Ang fever o lagnat ay hindi isang sakit, kundi isang sintomas ng sakit. Ang mga bata ay nagkakaroon ng lagnat kung ang katawan ay mayroong nilalabanan na infection o sakit. Isa lamang itong reaction ng katawan, kung kaya’t importante na bantayan ng maigi ang bata tuwing ito ay may lagnat dahil maaari itong magresulta sa sakit. Subalit, kadalasan ay nawawala din ito dahil nga ito ay reaksyon lamang ng katawan ng bata kung ito ay may nilalabanan na impeksyon o sakit. Ang mga ito ay ang mga sintomas ng lagnat:
- Temperature na higit sa 37.8 °C
- Pagkawala ng gana sa pagkain
- Mabigat na pakiramdam
- Pagsakit ng kasukasuhan o joints
- Pagsakit ng ulo
- Pagkahilo
- Cold sweats
- Pagsusuka
Image from Pixabay
Dahil sa mga sintomas na ito, hindi kanais-nais ang experience na ito para sa mga bata. Lalong lalo na para sa mga maliliit na bata na hindi pa gaanong nakakaintindi, mahirap ang pagkakaroon ng lagnat. Dahil dito, importante na nabibigyan ng tamang alaga ang mga ito para maging kumportable sila kahit sila ay may lagnat. At siyempre, dapat mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga ito para mabilis mawala ang kanilang lagnat. Ang diet para sa batang may lagnat ay dapat high calorie, high protein, low fat at madaming fluids. Maliban dito, importante na malaman na ang mga batang may lagnat ay mas nangangailangan ng Vitamin A, Vitamin C, Vitamin B, Calcium, iron at sodium. Importante din na tandaan na ang mga fatty food at spicy food ay mahirap i-digest ng kanilang katawan at hangga’t maaari ito ay iwasan. Ang mga ito ay mga pagkain na pwedeng ibigay sa mga bata na may lagnat:
- Water: ang tubig ay importante for kids with fever dahil makakatulong ito i-hydrate sila kung sila ay may lagnat.
- Drinks with electrolyte: ang mga drinks rich in electrolytes ay nakakatulong sa pag-hydrate ng kids with fever.
- Carrot juice: ang carrot ay mayaman sa beta-carotine at ginigawa itong vitamin a ng katawan para mapadami ang white blood cells na siyang lumalaban sa bacteria and viruses.
- Fruit juices: ang mga fruits na kagaya ng orange at lemon na mayaman sa vitamin c ay nakakatulong palakasin ang immune system ng mga bata. Para gawin itong fun for kids, pwede itong gawing popsicles o ice pops. Siguraduhin lang na sila ay walang sore throat dahil hindi nakakabuti ang malamig na pagkain at inumin sa may sore throat.
- Milk: dahil kailangan ng high protein diet ng mga bata tuwing sila ay may lagnat, mainam ang milk para sa kanila.
- Eggs: ang eggs ay mayaman din sa protina at nakakabuti para sa mga kids with fever.
- Chicken soup: ang chicken ay mayaman din sa protina at ang soup naman ay nakakatulong sa pagbigay ng comfort sa mga batang may lagnat.
- Arroz Caldo: Kung gagawa ng arroz caldo gumamit ng brown rice dahil ito ay high in fiber at kinakailangan ito sa daily nutrition ng batang may lagnat.
Additional Tamang Alaga Tips:
- Kung ang bata ay walang gana kumain, wag itong pilitin ubusin ang pagkain. Pwedeng pakainin ito ng paunti-unti para makuha pa rin nila ang tamang nutrisyon na kinakailangan nila.
- Siguraduhin na may sapat na pahinga ang bata para gumanda agad ang pakiramdam nito.
- Maaari din silang bigyan ng sponge bath ang bata gamit ng maligamgam na tubig para sila ay manatiling presko at kumportable.
- Pasuotin sila ng manipis na damit at balutin sila ng manipis kumot para kumportable pa din ang kinalang pakiramdam at hindi sila mabilis pagpawisan.
- Siguraduhin na hindi masyadong mainit o malamig ang kwarto para sila ay kumportable habang natutulog.
- Dahil mabilis pawisan ang batang may lagnat, ugaliin na i-check ang kanilang damit kung kinakailangan itong palitan.
- Kung ang lagnat ay pabalik balik, kumonsulta sa Doktor.
- Kung ang bata ay kinukombulsyon, dumiretso sa Doktor.
- Kung ang bata ay nakakaranas ng madalas na pagdumi, kumonsulta sa Doktor.
- Kung ang bata ay nakakaranas ng matinding sakit sa ulo o katawan, kumonsulta sa Doktor.
Karaniwang mahina pa ang resistensya ng mga bata kung kaya’t kailangan na siguraduhin ng mga magulang na maganda ang kalusugan nila. Maaaring pagandahin ang kalusugan at palakasin ang resistensya laban sa sakit sa mga pamamaraan na ito: pagbigay ng tamang pagkain, pagsiguro na sapat ang pahinga nila at pagbigay ng vitamins.
Sources:
- https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-lagnat-ng-bata
- https://www.babble.com/best-recipes/best-foods-for-a-fever-10-ways-to-keeps-kids-comfortable/
- http://www.parenting.com/article/foods-and-drinks-that-soothe-sick-kids
- https://www.livestrong.com/article/520551-what-to-feed-a-toddler-with-a-fever/
- http://www.nutritionvista.com/NutritionBuzz/diet-during-fever-in-children,115.aspx