Nagigising ka ba sa umaga ng naninigas ang mga kasukasuan? Ang paninigas at pagsakit ng kasukasuan ay isang kundisyon na maaring maagapan o di kayang lubos na maiiwasan kung susunod sa payo ng mga eksperto patungkol sa holistic na gamutan para mapatibay ang joint health at flexibility.
Mayroong mga gamot na maaring makapagbigay ng panandaliang ginhawa laban dito, pero mayroon ding mga nondrug treatments na puwedeng gawin katulad ng simpleng stretching exercises sa umaga na makakatulong sa pagpapaluwag ng mga naninigas na kasukasuan.
Arthritis ang karaniwang sanhi
Ang morning stiffness o paninigas ng mga kasukasuan sa umaga ay isang karaniwang sintomas ng rheumatoid arthritis (RA), isang autoimmune disease na nakakaapekto sa connective tissue ng mga kasukasuan. Maari ding senyales ito ng iba pang kundisyong sa kasukasuan tulad ng:
- Osteoarthritis (OA), na karaniwang nangyayari kapag nasisira at tuluyan nang nawala ang cartilage na nakatakip sa dulo ng mga buto.
- Psoriatic arthritis, isang uri ng inflammatory arthritis na kadalasang nararanasan ng mga taong may psoriasis, isang sakit na nagdudulot ng pangangati at pamumula ng balat.
- Ankylosing spondylitis, isang uri ng inflammatory disease na pinupuntirya ang mga kasukasuan sa spine o gulugod.
Sa mga nakararanas ng OA, ang paninigas ng mga kasukasuan sa umaga ay kadalasang nawawala makalipas ang ilang minuto. Samantalang para naman sa mga nakararanas ng RA, ang paninigas ng mga kasukasuan ay maaaring tumagal ng isang oras o higit pa.
Ang matagalang paninigas ng kasukasuan sa umaga ay kadalasang sanhi ng pamamaga o inflammation na maari ding mapalala ng cold temperature. Sa mga nakararanas ng RA, nagkakaroon ng pamamaga sa kasukasuan dahil inaatake ng immune system ang synovium, o ang tissue na nakapalibot sa kasukasuan.
Kapag nakararanas ng mas matagal na paninigas ng kasukasuan, ibig sabihin nito ay mas aktibo ang iyong sakit at malubha na ang pamamaga.
Aling parte ng katawan ang madalas makaranas ng paninigas?
Ang paninigas ng kasukasuan sa umaga ay kadalasang naguumpisa sa small joints tulad ng kamay, daliri, pulsuhan, at daliri sa paa. Sa mga nakararanas nito, nahihirapan silang igalaw ang kanilang mga daliri o bumuo ng kamao pagkatapos gumising sa umaga. Kapag tumagal at lumala ang sintomas ng RA, maaring makaranas ng pagtigas sa large joints sa binti, balikat, at likod.
Mga pagbabago sa klima
Ang mga may arthritis ay nakararanas ng discomfort o kakulangan ng ginhawa sa kanilang mga kasukasuan buong taon, subalit maaring lumala ang kanilang nararanasang sakit tuwing nagbabago ang klima lalo na sa pagsapit ng malamig na panahon dala ng hanging amihan. Mayroong ilang pagaaral na sinubukang tingnan ang ugnayan ng cold weather at increased joint pain. Sa resulta ng kanilang pagsasaliksik, nakita nila na mas may ugnayan ang pagbabago sa atmospheric pressure at pananakit sa kasukasuan dahil umano sa pag expand o contract ng mga tissue sa katawan tuwing nagkakaroon ng pagbabago sa klima at barometric pressure.
Mga paraan para maiwasan ang paninigas ng kasukasuan
Mayroong mga gamot na makapagbibigay ng panandaliang ginhawa sa mga sintomas ng RA tulad ng morning stiffness. Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng ibuprofen o naproxen ay ilan lang sa mga karaniwang gamot na mabibili over the counter para sa namamaga at masakit na kasukasuan dahil sa arthritis. Kung kaliangan naman ng gamot na mas malakas ang dosis, mainan na kumunsulta muna sa doktor upang mabigyan ng reseta.
Mga ibang gamot na karaniwang nirereseta ng doktor:
- Biologics tulad adalimumab, etanercept, at infliximab
- Hydroxychloroquine
- Leflunomide
- Methotrexate
- Sulfasalazine, at
- Steroids, tulad ng prednisone, na kadalasang binibigay bilang mabilisang lunas sa pamamaga ng kasukasuan.
Topical medication
Bukod sa mga gamot na iniinom para gamutin ang paninigas ng kasukasuan, mayroon ding topical drugs o mga gamot na direktang pinapahid sa lugar kung saan nakararanas ng pamamaga o paninigas ng kasukasuan. Mainam na pahiran ang mga namamagang kasukasuan ng mga rubbing gels at creams na may sangkap tulad ng capsaicin na gawa sa sili, at mga menthol o camphor na nagpapalamig o nagpapainit sa balat.
Alternatibong gamot
Kung nakukulangan sa bisa ng mga resetang gamot at topical drugs, puwede ding gumamit ng ilang herbal supplements tulad ng fish oil, evening primrose, borage, o black currant oils na maaring magbigay ng ginhawa sa paninigas ng kasukasuan dulot ng arthritis.
Source:
https://www.shutterstock.com/image-photo/close-hands-elderly-people-stretching-before-769325845
Stretching and exercise
Marami nang mga pagaaral ang nagpatunay na ang mga tao na may regular exercise ay mas mababa ang tsansa na mag-develop ng arthritis at makaranas ng sintomas nito na paninigas o pamamaga ng kasukasuan.
Marahil ang pinakamainam at cost-efficient na lunas sa paninigas ng kasukasuan na malimit namang nakakalimutang gawin ng nakararami sa atin ay ang stretching and exercise. Mainam na kumunsulta sa physician o physical therapist bago gumawa ng isang stretching routine na maaring gawin araw-araw upang mapaluwag ang mga kasukasuan at mapalawak ang kanilang range of motion. Mayroon ding mga supplement na makakatulong upang ma-maximize ang mga benepisyong dulot ng stretching exercises, na isang mahalagang hakbang bago sumabak sa kahit anong upper body or leg exercises.
Matapos ang warm up exercises, mabuting sundan ito ng outdoor exercises tulad ng paglalakad, pagbibisikleta, o paglangoy sa swimming pool. Ang mga outdoor exercises na ito ay ilan lang sa madaming types of exercises na maaaring idagdag sa iyong pang araw-araw na routine upang lalong mapababa ang tsansa na magkaroon ng paninigas ng kasukasuan dahil sa arthritis.
Hot and cold treatments
Isa pang mabisang uri ng paggmot sa paninigas ng kasukasuan ay ang heat at cold therapy na magpapainam sa daloy ng dugo upang maiwasan ang pamamaga ng kasukasuan. Ilan sa mga madaling gawing hot and cold therapy sa bahay:
- Pagligo o pagbabad sa balde ng mainit na tubig.
- Dampian ng mainit o malamig na compress pack o towel ang mga naninigas na kasukasuan.
- Ibabad ang naninigas na kamay o paa sa mainit na paraffin wax bath o ice bath.
Source: https://www.webmd.com/rheumatoid-arthritis/manage-morning-stiffness