Tamang paraan upang mailabas ang plema sa katawan

May 03, 2019

Ang phelgm o plema ay uri ng mucus na pino-produce sa ating baga at sa lower respiratory tract. Ito ang mala-likidong bagay na lumalabas sa tuwing mayroong sakit (gaya ng sipon o ubo) ang isang tao.

Ang mucus ay nagsisilbing “protective lining” ng ilang parte ng ating katawan laban sa mga bacteria at virus. Bagama’t mahalaga sa ating katawan ang mucus, nakakaabala ito kapag sobra na ang dami sa katawan.

Mga sanhi ng sobrang plema sa katawan:

  • Impeksyon tulad ng sipon o trangkaso
  • Allergies
  • Irritation o pagkairita ng ilong, lalamunan at baga
  • Problema sa digestion tulad ng gastroesophageal reflux disease
  • Paninigarilyo
  • Problema sa baga tulad ng pneumonia, lung cancer, cystic fibrosis, o chronic obstructive pulmonary disease.

Mga paraan upang mailabas ang plema sa katawan

May mga pagkakataong kung saan mahirap ilabas ang plema sa katawan. Narito ang ilang tips para na maaaring makatulong:

  • Gumamit ng Humidifier

Nakakatulong ang humidifier sa paglilinis ng hangin sa kwarto. Nakakadagdag ito ng moisture sa hangin kaya mas madaling nailalabas ang plema sa katawan.

  • Uminom nang maraming tubig

Kinakailangan ng ating katawan maging hydrated upang mapanatiling manipis ang ating mucus lining. Kapag ang isang tao ay may sakit, ang pag-inom ng maraming fluid ay nakakalinis ng ating sinus. Ang mga taong mayroong allergy ay inaabisuhan ng mga doktor na uminom nang sapat na tubig upang maiwasan ang pagbabara o congestion ng hingahan.

  • Maglagay sa mukha ng basang tuwalya na maligamgam

Maganda itong gawin ng mga may sinus headache. Natutulungan nito ang pag-moisturize ng ilong at lalamunan upang hindi tuluyang manuyo at mairita.

  • Itihaya parati ang iyong ulo

Kung ang pagkabara ng ilong bago matulog ay nagiging problema, subukang tumihaya. Lagyan ng dagdag na unan ang pinapagpahingahan ng iyong ulo o kaya naman matulog sa reclining chair.

  • Huwag lunukin ang plema

Kapag umaakyat ang plema mula baga hanggang lalamunan, ibig sabihin nito ay sinusubukan ng katawang ilabas ito kasama ang ilang bacteria na dala nito. Ang paglunok ng plema ay nakakapagpalala lamang ng iyong sakit kasabay ng hindi paggaling nang tuluyan.

Huling Paalala:

Para tuluyang mailabas ang plema sa katawan, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot sa plema tulad ng Ritemed Carbocisteine. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.

References:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321549.php

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321134.php

https://symptoms.webmd.com/cold-flu-map/mucus-and-health