Gamot sa Sipon | RiteMED

Gamot sa Sipon

December 20, 2018

Gamot sa Sipon

Walang pinipiling panahon ang pagkakaroon ng common cold o sipon. Marami ang nagkakasakit kahit bata o matanda lalo na kung mahina ang resistensiya sa katawan.

Ang sipon ay isang nakakahawang sakit na nararamdaman sa ating respiratory system. Kapag ikaw ay may sipon, barado ang iyong ilong kaya nahihirapan ka huminga.

Sintomas ng sipon

  • Baradong ilong
  • Masakit na lalamunan
  • Paulit-ulit na pagsinga
  • Lagnat
  • Pagkabangag o lutang na pakiramdam sa ulo
  • Pag-ubo
  • Pananakit sa ilang bahagi ng katawan

Sanhi ng sipon

Ang karaniwang nagdudulot ng sipon ay ang rhinovirus (rhin- ibig sabihin ay ilong) na nagiging sanhi rin ng iba’t-ibang sakit tulad ng impeksyon sa tainga, pneumonia, sore throat, bronchitis, at iba pa.

Maaari kang mahawaan ng sipon kapag ikaw ay nabahingan o nakahawak ng gamit ng may sipon. At kahit malayo ka sa taong may sipon, maaari ka pa ring mahawaan dahil kumakalat ang rhinovirus sa hangin o sa pagtalsik ng likido gaya ng laway at uhog.

Ano ang gamot sa sipon?

Ang sipon ay isa sa mga sakit na madaling gamutin. Narito ang ilang mga gamot sa sipon home remedy at mga simpleng paraan para maiwasan ito.

  • Gumamit ng tissue
    • Hindi basta-basta kakalat ang virus kung gagamit ng tissue at pagkatapos ay itatapon agad. 'Di katulad kapag panyo ang gamit, ang virus ay maaaring kumalat sa iyong mga gamit at paligid.
  • Mag-disinfectant
    • Regular na maglinis ng mga gamit lalo na kung may kasama sa bahay na may sipon. Magandang ipaalala rin na kapag nababahing, gamitin ang siko pangtakip kaysa sa nakagawiang pagtakip gamit ang kamay.
    • Ayon sa mga eksperto, mas mabuting sa siko bumahing dahil kapag sa kamay ay may pagkakataon pang kumalat ang bacteria kapag may nahawakang bagay ang may sipon at maaaring mahawakan pa ng iba.
  • Hugasan ang kamay
    • Hugasan nang maigi ang kamay gamit ang tubig at sabon. Maaari ring gumamit ng hand sanitizer o alcohol bago at pagkatapos kumain o humawak ng mga gamit.
  • Huwag makigamit
    • Ang paghihiram ng mga gamit na nalawayan o nasingahan ng may sipon ay nakakahawa lalo na sa mga taong mahina ang immune system. Linisin nang mabuti ang mga gamit at huwag muna manghiram sa iba.
  • Umiwas sa may sipon
    • Tulad ng paggamit ng kanilang bagay, pinapayo rin na umiwas muna sa kanila upang hindi ka mahawa.
  • Ingatan ang sarili
  • Uminom ng vitamins
    • Uminom ng bitaminang mayroong sodium ascorbate o ang Vitamin C na mineral. Ito’y mainam na panlaban sa sipon at lagnat. Safe itong inumin dahil ito ay stomach-friendly lalo na sa mga nakararanas ng acidity.

May Ritemed ba nito?

undefined

Paano inumin ang Ritemed Sodium Ascorbate?

  • Inumin ito araw-araw ng isa hanggang dalawang beses. Kapag may sintomas ng sipon, inumin ng tatlo hanggang apat na beses.

Paalala: Huwag inumin kung may allergy sa ingredient ng produkto o kung may hyperoxaluria

  • Ang hyperoxaluria ay isang genetic condition o namamana na sakit sa bituka kapag nasosobrahan sa mga pagkaing may oxalate gaya ng peanuts, spinach, beets o remolatsa.

References:

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-paraan-upang-makaiwas-sa-sipon

https://www.ritemed.com.ph/articles/pagkain-laban-sa-ubo-at-sipon

https://www.ritemed.com.ph/articles/summer-tips-para-makaiwas-sa-ubo-at-sipon-

https://www.ritemed.com.ph/articles/ehersisyo-at-sipon-dapat-nga-bang-mag-ehersisyo-kung-ikaw-ay-may-sakit-

https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/ear-nose-throat/Pages/Rhinovirus-Infections.aspx

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/symptoms-causes/syc-20351605

https://www.webmd.com/cold-and-flu/default.htm



What do you think of this article?