Doble-ingat ngayon ang lahat sa iba’t ibang sintomas na nararansan. Lalo pa at may pandemic, kapag mayroong ubo at sipon, ikinababahala na ito at pinagkakamalang COVID symptoms. Kelan nga ba dapat mabahala tungkol sa cough and cold? Alamin dito kung anu-anong senyales na kasama ng cough ang kailangang bantayan, agapan, at ipatingin sa mga eksperto.
Ano ang ubo?
Ang pag-ubo o coughing ay isang karaniwang reflex action sa lalamunan para matanggal o mailabas ang mucus at iba pang irritants dito. Ang acute cough o hindi-malalang ubo ay hindi umaabot ng tatlong linggo.
Kailan dapat ikabahala ang coughing?
Isang paraan para matukoy ang malalang ubo ay kung gaano katagal na ito. Subacute cough na ang tawag sa ubong nararanasan nang tatlo hanggang walong linggo. Chronic cough naman ang mas matagal pa rito. Nangangailangan na ito ng atensyon ng doktor para masiguradong hindi ito sintomas ng mas malalang sakit.
Maging alerto sa mga sumusunod na sintomas na kalakip ng ubo at ipagbigay-alam agad sa pinakamalapit na health professional ang kondisyon ng pasyente:
- Lagnat;
- Pananakit ng dibdib;
- Sakit ng ulo o pagkahilo;
- Pagkalito;
- Barking o wheezing cough; at
- Ubo na may dugo.
Anu-ano ang maaaring sanhi ng malalang ubo?
Narito naman ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit persistent ang cough kahit iniinuman na ng gamot:
- Paninigarilyo;
- Viruses o bacteria na may dalang respiratory tract infection;
- Asthma;
- Pneumonia;
- Whooping cough;
- Pagkasira ng vocal cords; o
- Heart failure.
Mga Gamot sa Ubo
May ilang mga cough medicine ang pwedeng subukan o irekomenda ng iyong doktor para sa iba’t ibang klase ng ubo. May mga Mucolytic na gamot gaya ng RM Ambroxol at RM Broheximine, at RM Carbocisteine na makakatulong para guminhawa mula sa cough. Ang mga gamot na ito ay makakapaglabas ng labis na mucus sa respiratory tract.
Image from: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-attractive-asian-woman-who-drink-695479504
Iba’t Ibang Cough Home Remedy
Hindi lahat ng ubo ay kailangang inuman ng gamot, gaya na lang ng sa kaso ng acute cough. Kaya naman, may ilang mga madadaling cough remedy na pwedeng gawin sa bahay para mapuksa ang ubo at iba pang mga sintomas na kasama nito.
- Uminom ng maraming tubig para mapanatiling hydrated ang katawan at lalamunan.
- Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin. Makakatulong ito para mailabas ang plema at mamatay ang bacteria sa lalamunan.
- Maghalo ng ginger o honey sa mainit na tubig o tsaa para lumuwag ang airway o makahinga nang maayos.
- Kung may kasamang pagbabara ng ilong dahil sa sipon, maaaring sumubok ng decongestant spray.
- Magdagdag ng extra na mga unan sa ulo kapag matutulog para hindi mahirapang huminga at magkaroon ng sapat na pahinga.
- Umiwas sa mga mauusok na lugar at sa paninigarilyo dahil napapalala ng mga ito ang ubo at sipon.
- Magsuot ng mask tuwing lalabas ng bahay para hindi maapektuhan ng iba’t ibang amoy o irritants ang ilong at lalamunan. Mabisa rin ito para hindi makahawa at makapag-transmit ng infection sa ibang tao.
- Kumain ng mga prutas na mayaman sa Vitamin C gaya ng citrus fruits para lumakas ang resistensya. Maaari ring magsama sa menu ng mga pagkaing may sabaw gaya ng nilaga para guminhawa ang pakiramdam.
Kung ang cough ay pinaghihinalaang dala ng iba pang mas komplikadong kondisyon, huwag mahiyang magtanong sa inyong doktor kung ano ang angkop na gamutan at lifestyle changes para maka-recover mula rito.
Kinakailangan din ang pagiging tapat sa pagsasabi ng inyong mga sintomas nang sa gayon ay maiwasan ang transmission ng kung ano mang posibleng sakit na nagdadala ng ubo. Maging maingat din sa interaction sa inyong mga mahal sa buhay para hindi makahawa.
Sources:
https://www.healthline.com/symptom/cough#emergencies