Tamang Alaga sa Pananakit ng Katawan

October 11, 2018

Namamagang mga kasu-kasuan o di naman kaya ay nananakit na kalamnan- iyan ay ilan lamang sa mga senyales ng muscle ache o mas tamang kilalanin bilang myalgia. Halos lahat ay posibleng makaranas nito sapagkat ang kondisyon na ito ay common.

Mga Common na Sanhi ng Body Pain


Dahil binubuo ng muscle tissue ang ating buong katawan, maaari tayong makarananas ng pananakit saan mang bahagi nito. Ganunpaman, dapat maging alerto tayo sa mga nagiging causes of muscle pain. Maaaring ito ay hindi na lamang simpleng sakit lamang bagkus ay senyales na ng mas malalang kondisyon.

Narito ang ilan sa mga common na sanhi ng myalgia:

  • Labis na paggamit ng muscle habang nagsasagawa ng muscle activity.
    Ang mga nagtatrabaho sa opisina ay madalas na nakaupo sa kanilang mga station ng mahabang oras kada araw. Kadalasan ang kanilang mga idinadaing ay ang pananakit ng likod. Ito ay dahil sa labis na pag-upo. Para maiwasan ang ganitong mga bagay ay makabubuting mag-break panandalian ay i-stretch ang mga kalamnan.
     
  • Muscle tension sa mga bahagi ng katawan.
    Isa sa mga madalas nakararanas ng pananakit ng katawan dahil sa labis na paglalagay ng sobrang tension sa katawan ay ang mga fitness enthusiast at gym goers. Mabibigat na weights at matataas na repetitions ang kadalasang ginagawa sa workout kaya naman sila ang prone sa myalgia. Mabisang paraan upang maiwasan ito ay ang pagsasagawa ng sapat na warm-up bago mag-workout at cool-down exercises pagkatapos ng workout. Sa pamamagitan nito naiko-kondisyon ang muscles sa exercise.
     
  • Injured Muscle
    Kaugnay ng labis na muscle tension, ang injured muscle mula sa iba’t-ibang uri ng activity ay magreresulta rin sa pananakit ng katawan.
     

Mga Medical Condition na Nagdudulot ng Pananakit ng Katawan

Habang ang body pain ay common na kondisyon, may ilan ring mga medical condition na maaaring magdulot nito. Heto ang ilan sa kanila:

  • Sipon at Lagnat
    Ang mga sakit na ito ay viral infections na nagdudulot ng inflammation. Inaatake ng sakit na ito ang katawan habang ang immune system naman ay nilalabanan ang mga ito. Isa sa side effect nito ay panghihina at pananakit ng katawan. Makabubuting magpahinga  upang lalong matulungan ang katawan na labanan ang infection.
     
  • Fibromyalgia
    Ang kondisyon na ito ay kung saan nakararananas ng pananakit ng buong katawan ang pasyente. Kabilang na rito ang buto at kalamanan. Nakaka-trigger dito ang mga physical trauma, infection, at surgery.
     
  • Dehydration
    Malaki ang role ng tubig sa tamang pag-function ng ating katawan. Kaya naman, ang dehydrated na indibidwal ay makakaranas ng iba’t-ibang komplikasyon gaya na lamang ng hirap sa paghinga at digestion. Kabilang na rin sa mga posibleng maranasan ay ang pananakit ng katawan.
     

Tamang Alaga Para sa Pananakit ng Katawan

Maraming solusyon para sa pananakit ng katawan at karamihan dito ay magagawa sa bahay. Ang mga home remedy ay mabisa sa pagbawas ng sakit ng katawan. Kapag ito ay nagmula sa overuse o injury ng muscle, makabubuting gawin ang mga sumusunod sa bahay:

  • Ipahinga ang bahagi ng katawan na nakaranas ng pananakit
  • Uminom ng gamot tulad ng ibuprofen upang mabawasan ang sakit na nararamdaman.
  • Gumamit ng ice pack at ipatong ito sa bahaging nananakit.
     

Mayroon pang ibang solusyon sa pananakit ng katawan. Ang ilan sa mga ito ay makakapgbigay ng relief mula sa kondisyon na ito:

  • Pag-iwas sa high-impact activities hanggang sa mawala ang pananakit ng katawan.
  • Pagkuha ng sapat na pahinga.
  • Pagsa-ilalim sa mga stress-relieving activities upang mabawasan ang tension.
  • Pagsagawa ng mga stretching activities upang makondisyon ang muscle.

 

undefined
https://www.pexels.com/photo/photography-of-woman-in-pink-tank-top-stretching-arm-634030/

SOURCES:
https://www.healthline.com/health/body-aches#dehydration
https://www.healthline.com/health/muscle-aches#see-a-doctor