Ang osteoporosis ay isang sakit na nagdudulot ng paghina ng mga buto kung saan maaari itong magkaroon ng fracture sa simpleng pag-ubo at pag-bend ng katawan. Kung walang sapat na calcium ang katawan, napipilitan itong kumuha ng calcium mula sa mga buto na tinatawag na calcium cannibalism. Kadalasang naaapektuhan ang parte ng katawan ang balakang, wrist, o spine.
Maaaring magkaroon ng osteoporosis ang sinuman ngunit karamihan ng mga naaapektuhan nito ay ang mga babaeng senior citizens o mga matatanda.
Sintomas
Walang sintomas sa early stages ng osteoporosis ngunit sa oras na humina ang mga buto, maaaring makaramdam na ng mga sintomas gaya ng sumusunod:
Pagsakit ng likod na sanhi ng fractured spine
Pagliit o pagbawas sa height
Pagkakuba
Madalas at mabilis na pagakaroon ng fractures sa buto
Inirerekomenda ring kumonsulta agad sa mga doktor tungkol sa osteoporosis kung dumaan ang pasyente sa early menopause o nagkaroon ng hip fractures.
Sanhi
Napapalitan ng mga bago ang mga lumang buto sa ating katawan. Mas mabilis ang pagbuo ng mga bagong buto kaysa sa pagsira at pagpalit ng lumang buto habang bata pa kaya nadaragdagan ang bone mass ng isang tao. Habang tumatanda naman ay mas bumabagal ang proseso na ito kaya’t mas mabilis pagkawala ng bone mass kumpara sa pagbuo nito.
Ang mahinang nutrisyon ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng osteoporosis kasunod ng pagkakaroon ng genes nito o namana sa magulang. Ang pagkakaroon ng masustansyang diet at sapat na recommended calcium intake ay ilan sa mga pinaka mabisang gamot upang maiwasan ang osteoporosis. Kung minsan ay kulang sa sustansya ang mga kinakain nating pagkain kaya naman ang ilan ay umiinom ng supplements o multivitamins na makatutulong ipangdagdag sa pang araw-araw na nutrisyon.
Ang mga pagkaing masustansya sa calcium at vitamin D ang mga pinakamahusay na pagkain na isama sa diet ng mga pasyenteng may osteoporosis. Ang calcium ay nakakatulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng buto samantalang tumutulong naman ang vitamin D upang ma-absorb ng katawan ang sapat calcium. Ilan sa mga pagkaing mayroon nito ang mga sumusunod:
Milk
Ang gatas na marahil ang pinakasikat na inumin na masustansya sa calcium na kailangan upang magkaroon ng malakas at malusog na mga buto. Ilan din sa mga dairy products na may mataas na calcium ay yogurt at cheese.
Salmon
Masustansya sa Vitamin D ang salmon na siyang tumutulong para ma-absorb at ma-process ng tama ang calcium sa ating katawan. Mataas din sa Vitamin D ang iba pang mga pagkain tulad ng egg yolk, mushroom, mackerel, at tuna.
Nuts and seeds
Madaming nutrients gaya ng calcium, magnesium, at protein ang makukuha sa pagkain ng almonds at iba pang mga nuts at seeds tulad ng pistachio at sunflower seeds. Ang mga nutrients na ito ay mahalaga sa pagpapalakas at pagpapanatili ng malusog na buto.
Fortified Breakfast Cereals
Magandang source din ng calcium at Vitamin D ang mga fortified breakfast cereals. Maaari ring subukan ang mga fortified whole grain breads at mga calcium-fortified orange juice na nagtataglay ng mga masustansyang minerals at vitamins para sa katawan.
Mga pagkaing dapat iwasan ng taong may osteoporosis
Salty food
Ang pagkain ng maaalat o maraming soidum sa katawan ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng calcium at humantong sa bone loss. Kailangang limitahan ang pagkain ng processed foods, canned foods, at mga may labis na asin sa pagkain.
Kape at softdrinks
Ang softrinks at kape ay nagtataglay ng caffeine na maaring makabawas sa calcium absoption at maging dahilan ng bone loss. Magandang bawasan o di kaya’y umiwas sa pag-inom ng mga ito.
Upang matiyak ang mga nararapat na kainin sa pang araw-araw ay mas nakabubuting magpacheck-up sa doktor para makasigurong tama ang klase at dami ng kinakain upang makabuti sa bone density ng katawan. Kung hindi man sapat ang pagkain ay maaari ring uminom ng calcium supplement at humingi ng reseta para makaiwas sa mga sintomas ng osteoporosis.
Sources:
http://www.endocrineweb.com/conditions/osteoporosis/4-foods-osteoporosis-prevention?page=2
https://www.nof.org/patients/treatment/nutrition/
http://www.webmd.com/osteoporosis/features/diet-dangers?page=3
http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/osteoporosis/home/ovc-20207808
Image 1: Photo Courtesy of tiburi via Pixabay
Image 2: Photo Courtesy of Mehran B via Pexels
Image 3: Photo Courtesy of Natalie Collins via Unsplash