ito nga ay side effect pa ng bakuna o maaring dulot ng ibang health condition.

 

Kumpletuhin ang iyong vaccine shots

 

Para makuha ang full protection laban sa Covid, kailangan makumpleto ang 2 shots ng bakuna. Kahit ikaw ay nakaranas ng side effects sa unang shot, huwag matakot magpabakuna ng ikalawang shot. Ipaalam sa iyong healthcare provider ang side effects na naranasan sa unang vaccine shot. Sila ang nakakaalam kung maaari ka pang bigyan ng pangalawang shot.

 

 

Bukod sa pagpapalakas ng resistensya at pag observe ng safety measures, ang pagpapabakuna ay isang epektibong paraan para maproteksyonan ang sarili at ang ating komunidad laban sa Covid 19.  Ang pagalam sa tamang impormasyon at paghahanda ng sarili ay mahalaga para sa mas maayos at komportableng vaccination experience.

 

 

Sources:

https://doh.gov.ph/node/28240

https://doh.gov.ph/node/28242

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/expect.html

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/expect/after.html