Maaasahang Gamot Para sa Ubo

August 18, 2021

Mahirap magpatuloy sa pang araw-araw na gawain kapag may ubo. Bata man o matanda, mahihirapang mag focus sa mga gagawin kung patuloy ang nakakainis na pag ubo. Dry cough man o wet cough, ang ubo ay nakakapagdulot ng sakit sa dibdib, sakit sa lalamunan at hirap sa paghinga.

Kaya naman importanteng mabigyan agad ng lunas ang sakit na ito. Anu-ano nga ba ang mainam at mabisang gamot para sa ubo? Para maibsan ang hirap sa pag ubo, maaaring gumawa ka ng cough remedy mula sa mga natural ingredients na mayroon sa inyong bahay. Makakatulong rin na uminom ng medicine for cough na mabibili sa mga botika.

Ginger o Luya

Isa ang ginger o luya sa mga kilalang cough home remedy. Ang luya ay mayroong antibacterial at antiviral properties na nakakatulong sa pag relieve ng makati o masakit na lalamunan. Hiwain lamang ang luya hanggang maging manipis na strips at ilagay sa kumukulong tubig.  Inumin ang iyong homemade ginger tea para makatulong sa pag relieve ng iyong ubo.

Lagundi

Isa pang kilalang natural na gamot sa ubo ay ang lagundi leaves. Katulad ng luya, maaari ring ilagay sa kumukulong tubig ang dahon ng lagundi para magkaroon ng lagundi tea. Inumin ito habang mainit.

Oregano

Ang oregano ay mabisang pang relieve ng cough symptoms. Maaring gawing tea ang oregano leaves. Pwede rin itong ibabad sa kumukulong tubig at langhapin ang steam para makatulong sa pagluwag ng paghinga.

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/healthcare-people-medicine-concept-sick-asian-1850328784

Cough Medicine

Kung hindi naiibsan ng mga natural cough remedies ang iyong ubo at ito ay lalong lumalala, kumunsulta sa doktor para malaman ang wastong treatment para sa iyong ubo.

Isang cough medicine na maaaring ireseta ng doktor ay ang Ambroxol. Nakakatulong ang Ambroxol na mapadali ang pag labas ng plema. Isa pang common cough medicine na maaaring ibigay sayo ay ang Carbocisteine, isang gamot para sa respiratory tract disorders na dulot ng labis na mucus.

Huwag tiisin ang pahirap na dulot ng ubo. Maraming maaasahang gamot para sa ubo na iyong pwedeng gawin lang sa bahay o bilhin sa malapit na botika.  Mahalaga rin na kumunsulta sa doktor kung ang iyong ubo ay hindi nawawala o lalong lumalala habang tumatagal.

 

Sources:

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-ambroxol-ped-15-mg-syr-120-ml

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-carbocisteine-500mg

https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=uf7124

https://hellodoctor.com.ph/respiratory-health/respiratory-issues/filipino-remedies-for-cough/

https://news.abs-cbn.com/lifestyle/01/19/11/5-home-remedies-cough-colds

 

ASC Ref. No. R0033N052523R