Ano ang prostate cancer?
Ang cancer ay isang uri ng sakit na sanhi ng abnormal growth ng cells sa ating katawan. Halos lahat ng parte ng katawan na may cells ay maaaring mag-develop ng cancer cells, at maaari itong kumalat sa ibang parte ng katawan. Ang prostate cancer ay nangyayari tuwing ang cells sa prostate glands ay lumalaki ng abnormally. Ang prostate ay nakikita lamang sa mga lalake. Ito ay mahahanap sa ibabaw ng bladder at sa ibabaw ng rectum. Ito ang gumagawa ng ilang fluids na nasa semen o semilya. Ang laki ng prostate ay nagbabago habang tumatanda ang lalaki. Sa kabtaan ng mga kalalakihan, ang prostate ay maikukumapara sa laki ng isang walnut, at mas malaki naman ito para sa mga nakakatandang lalaki.
Iba’t ibang uri ng prostate cancer
Ayon sa mga pag-aaral, halos lahat ng prostate cancer ay adenocarcinoma. Ang mga cancer na ito ay namumuo mula sa gland cells; ang cells na gumagawa ng prostate fluid na dinadagdag sa semen o semilya). Ang sumusunod ay mga rare na uri ng cancer.
Symptoms ng prostate cancer
Ang ilang mga prostate cancer ay maaaring lumaki at kumalat ng mabilis, subalit madalas na mabagal ang progression nito. Sa katunayan, ayon sa mga autopsy studies, madaming matatandang lalaki (at ilang batang lalaki) na namatay ng ibang sanhi ay mayroong prostate cancer subalit hindi sila naapektuhan nito. Dahil dito, importante na malaman ang mga possible na symptoms nito.
-
Sakit tuwing umiihi
-
Hirap sa pag-ihi
-
Dalas ng pag-ihi, lalo na sa gabi
-
Paghina ng agas ng ihi
-
Dugo sa ihi o hematuria
-
Dugo sa semen o semilya
-
Erectile dysfunction
-
Sakit tuwing ejaculation o pagbulaslas
-
Sakit o paninigas ng lower back, hips, pelvis o thighs
Mga paraan para maiwasan ang prostate cancer
Mga dapat kainin
-
Fruits and vegetables
-
Startchy foods kagaya ng rice, pasta, bread, potato at kamote
-
Pagkain na may lycopene kagaya ng tomatoes o kamatis at ibang mga prutas at gulay na kulay pula
-
Pagkain na may selenium kagaya ng seafood, liver at kidney
Mga dapat iwasan na pagkain
Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagkain ng dairy foods ay maaaring makadagdag sa risk ng pagkaroon ng prostate cancer. Maaaring dahil ito sa calcium na nakukuha ng tao sa mga pagkain na ito, subalit wala pa rin pag-aaral na nakakapatunay ng direktong ugnayan nito sa prostate cancer. Subalit, kinakailangan pa din ng tao ng calcium. Maaaring uminom ng 200ml ng gatas, 20g ng cheese at maliit na na serving n yogurt para ma-meet ang daily nutritional need.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng red meat at processed meat ay maaaring makadagdag sa risk ng pag-develop ng prostate cancer, subalit kagaya ng dairy foods, hindi pa rin napapatunayan ang direktong ugnayan nito sa prostate cancer. Kung nais bawasan ang red meat sa diet, magandang alternative ang chicken, turkey at seafood para makuha ang kinakailangan na protein ng katawan.
Exercise
-
2.5 hours ng moderate exercise every week (brisk walking, jogging, cycling, etc.)
-
75 minutes ng vigorous exercise every week (basketball, football, etc.)
-
Mag-exercise kasama ng mga kaibigan para hindi mabilis ma-bored
-
Outdoor activities kagaya ng hiking
Bago simulan ang mga paraan na ito, importante na kumonsulta sa doktor. Higit dito, kung tumatanda na, importante na pumunta sa doktor upang magpa-prostate examination every year. Laging tandaan, prevention is better than cure.
Sources:
-
https://www.cancer.org/cancer/prostate-cancer/about/what-is-prostate-cancer.html
-
http://www.cancercenter.com/prostate-cancer/symptoms/
-
http://www.asianhospital.com/health-digest/cancer-prostate-cancer-learning-the-facts/
-
https://prostatecanceruk.org/prostate-information/are-you-at-risk/can-i-reduce-my-risk