Ano ang Bronchitis?

January 16, 2019

Ano ang Bronchitis?

Ang bronchitis ay ang pamamaga ng bronchial tubes o ang parte ng respiratory system na nagdadala at naglalabas ng hangin sa baga. Ang karamdamang ito ay maaring maranasan ng panandalian o pangmatagalan. Kung minsan pa ay nagiging isang pabalik-balik na kondisyon ito.

Ano nga ba ang iba’t-ibang sanhi ng bronchitis?

Maraming iba’t ibang sanhi kung bakit nagkakaroon ang isang tao ng bronchitis. Ang isa sa mga pinaka-common na Bronchitis causes ay ang bacterial infections na nagdudulot ng ubo, sipon, o trangkaso.

Isa ring malaking dahilan ang paninigarilyo at maging ang paglanghap lamang ng second-hand smoke. Masama rin sa ating respiratory system ang mga nalalanghap nating usok mula sa mga pabrika na gumagamit ng matatapang na kemikal at may hindi kaaya-aya na amoy. Maging ang simpleng usok na mula sa mga sasakyan tuwing tayo ay nag-cocommute ay maaaring maging dahilan ng bronchitis. Maaari ring magkaroon ng Bronchitis dahil sa GERD (Gastroesophageal reflux disease) na nagdudulot ng heartburn.

Uri ng Bronchitis

May dalawang uri ng Bronchitis isa rito ang Acute bronchitis. Ang aciute bronchitis ay isang uri ng bronchitis na nakukuha sa kahit anong edad. Ang mga sintomas ay umaabot lamang ng tatlong linggo.

Ang isa pang uri ng Bronchitis ay ang Chronic bronchitis. Ang ganitong klase ng bronchitis ay ang pinakamatagal na uri ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ito ay umaabot ng lagpas isang buwan o minsan pa ay inaabot ng taon matagal pa.

Mga sintomas ng bronchitis

Maraming sintomas ang pagkakaroon ng Bronchitis. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Malalang Ubo
  • Pagkakaroon ng plema na pwedeng kulay berde; minsan may dugo.
  • Pakiramdam na palaging pagod
  • Kakulangan ng hangin tuwing humihinga
  • Madaling lamigin o lagnatin
  • Paninikip ng dibdib
  • Pananakit ng lalamunan
  • Namamagang binti o paa (ito ay may kinalaman sa komplikasyon ng puso kapag tumagal ang bronchitis)

Kapag nakakaramdam ng mga sintomas na ito, huwag itong ipagbahala at pumunta na agad sa doctor para makapagpakonsulta.

Paano nga ba makakaiwas sa Bronchitis?

Kailangang makasigurado na ang nararamdaman mong ubo ay hindi malubhang sakit. Kapag matagal na ang iyong ubo, mas mabuting magpakonsulta na sa specialist o doktor para makasigurado.

Kapag mayroong Bronchitis, siguraduhing uminom ng maraming tubig, magpahinga at huwag manigarilyo o kaya naman ay umiwas sa mga lugar kung saan mausok. Huwag kalimutan na ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa Bronchitis ay ang pagkakaroon pa rin ng healthy diet. 

undefined

Ugaliin rin na maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain para makaiwas.

Higit sa lahat, mainam na regular na bumisita sa doktor lalo na kung may mga kakaibang nararamdaman. Ilan sa mga maaaring ireseta ng doktor kapag mayroong Bronchitis ay ang RiteMED Clindamycin. Ang RiteMED Clindamycin ay para sa treatment ng pagkakaroon ng impeksyon sa lower respiratory tract.

Mga paalala tungkol sa Ritemed Clindamycin:

  • Magpakonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot na ito.

References:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bronchitis/symptoms-causes/syc-20355566

https://www.webmd.com/lung/understanding-bronchitis-basics#1