Mga Paraan Upang Makaiwas sa Sipon

May 06, 2016

Photo courtesy of annaj via Pixabay

 

Ang pagkakaroon ng sipon ang isa sa mga kadalasang sakit nating mga Pilipino. Tuwing summer, nakararanas ang ilan sa atin ng iba’t ibang sintomas ng pagkakaroon ng sipon. Ayon sa The Wall Street Journal, tuwing panahon ng tag-init ay may posibilidad na makaramdam ng mas matinding sintomas nito. Narito ang mga dapat sundin upang makaiwas sa sipon at tiyaking malusog ang pangangatawan panlaban sa sakit.

  1. Maghugas ng kamay

Ugaliing maghugas ng kamay. Ang sipon ay mabilis kumalat lalong-lalo na kung ikaw ay nakahawak o napadikit sa mga maruruming bagay sa mga pampublikong lugar. Importanteng hugasan ang mga kamay pagkatapos gumamit ng banyo, humawak sa door knob, buksan ang ilaw, at makipagkamay sa ibang tao.

 

Inirerekomenda ang pag gamit ng sabon at maligamgam na tubig, at hugasan ang mga kamay ng 20 segundo. Maaari ring magbaon ng hand sanitizer upang makapaglinis ng kamay kahit nasa lugar na walang tubig.


 

Photo courtesy of kpgolfpro via Pixabay

  1. Umiwas sa bisyo

Ang mga taong naninigarilyo ay may posibilidad magkaroon ng mas matinding sintomas ng sipon at ubo. Ito’y maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng infection dahil nakakapagpairita ang paninigarilyo ng lalamunan.

Ang paginom naman ng alak ay maaaring makaapekto sa ating immune system dahil mahihirapan ang katawan na labanan ang harmful bacteria at maaring maging dahilan ng madaling pagkahawa sa mga taong may sipon.

  1. Umiwas sa mga taong may sakit

Iba’t ibang klase ng tao ang nakakasalamuha natin sa araw-araw at ang ilan sa mga ito ay maaaring may mga sakit na maaring nating makuha. Umiwas sa pakikipag-usap ng malapitan dahil ang sipon ay madaling kumalat kapag nagkaroon tayo ng contact sa laway ng may sakit.

  1. Panatilihing healthy ang katawan

Kumain ng masusustansyang pagkain gaya ng sariwang prutas at gulay na nagtataglay ng healthy vitamins at minerals na mainam sa pag-iwas sa mga sakit. May iba’t ibang uri ng pagkain na inirerekomenda upang palakasin ang immune system at malabanan ang bacteriang nakukuha natin araw-araw.

 

Mag-ehersisyo ng regular. Ang pagkain ng masusustansyang pagkain ay makapagpapatibay ng resistansya ng katawan upang makaiwas sa mga sakit gaya ng sipon. Ang pag tulog naman ng sapat ay higit na inirerekomenda. Ang ating katawan ay kailangan magpahinga upang magkaroon ng lakas na makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit gaya ng sipon.

 

Photo courtesy of priyanka98742 via Pixabay

6. Uminom ng sapat na tubig

Importanteng panatilihing hydrated ang katawan upang mapalakas ang immune system ng katawan. Nakatutulong ang pag-inom ng tubig para palakasin ang katawan at malabanan ang mga bacteria at virus.  Mayroong tinatayang 50-75% ng tubig ang tinataglay ng ating katawan kaya naman ay siguraduhing uminom ng madaming baso ng tubig araw-araw upang masiguro na hydrated ang katawan.

7. Uminom ng vitamins

Hindi gamot ang mga food supplements, ngunit ang pag inom ng mga ito ay maaaring makatulong na palakasin ang ating immune system. Ilan sa mga vitamins na maaaring inumin upang mapalakas ang immune system at makaiwas sa sipon ay ang mga supplements na nagtataglay ng vitamin C, zinc, echinacea, garlic at ginseng.

8. Iwasan ang paghawak sa mukha

Maaaring pumasok ang mga mikrobyo sa mata, ilong at bibig ng indibidwal kung kaya naman ay marapating umiwas sa pag hawak sa mukha dahil ito ay magiging sanhi ng pagkakaroon ng sipon kung sakaling nakahawak sa maruruming bagay.

 

May mga inilathala ang Medicard Philippines na mga kasabihan tungkol sa pagkakaroon ng sipon na hindi naman napatunayan ng mga eksperto at wala namang mga scientific basis. Ilan sa mga ito ay nagagamot ng vitamin C at antibiotics ang sipon, napapalala ng pag-inom ng gatas ang mucus, at ang cold ang nagsasanhi ng flu.

 

Kapag ikaw ay nakaramdam parin ng sintomas ng sipon marapatin lamang na bumili kaagad ng gamot na inirekomenda ng inyong doktor upang hindi lumala ang sintomas nito.

Kailangan din nating pangalagaan ang mga tao sa ating kapaligiran dahil ang virus ay mabilis kumalat at makahawa kung kaya’t inirerekomenda ang pagtakip sa ating bibig gamit ang siko tuwing uubo o babahing.