Carers: Pag-aalaga sa Bone Injury ng Matatanda

September 04, 2017

Habang tumatanda ang tao, madami sa parte ng kanyang katawan ang lumalala, gaya ng pag-labo ng mata, paghina ng pandinig at madalas ay panghihina ng mga buto. Karaniwan sa mga matatanda ang pagkahulog o pagkadulas na nagreresulta sa injury sa buto o bone fracture.

Ang mga matatanda ay prone sa pagkahulog dahil nawawala ang kanilang body coordination. Ayon sa pag-aaral, sa bawat sampung fractures, siyam ang nangyayari sa mga taong nasa edad na 60 pataas. At kapag sila ay nahulog dumadalas ang pagkakaroon nila ng fractures dahil sa mahina ang kanilang buto.

 

Dahilan ng pagkakaroon ng injury sa buto gaya ng:

 

  • Osteoporosis - Ito ay isang medikal na kalagayan kung saan ang buto ay unti-unting numinipis at humihina, ginagawang prone ang buto sa mga fracture.

  • Kasarian - Ang buto ng mga babae ay mas mabilis rumupok kaysa sa mga lalaki dahil sa pagbaba ng estrogen levels kapag nagsimula na ang menopause.

  • Nutrisyon - Tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng injury sa buto kapag hindi maaayos ang pundasyon ng nutrisyon noong bata pa lamang. Ang mga eating disorder gaya nga anorexia at bulimia ay nakakasma din sa buto.

  • Alak at Sigarilyo - Ang paninigarilyo at madalas na pag-inom ng alak ay nagdudulot ng pagrupok ng mga buto.

 

Mga sintomas ng injury sa buto:

 

Karaniwan sa mga matatanda ang mabalian ng buto sa may balakang. Kapag sila ay nabalian sa parteng ito, siguradong mahihirapan silang galawin ang kanilang baywang, mga hita at mananakit din ang kanilang singit. Maari din silang makaramdam ng pagkahilo dahil sa sakit at maaring dahil din sa internal bleeding na nagreresulta sa mababang blood pressure.

Kung sa ibang bahagi naman ng katawan, makikitaan agad ito ng pasa at pamamaga. Kung malala, makikitan din ng deformity ang apektadong bahagi.

 

First aid tips kapag nagkaroon ng injury sa buto ang matatanda:

 

  • Pigilan ang anumang pagdurugo sa pamamagitan ng pag-lalagay ng pressure sa nasaktan na bahagi ng katawan.

  • Huwag galawin ang nabaling buto. Kung ang buto naman ay umusli, huwag din itong galawin. Maaari lamang lagyan ng suporta ang nabaling buto ng isang trained na tao para maiwasan ang kumplikasyon.

  • Lagyan ng ice pack ang nasaktan na bahagi para maibsan ang sakit at mapigilan ang pamamaga. Kinalailangang nakabalot sa tuwalya o kahit anong malinis na tela ang yelo.

  • Kung nahihilo o parang hihimatayin ang injured na tao, ihiga siya na ang ulo ay mas mababa sa kanyang katawan. Kung maaari ay itaas din ang bahagya ng kanyang paa.

 

Pag-aalaga sa mga matatandang may bone injury:

 

undefined

 

Delikado sa matatanda ang pagkakaroon ng fracture dahil nga sa kanilang marupok na mga buto. Maaari silang magkaroon ng iba’t ibangkumplikasyon gaya ng blood clot, impeksyon and pneumonia kung kaya nararapat lamang na alam ng kanilang pamilya ang wastong pangangalaga sa kanila.

 

Ang recovery ay isang mahabang proseso, lalo kung ang injured ay inoperhan. Kadalasan ito ay tumatagal ng isang linggo o mas mahaba pa kung malala ang injury. Kadalasan ay kinakailanga ang tulong ng mga physical therapist dahil sila ang pinaka-nakakaalam ng tamang procedure na kinakailangan ng pasyente.

 

Karaniwan, ang therapy sa mga may bone injury ay binubuo ng strengthening exercises, balance retraining at pace exercises. Kasama din dito ang pag-train sa mga personal na gawain gaya ng pagbibihis, paliligo at pag-aayos ng katawan.

 

Ang mga matatandang may injury sa buto ay nangangailangan ng espesyal na atensyon. Kinakailangang marahan ang pagkikipag-interact sa kanila. Importante na kumonsulta sa kanilang therapist upang malaman ang mga specific na bawal at pwedeng gawin.

 

Kung maaari, gawing “fall-proof” ang bahay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga hawakan kung saan sila madalas na umupo at tumayo at paglalagay ng carpet o rubber mat sa sahig. Maaari din silang pagsuotin ng tsinelas o sapatos na rubber ang ilalim para iwas dulas. Kinakailangang alalayan silang mabuti kung kinakailangan nilang bumaba o umakyat ng hagdan. Kung kaya, mainam na buhatin na lamang sila para masiguradong hindi sila matutumba. Huwag din silang iiwanan mag-isa sa buong bahay. Iwanan sila ng bell o kaya ay telepono sa kanilang tabi para sa anumang emergency na maaaring ngyari.

 

Sources: