Ang balikat o shoulder ay madami at iba’t ibang klase at range of motion. Pag masakit ang balikat, ito ay nagiging sanhi ng normal na paggalaw at kadalasang nagkakaroon ng discomfort o di kaya’y nakakaramdam ng sakit.
Ang balikat o shoulder ay isang ball-and-socket joint na mayroong three main bones: ang tinatawag na humerus (long arm bone), ang clavicle (collar bone) at ang scapula (na kilala bilang shoulder blade). Ang mga butong ito ay nababalot ng layers ng cartilage. Mayroong dalawang main joints. Ang acromioclavicular joint ay iyong nasa pagitan ng pinakamataas na bahagi ng scapula at ng clavicle. Ang glenohumeral joint ay binubuo ng nasa ibabaw na ball-shaped part ng humerus bone at ng outer edge ng scapula. Ang joint na ito ay tinatawag ring shoulder joint.
Sanhi ng Shoulder Pain
Ang shoulder joint ay ang pinaka-mobile joint sa ating katawan. Ginagalaw ng joint na ito ang shoulder forward at backward. Ito rin ang dahilan kung bakit gumagalaw ang braso ng circular motion at ng pataas at palayo sa katawan.
Ang balikat ay kumukuha ng range ng motion o galaw mula sa rotator cuff. Ang rotator ay gawa sa apat na tendons. Ang tendons ay ang mga tissues na nagco-connect sa muscles sa buto. Maaring sumakit o mahirap igalaw ang braso pataas, sa ibabaw ng ulo kapag ang mga tendons o mga buto sa paligid ng rotator cuff ay damaged o namamaga.
Maari mong ma-injure ang iyong shoulder dahil sa manual labor, paglalaro ng sports o maaring dahil sa repetitive movement. May ilang diseases na maaring magdulot ng sakit na lumalatay papuntang balikat. Ang mga diseases na ito ay ang cervical spine ng leeg, pati na rin ng liver, heart, o gall bladder disease.
Makukuha rin ang pain o problems sa shoulder habang tumatanda. Karaniwang nararanasan ito ng mga may edad na 60 pataas. Ito ay dahil ang mga malalambot na tissues na bumabalot sa balikat ay nag-degenerate na caused by aging.
Iba’t-ibang Klase ng Shoulder Pain
May ilang factors at conditions na nagco-contribute sa shoulder pain. Iba-iba di ang description ng shoulder ache na nararamdaman. May achy pain, radiating pain, burning pain.
Achy pain. Ang ilang shoulder injuries ay nagdudulot ng deep achy pain, pero mahirap i-pin point kung nasaan ang sakit. Ilan sa mga shoulder pains na ito ay ang mga sumusunod.
- Rotator cuff tear
- SLAP tear
- Frozen shoulder - Ang frozen shoulder ay nararanasan kapag ang mga tendons, ligaments, at muscles ay nanigas at mahirap o hindi maigalaw.
- Glenohumeral osteoarthritis - arthritis ng shoulder joint
Radiating Pain. Minsan ang shoulder injuries ay nagdudulot ng radiating pain sa braso o sa leeg
- Ang pinaka-prevalent cause ay ang rotator cuff tendinitis, kung saan inflamed ang tendons. Isa pang karaniwang sanhi ng shoulder pain ay ang impingement syndrome kung saan ang rotator cuff ay naipit sa pagitan ng acromium (bahagi ng scapula na bumabalot sa ball) at ng humeral head (ang ball portion ng humerus).
- Iba pang cause ng shoulder pain ay ibang forms ng arthritis, torn cartilage, o ng torn rotator cuff. Ang pamamaga o swelling ng bursa sacs (na pumoprotekta sa balikat) o tendons ay maaari ring magdulot ng pain. May mga taong nagde-develop ng bone spurs, ito ang bony projections na nade-develop sa edges ng mga bones.
- Minsan ang shoulder pain ay resulta ng injury na makikita sa ibang bahagi ng katawan tulad ng leeg o bicep. Ito ay tinatawag na referred pain. Referred pain generally doesn’t get worse when you move your shoulder.
Ang maaring sanhi ng referred shoulder pain ay:
- Abdominal problems tulad ng gallstones o pancreatitis.
- Pelvic problems, tulad ng ruptured ovarian cyst.
- Heart or blood vessel problems, ang pain ay kadalasang nararamdaman sa kaliwang braso o balikat, tulad ng heart attack o inflammation sa paligid ng puso (pericarditis).
- Lung problem, tulad ng pneumonia, ang pain ay mararamdaman sa shoulder, shoulder blade area, upper chest, upper arm, leeg, at kili-kili. Ang sakit ay kadalasang nararamdaman sa balikat kung nasan yung lung problem.
- Other conditions, tulad ng herpes zoster (shingles), Paget's disease, o thoracic outlet syndrome.
- Other problems, tulad ng gas from laparoscopic abdominal surgery o air entering the vagina under pressure from some gynecological procedures.
Maari ring maging dahilan ng shoulder pain ang nerve pinching o breaking or pagkabali ng buto sa shoulders.
Burning Pain. Minsan ang shoulder injuries ay nagdudulot ng burning pain
- Subacromial bursitis—kapag ang bursa, ang fluid-filled sac sa shoulder ay inflamed o irritated
Gamot sa Shoulder Pain o Shoulder Pain Remedy
Maaaring i-treat ang shoulder pain sa bahay. Kalimitan, kailangan din ang physical therapy, medications at surgery.
May mga simple shoulder exercises na makakatulong sa pag-stretch at pagpapalakas ng muscles at rotator cuff tendons. Maipapakita ng physical therapist o ng occupational therapist kung paano ito gawin ng tama.
Kung nagkaroon na ng problema ang balikat, gumamit ng yelo o ice ng mga 15 minutes pagkatapos i-exercise para maiwasan ang future injuries.
Pagkatapos ng sunod sunod na bursitis o tendinitis, ang pagsasagawa ng simpleng range-of-motion exercises sa balikat araw-araw ay makatutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng frozen shoulder.
May mga over-the-counter medication tulad ng ibuprofen o mefenamic acid. na abot kaya ang halaga at garantisadong mabisang pampawi ng shoulder pain.
May lunas na naayon sa anumang uri ng sakit or shoulder pain. Importanteng bigyan ng atensiyon ang uri at lala ng sakit na nararamdaman upang ma-diagnose ng tama ng doktor at mabigyan ng karampatang kunas ang sakit.
References:
https://www.healthline.com/symptom/shoulder-pain
https://www.sports-health.com/blog/understanding-different-types-shoulder-pain