Ano ang cellulitis?

May 03, 2019

Ano ang cellulitis?

Ang cellulitis ay isang sakit sa balat dulot ng bacterial infection. Ang apektadong balat ay maaaring mamaga na parang lumolobo at masakit kapag nahawakan.

Ang cellulitis ay madalas makikita sa may binti hanggang paa pero posible rin itong kumalat sa mukha, braso o sa ibang parte ng katawan kapag napasukan ng bacteria.

Ano ang mga cellulitis symptoms na posible mong maramdaman?

  • Pamumula ng balat na kumakalat
  • Pamamaga
  • Tenderness o pananakit sa tuwing nahahawakan o nasasagi
  • Mainit at mahapdi ang parteng may cellulitis
  • Lagnat
  • Blisters o mga pasa
  • Skin dimpling o natutuklap na balat sa apektadong bahagi

Narito ang mga cellulitis causes:

Ang bacteria na nagdudulot ng cellulitis ay ang pinakakaraniwang streptococcus at staphylococcus  na pumapasok sa nanunuyong balat.

Madalas nakakapasok sa balat ang bacteria pagkatapos ng surgery, kapag ikaw ay nahiwa, kapag mayroon kang ulcer sa balat, o kaya ibang kondisyon sa balat tulad ng dermatitis at alipunga.

Posible ring magkaroon ng bacteria sa balat kung ikaw ay kinagat ng hayop. Ibayong pag-iingat ang kailangan upang maiwasan ang ganitong mga problema.

Ano ang mga komplikasyon kung napabayaan at lumala ang cellulitis?

Ang paulit-ulit na pagkakaroon ng cellulitis o cellulitis na hindi gumagaling ay maaaring makasira ng ating lymphatic system at kasu-kasuan.

Bihira man, ngunit posibleng umabot sa pinakailalim na layer ng balat ang bacteria na ito na tinatawag naman na “fascial lining”. Sa ganitong sitwasyon, kinakailangan dalhin agad sa ospital ang taong may impeksyon.

Mga pwedeng gawin upang maiwasan ang cellulitis at iba pang impeksyon sa balat:

  • Hugasan ang iyong kamay na may kasamang tubig at sabon

Gawin ito bilang parte ng iyong pang-araw-araw na kalinisan

  • Lagyan ng ointment o cream ang iyong sugat kung mayroon man

Huwag kalimutang basahin ang mga tagubilin na nakasulat sa produkto.

  • Lagyan ng bendahe o bandage ang iyong sugat

Dalasan ang bandage lalo na kung ikaw ay lalabas at mapolusyon ang iyong pupuntahan

  • Alamin at kabisaduhin ang mga sintomas ng cellulitis

Huling Paalala:

Para sa tuluyang paggaling ng iyong balat, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng RiteMED Clarithomycin. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para maka-recover ang iyong katawan.

Ang RiteMED Clarithomycin ay mabisang anti-bacterial na gamot para sa mga sakit tulad ng Cellulitis na dulot ng bacteria. Importanteng may reseta ng iyong doktor bago bumili sa pinakamalapit na botika at alamin kung anu-ano ang side effects ng gamot na ito sa iyong katawan.

References:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cellulitis/symptoms-causes/syc-20370762