Mga Iba’t Ibang Klase ng Ubo
June 4, 2017
Ang ubo ay nagsisimula sa irritation o pamamaga ng daluyan ng hangin mula sa mga alikabok, usok, plema, at iba pang allergens. Kapag umuubo tayo, nilalabas natin ang mga dumi na ito. Ayon kay Jonathan Parsons, MD, Director of the Cough Clinic ng Ohio State University Wexner Medical Center, ito ay protective mechanism ng katawan upang alisin ang mga nakakagambala sa airway o daluyan ng hangin.
Ang pag-ubo ay isa sa madalas na first sign ng pagkakaroon ng respiratory infection, o kaya ay sign ng ibang kondisyon, gaya na lang ng asthma.
May dalawang uri ng ubo: ang Productive Cough at ang Nonproductive Cough. Ang Productive Cough ay isang klase ng ubo kung saan may namumuong mucus o phlegm. Ang Nonproductive Cough naman ay patuloy na pag-ubo kahit walang kasamang phlegm o mucus.
Ang ubo ay mas madaling intindihin kung ibabase sa tatlong klase nito. Narito ang mga klase ng ubo na dapat ninyong malaman at kung paano na rin pagalingin ang mga ito:
Nonproductive Cough
Ang dry cough ay kadalasang nagreresulta mula sa pagkakaroon ng infection sa upper respiratory tract (ilong at lalamunan), gaya na lamang ng sipon at influenza. Pwede itong maging early sign ng bronchitis, ang pamamaga ng pinakamaliit na daluyan ng hangin sa baga, o di naman kaya ng pneumonia. Isa rin sa mga maaaring maging dahilan nito ay ang asthma at pagkakalanghap ng usok ng sigarilyo.
Kadalasan, ang nakakaranas ng dry cough ay walang nailalabas na plema mula sa kanilang lungs. Dahil sa pag-ulit na pag-ubo, pwedeng sumakit ang lalamunan ng mga nakakaranas nito. Ang isa sa mga pinakamabisang solution para ito ay ang pag-inom ng sapat na tubig. Malaki ang maitutulong ng pagiging hydrated sa mga may dry cough. Maganda pa rin kung ikukunsulta sa doktor ang kalagayan para mabigyan agad ng tamang gamot.
Productive Cough
Ang wet cough naman ay isang uri ng ubo kung saan may liquid na nanggagaling mula sa lower respiratory tract (windpipe at lungs). Naglalabas ng mucus at phlegm ang mga mayroon ng sakit na ito.
Gaya sa dry cough, makabubuti ang pag-inom ng sapat na tubig para mailabas ang mga mikrobyong nagdudulot ng impeksyon na ito. Ang patuloy na pag-inom ng water o juice ay makakatulong rin sa pagpapaluwag ng plema sa lungs.
Maraming home remedies na makatutulong sa pagpapagaling ng ubo, mapa-dry cough man o wet cough. Narito ang ilan sa mga home remedies para sa ubo:
Pagkain ng maaanghang na pagkain
Ang pagkain ng maaanghang na pagkain gaya ng pepper, o paghalo ng sili sa pagkain ay makaka-irita sa sinus na siya namang magpapaandar ng daloy ng mucus. Mapapaluwag nito ang nasal passages na nakakaapekto sa mga may wet cough.
Pagkain ng bawang.
Mataas ang antiviral at antibiotic properties ng bawang, kaya matagal na itong ginagamit bilang panggamot sa ubo dahil inaalis nito ang impeksyon sa baga. Para gamiting panggamot, hiwain ng maliliit ang bawang bago kainin o kaya ay ihalo sa warm water at inumin bilang tsaa.
Matagal nang ginagamit ang mga ito, pero wala pa ring makatatalo sa pagkuha ng ekspertong advice ng doktor tungkol sa sakit na ito. Pinakamabuti pa rin ang pagsunod sa maipapayong gamot para sa anumang klase ng ubo ang nararanasan ng may sakit.
Sources: