Pagkain laban sa ubo at sipon
May 11, 2016
Photo Courtesy of Lafesta via Pixabay
Ang ubo at sipon ang dalawa sa pinaka kilalala at nauusong sakit sa na nararanasan natin maging panahon man ng tag init o tag lamig. Kadalasang nagsisimula ang sipon sa sore throat na susundan pa ng ibang mga simtomas gaya ng runny nose, pagbahing, pag-ubo, at pagkapagod. Ang mga taong may sipon at ubo ay madalas hindi nakararanas ng sintomas ng lagnat ngunit kung magkaroon man ay maaaring sanhi ito ng bacteria na nakuha sa maruruming kagamitan sa loob at labas ng bahay. Ang paghuhugas ng kamay ay higit na mahalaga upang makaiwas sa mga sakit na gaya ng ubo at sipon.
Madaling mahawa ng iba’t ibang karamdaman kung mahina ang immune system ng iyong katawan. Sa dami ng mga bagay na mapagkukuhaan ng sakit tulad ng paghawak sa upuan, lamesa, pinto, o anumang gamit na nahahawakan ng marami, makabubuting umiwas dito sa pamamagitan ng pagiging malinis sa ating katawan. Para sa mga may ubo at sipon, siguraduhing maghugas ng kamay upang maiwasang mahawa at makahawa sa iba. Kumain din ng masusustansyang pagkain upang hindi mag tagal ang mga sintomas na nararanasan na nakakaapekto sa pang araw-araw nating gawain. Sa katunayan, mayroong mga vitamins at minerals mula sa mga pagkain na nakatutulong upang maibsan ang iba’t ibang sintomas sanhi ng ubo at sipon.
Mga pagkaing mataas sa protein
Mahusay na gamot ang mga pagkaing masusustansya sa protein dahil nalalabanan nito ang mga sakit at napapanatiling malakas ang katawan. Tinutulungan nitong palakasin ang immune system ng isang indibidwal. Ilan sa mga pagkaing masusustansya sa protein ay itlog, isda, at karne ng manok at baboy.
Mga pagkaing mababa sa sodium
Ang pagkonsumo ng pagkaing mataas sa sodium ay makadudulot ng hindi magandang epekto sa katawan gaya ng pagtaas ng blood pressure na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng heart disease kung kaya’t inirerekomenda ang pagsama ng low-sodium food sa inyong diet. Ang mga halimbawa ng mga pagkaing may mababang sodium ay apple, watermelon, carrot, broccoli, at cucumber.
Photo Courtesy of stevepb via Pixabay
Mga pagkaing mataas sa Vitamin C
Nakatutulong ang Vitamin C sa pagpuksa ng mga viruses at pagpapalakas ng immune system ng katawan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagkaing mataas sa nasabing bitamina: guava, orange, kiwi, papaya, broccoli, mango, at tomato juice. Maliban sa mga pagkaing nabanggit, maaari ring makakuha ng Vitamin C mula sa mga supplements na nabibili sa mga iba’t ibang drug stores sa Pilipinas.
Maliban sa ilang mga mineral na nabanggit, maaari ring malabanan ang ubo at sipon sa pamamagitan ng pag kain at pag inom ng mga sumusunod:
Garlic
Maraming mga pag-aaral na nagsasabi na ang pagkain ng garlic (bawang) ay isang epektibong paraan upang mawala ang ubo at sipon. Pinapalakas nito ang immune system at iniiwasan ang anumang impeksiyon mula sa virus at bacteria. Maraming pwedeng gawin sa garlic upang maibsan ang ubo at sipon tulad na lamang ng pagpapakulo nito sa mainit na tubig at pag-inom habang maligamgam pa ito. Maaari rin namang gumawa ng sabaw o anumang putahe na may garlic upang makatulong sa pag ginhawa ng katawan.
Honey
May iba’t ibang benefits ang pagkonsumo ng honey at isa na rito ay pagtulong upang mapaginhawa ang ating ubo. Isang magandang kombinasyon ay ang honey at grape juice dahil nakatutulong ang grapes sa pagtanggal ng mucus sa baga at lalamunan.
Ginger
Isang epektibong pampalasa ang ginger (luya) ngunit isa rin itong mabisang gamot sa ubo at sipon. Ang isang baso ng mainit na ginger tea ay nakakatulong upang matanggal ang makakapal na mucus o plema mula sa respiratory system upang lumuwag ang paghinga ng taong may sakit.
Tea
Ang pag-inom ng tea (tsaa) ay nakakatulong sa pagpapaginhawa ng sore throat. Ang iba’t ibang klase ng tea gaya ng black, white o green ay nagtataglay ng antioxidants na makatutulong sa pag galing ng ubo at sipon.
Photo Courtesy of stokpic.com via Pexels
Ang pagkain ng mga nabanggit na halimbawa na malalakas sa pakikipaglaban sa mga sakit ay higit na inirerekomenda ng mga eksperto.Kung malakas ang immune system ng isang indibidwal, mas magiging malakas at malusog ang kanyang pangangatawan upang makaiwas pa sa mga sakit gaya ng ubo at sipon. Kumain ng tama at ugaliin ding mag ehersisyo para sa dobleng proteksyon ng ating katawan laban sa iba’t ibang klase ng sakit.
Laging tandaan na kung kayo ay makakaranas ng sintomas ng ubo at sipon ay mabuting kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyan ng tamang lunas.