Alam mo ba na likas na pino-produce ng ating katawan ang cholesterol? Ang cholesterol ay mahalaga sa ating katawan dahil tumutulong ito sa paggawa ng mga healthy cells, hormones, at maging ang Vitamin D para sa ating kalusugan.
Pero may mga pagkakataon kung saan tataas ang dami ng cholesterol (high cholesterol) sa katawan. Kapag mataas na ang cholesterol sa katawan, posibleng magbara ito sa mga blood vessels at arteries at magdulot ng mga malubhang kumplikasyon.
Paano nagkakaroon ng high cholesterol?
- Hindi balanse ang kinakain
Ang mga pagkaing may saturated fats (keso at mantikilya) at may trans fats (galing sa ilang produktong biskwet at popcorn) ay high in cholesterol. Hinay-hinay sa pagkain ng mga ito para hindi magbara ang mga arteries at blood vessels.
Kapag regular ang ehersisyo at pagpapalakas ng pangangatawan, dumadami ang tinatawag na HDL o "good," cholesterol” habang naco-control naman ang LDL o "bad," cholesterol sa katawan.
Ang usok sigarilyo ay nakapipinsala ng blood vessels na maaaring pagmulan ng pagbabara ng fatty deposits. Pinapababa din ng sobrang paninigarilyo ang HDL o “good cholesterol” sa katawan.
https://www.123rf.com/photo_62206806_portrait-of-overweight-obese-man-holding-his-big-belly.html?downloaded=1
Kapag ang body mass index (BMI) mo ay 30 o higit pa, maaaring may high cholesterol ka. Maaaring ma-compute ang iyong BMI online.
Kapag mataas ang blood sugar, dumadami ang tinatawag na “very-low-density lipoprotein” (VLDL) at “lower HDL cholesterol” na siyang nagpapalala sa pagbara ng mga arteries.
Kapag tayo ay nagkaka-edad, humihina ang kakayahan ng ating katawan para ma-control ang cholesterol.
Ano ang mga kumplikasyon o effects ng high cholesterol sa body?
Nagkaka-stroke ang isang tao kapag napigilan ang daloy ng dugo papuntang utak o namuong dugo. Tumtataas ang tyansang magka-stroke kapag malala na ang pagbabara sa mga artery at blood vessels.
Kapag ang mga artery na nagsu-supply ng dugo sa puso ay barado dahil sa high cholesterol, maaaring makaranas ng “angina” o pananakit sa dibdib.
Kapag may blood clot na humarang sa daluyan ng dugo papuntang puso, maaring maranasan ang atake sa puso o heart attack.
Ano ang gamot na pwedeng pangontra sa high cholesterol?
Maliban sa pagbabago ng iyong dyeta at lifestyle, maaaring i-rekomenda ng iyong doktor ang RiteMED Rosuvastatin para bumaba ang bad cholesterol sa iyong katawan. Maaari ring i-reseta ng doktor ang RiteMED Simvastatin para sa pag-manage ng bad cholesterol at makaiwas sa stroke.
IMPORTANTE: Kumunsulta muna sa doktor bago gumamit ng anumang gamot.
References:
https://www.stroke.org/understand-stroke/preventing-a-stroke/medical-risk-factors/
https://www.webmd.com/cholesterol-management/features/high-cholesterol-risks-top-2-dangers#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-cholesterol/symptoms-causes/syc-20350800
https://www.hopkinsmedicine.org/healthlibrary/conditions/cardiovascular_diseases/cholesterol_in_the_blood_85,p00220