Lahat tayo ay may kanya-kanyang dinanas o kaya naman ay dumaranas ng masalimuot na pagbabago buhat ng pagkaantala sa kinasanayan dala ng pandemya.
May ilan sa ating nakararanas ng kaunting ginhawa at bawas na pag-aalala sa COVID-19 dahil sa siste ng ibang paghahanap-buhay na hindi na kinakailangang lumabas ng tahanan. May mga trabaho kasing naitatawid ang mga gawain kahit work from home ang set-up at hindi man ideal, di-hamak namang mas ligtas.
Masuwerte man ang iilan, ang ating mga medical frontliner at ang mga kababayan nating kinakailangang lumabas para makapaghanap-buhay ang pinakaapektado ng crisis na ito. Sa katunayan, libo-libong manggagawa ang kinailangan nang bumalik sa kanilang mga opisina dahil sa pakiusap ng gobyernong suungin ang kawalang kasiguraduhan upang maiahon ang ekonomiyang labis na naapektuhan ng pandemya.
May ilang hakbang nang ginawa ang gobyerno upang madagdagan ang existing protocols upang makontrol ang pandemic coronavirus sa kalakhang mga lungsod na may pinakamatataas na bilang ng kaso. Isa na dito ang pagmamandato ng Department of Transportation (DOTr) na gumamit ng cashless payment sa mga pampublikong transportasyon.
Nilalayon ng DOTr at ng pag-uutos nitong gumamit ng TRIPKO, isa sa pinakamadaling gamitin at accessible na transport card sa bansa, na bawasan ang physical contact ng bawat indibidwal sa kanilang commute.
Nais din ng polisiya na ito na magamit ang cashless payment para sa iba’t ibang uri ng transportasyon tulad sa bus na kinakailangan pang makisalamuha ng mga commuter sa konduktor.
Layon din ng mga kinauukulan na bukod sa pagnanais na mabawasan ang pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa sakit ay maging matiwasay at sistematiko ang work commute ng marami nating manggagawa.
Source:
https://www.shutterstock.com/image-photo/manila-phdec-29-ticketing-system-machine-793615987
Dagdag pa rito, narito naman ang ilang daily commute tips para sa ating mga manggagawa upang lalong mapanatiling ligtas:
- Huwag kalimutan ang minimum health standards kontra COVID-19
- Magsuot ng face mask
- Obserbahan ang social distancing
- Magdala ng sariling alcohol o hand sanitizer
- Sanayin ang sarili sa tamang gawain sa pag-ubo o pagbahing
- Manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas
- Planuhin ang commute at ruta
Mas dadali ang biyahe kung maalam sa pagbabago ang commuter. Bigyan dapat ng halaga ang bawat detalye ng ruta hindi lamang para sa isang raw, kundi para sa mga susunod din. Pinakamahalagang tuunan ng pansin ang availability ng transportasyon tulad ng jeep, bus, o train sa ruta. Ganoon din ang gastos sa pamasahe.
Marapat lang ding bigyan ng kapares na importansya ang commute time at dami ng tao sa rutang napili. Malaking tulong din kung may access sa impormasyon on-the-go ang isang indibidwal dahil mas may kakayahan itong malaman ang estado ng iba’t ibang lugar sa lungsod in real time base sa impormasyon at mga contact na accessible through Internet.
- Kung may bisikleta, gamitin ito
Maraming kaso ng respiratory infections sa malalalang kaso ng coronavirus. Ang pagkakaroon ng accessibility sa bisikleta ang isa sa pinaka-healthy na pamalit para sa mga taong ilang makisalimuha sa umpukan ng mga tao.
Bukod sa healthy ang pagbibisikleta para sa marami dahil na-e-ehersisyo nito ang baga at halos buong katawan, magandang timing din ang pagbibisikleta sa panahon ng pandemya dahil bawas ang mga sasakyan sa kalsada. Di hamak na mas ligtas.
Long commute mang maituturing ito kung titingnan ng marami, mas malaki naman ang tiyansang may dala itong health benefits sa mga indibidwal dahil isa itong ehersisyo. Ayon din sa World Health Organization (WHO), isa sa mga pinakamahalagang bitamina ngayong panahon ng pandemya ay Vitamin D na nakukuha sa regular na pagka-expose sa ilalim ng liwanag ng araw. Tumutulong ang Vitamin D para palakasin ang immune system. Makukuha ito sa pagbibisikleta tuwing umaga.
Source:
https://www.shutterstock.com/image-photo/la-trinidad-benguet-philippines-august-6-1796871202
- Palaging magdala ng ID
Dahil magkakaiba ang patakaran ng mga lungsod sa quarantine pass, magandang ideya ang palaging pagdadala ng identification card para sa pagkakakilanlan. Tinatanggap na rin kasi ito ng ibang establishment kung walang quarantine pass ang isang tao at kailangan ng quarantine pass sa lugar na iyon.
- Magdala ng tubig at gamot kung kinakailangan
Importante ang hydration sa kahit na sino. Palaging magdala ng tubig. Bukod sa hydration, maaari rin itong kailanganin sa mga pagkakataong di-inaasahan tulad ng pagkasugat na kailangang linisin agad-agad. Malaki rin ang tulong na ito para hindi na kinakailangang bumili ng maiinom at iwasan ang contact sa ibang tao. Makatutulong din ang tubig para labanan ang init ng araw o alinsangan sa biyahe.
- Maging handa sa contact sa ibang tao
Sa kasamaang palad, may mga pagkakataon talagang hindi maiiwasan ang contact sa ibang tao. Sa ganitong pagkakataon, maiging maging handa tulad ng pagkakaroon ng basic decency at working idea na lahat ng taong nakakasama sa tren, bus, o jeep, ay may kanya-kanyang dahilan ng paglabas sa tahanan at marami sa mga taong ito ay naghahanap-buhay para sa kani-kanilang mahal sa buhay. Maging maingat, mapagmatiyag, at sikaping maging maintindihin sa pinagdadaanan ng nakararami.
Sa huli, masarap isipin sa pagdaan ng ilang taon pagkatapos ng pandemya na ito na nalampasan natin ang unos na ito ng ating panahon. Isa rin siguro ito sa pinakamasarap na pakiramdam at dahilan para lalong gumawa ng mabuti sa sarili at sa iba at pagsikapang mabuhay at lampasan ang problemang ito.
Sources:
https://businessmirror.com.ph/2020/07/02/commuting-safely-in-the-time-of-covid-19/?fbclid=IwAR2b91m7Pf7jTAYcqLE0K_d4b9NncgAbZgExsgKAsZw44wXu6ai2ku07fHY
https://www.easyrock.com.ph/travel/gcq-survival-tips-everyday-travel/?fbclid=IwAR0blkX85yDrBXHAki54XQ2MrLiXCQ1EUR_4gV6-yy8nYfzrJifwA6Zhhoo