Likas na masisipag ang mga Pinoy. Kahit saang parte ng mundo o saang sulok ng bansa, kilala at natatangi ang dedikasyon natin sa trabaho at sa pangangalaga sa ating pamilya. Hangga’t maaari, ayaw nating mayroong nagkakasakit dahil ang ating sarili pati ang ating pamilya ang ating kayamanan. Kung hindi naman maiiwasan, ginagawan agad natin ng paraan ayon sa ating abilidad ang paggamot sa karamdaman - tinatawag na self-medication.
Kaya naman, sa oras na nakakaramdam tayo ng biglaang pagtaas ng temperature ng katawan o kaya ay nakararanas ng lagnat ang ating mahal sa buhay, minamabuti natin ang agarang paghahanap ng lunas para mabilis na gumaling, makabalik sa trabaho, at hindi magkaroon ng absent sa school ang ating mga anak.
Sa mga ganitong pagkakataon, ating bukambibig kapag may nakakaranas ng lagnat sa pamilya ang pagpapainom ng paracetamol.
Bukod sa murang halaga, easily accessible ang over-the-counter drug o gamot na ito kaya hindi na nangangailangan ng reseta. Madali lamang makabibili ng paracetamol medicine sa mga suking tindahan at mga kilalang drugstores. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit ito unang pumapasok sa isip kapag napag-uusapan ang lagnat? Ano nga ba ang importansya nito? Hindi ba ito masama kapag ipinainom sa mga bata?
Kahalagahan ng Paracetamol
Ang paracetamol medicine ay naitala bilang isa sa pinaka-karaniwang ginagamit na analgesics o pain relievers at mabisang fever reducer o pampababa ng lagnat. Subok na itong mabisa upang bigyang lunas maging ang ilang sakit sa katawan. Para sa ating kaalaman, how does paracetamol work?
Ang ating katawan ay may natural na panangga sa sakit. Ngunit sa mga pagkakataong hindi maiiwasan, tulad ng flu virus, pabago-bagong klima, at iba pang sanhi ng sakit, nagkakaroon tayo ng pananamlay, lagnat, at iba pang kondisyong konektado sa mga nasabing halimbawa.
Kapag nalalagay sa ganitong sitwasyon, pumapasok sa eksena ang prostaglandins ng ating katawan. Ang prostaglandins ay inilalabas ng ating katawan bilang reaksyon sa injury at iba pang karamdaman. Ito ay nagbibigay ng hudyat sa ating mga nerve endings na bigyan tayo ng babala upang mas maging sensitive tayo na mayroon tayong nararamdamang sakit. Kaya naman kapag sumasakit ang ating ngipin, bilang halimbawa, mapapansin ang ‘di-maitatangging atensyon natin kung saan nagmumula ang sakit. Hindi tayo maka-focus sa iba pang mga bagay. Ang pag-inom ng paracetamol ay nakakapagpababa ng produksyon ng prostaglandins sa utak at sa spinal cord kaya naiibsan ang sakit na ating iniinda. Wala man itong direktang epekto sa pamamaga, nabibigyan tayo ng paracetamol ng kakayahan upang mabawasan ang pain na nararamdaman ng ating katawan.
Dahil maaari ring sintomas ang lagnat, kumikilos ang paracetamol na pababain at pabalikin sa normal ang body temperature sa pamamagitan ng pagbibigay ng command sa parte ng ating utak na nangangasiwasa sa body temperature. Sa pag-inom ng gamot na ito, mapapansin ang unti-unting pagbaba ng temperature ng ating katawan, mula sa mainit na singaw sa ating mga mata, panlalamig, at iba pang mga sintomas na konektado sa lagnat. Matapos ang halos kalahating oras, mararanasan na ang epekto ng paracetamol medicine sa ating katawan. Ito ay tumatagal ng apat hanggang anim na oras.
Ang pagiging available ng paracetamol ay nakakatulong sa pangkabuuang kalusugan ng bansa, mula sa maliliit na komunidad ng mga lungsod hanggang sa mga probinsya. Dahil sa gamot na ito, mas napapabilis ang paggaling at mas abot-kaya ang pagbibigay lunas.
Paano at saan ginagamit ang paracetamol?
Upang maprotektahan at mapangalagaan natin ang ating pamilya hindi lamang sa sakit kundi sa maling administrasyon ng gamot, mahalaga na mayroon tayong kaalaman patungkol sa kung papaano at saan maaring gamitin ang paracetamol medicine.
Kapag nararamdaman na ang pag-uumpisa ng pagkakaroon ng lagnat at ng iba pang sintomas, isang magandang practice ang pag-inom ng tubig upang tiyakin na properly hydrated ang inyong katawan. Makatutulong din ang tubig upang maibalik sa normal ang body temperature. Magpahinga at umiwas muna sa mabibigat na gawain upang hindi masagad ang resistensya ng inyong katawan. Kapag nagtuloy pa ang pagtaas ng body temperature, nakatala sa ibaba ang ilang maaaring administrasyon ng paracetamol.
Dahil abot-kaya at abot-kamay ang gamot na ito, hindi na dapat patagalin ang lagnat lalo na kung wala namang ibang nakikitang komplikasyon. Para sa mga nakatatanda, subok at mabisa ang paracetamol 500 mg. tablets na mabibili sa mga suking tindahan at drugstores sa murang halaga. Iniinom ito every four to six hours - o depende sa rekomendasyon ng doktor.
Para sa mga bata naman, mas mabilis ang epekto ng paracetamol kung ito ay nasa liquid form o syrup. Mas madali itong ipainom kung wala pang kakayahan o nahihirapang lumunok ng tablet form ang bata.
Dahil isa sa challenges ng mga magulang kung papaano mapaiinom ng gamot ang kanilang mga anak, may paracetamol for kids para sa mga bata mula isa hanggang 12 years old. Bukod sa pagpili ng syrup form na paracetamol, mainam din na pumili ng flavor nito na magugustuhan ng inyong anak. Bilang gabay, tingnan kung papaano ipaiinom ang paracetamol for fever dosage:
- 1 to 5 years old: 5 mL to 10 mL
- 6 to 12 years old: 10 mL to 20 mL
(to be taken three to four times a day o kung ano ang rekomendasyon ng doctor)
Mahalaga ring magkaroon tayo ng kaalaman na hindi lamang sa lagnat maaaring gamitin ang gamot na ito. Bata man o matanda, mabisa rin at subok na itong lunas para sa iba pang mga karamdamang naaayon sa edad tulad ng:
37 degrees Celsius ang normal na body temperature. Maaaring magtabi ng body thermometer sa inyong mga medicine cabinets upang madali ninyong masusukat kung gaano na kataas ang lagnat. Tulad ng ibang sintomas, kapag nanatili ito kahit sa ilang beses nang pag-inom ng paracetamol medicine, mainam na kumonsulta sa doktor upang malaman ang sanhi ng iniindang sakit.
Sa mga simpleng kondisyon tulad ng lagnat na dala ng flu, kailangan pa rin ng pagiging handa at ibayong pag-iingat. Panatilihing malakas ang resistensya sa pamamagitan ng tamang pagkain at regular exercise. Malaki rin ang maitutulong na laging may nakahandang paracetamol medicine sa inyong mga tahanan upang maitawid natin ang bawat araw nang panatag ang loob.
Sources:
https://www.drugs.com/paracetamol.html
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paracetamol-250-mg-5-ml-syrup
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paracetamol-500-mg-tab
https://www.infomed.ch/100drugs/paraind.html
https://www.netdoctor.co.uk/medicines/aches-pains/a26339/paracetamol-uses-and-action/
https://www.webmd.com/drugs/2/drug-57595/paracetamol-oral/details
https://www.healthdirect.gov.au/paracetamol