Naghahanap ka ba ng remedy or medicine for body pain? Kung nakakaramdam ka ng sakit sa iba’t ibang parts of the body, alamin muna kung anong klaseng pain ang iyong nararamdaman at kung ano ang mga posibleng sanhi nito.
Mga Uri ng Body Pain
1. Muscle Fever
May iba’t ibang uri ng body pain, at ang pinaka-karaniwang uri nito ay ang muscle fever o ang tinatawag na DOMS (delayed-onset muscle soreness). Ito ay mild pain, kumpara sa ibang klase ng body pain. “Delayed” dahil hindi agad nararamdaman ang sintomas nito. Maaaring sanhi lang ito ng nasobrahang exercise, kung saan nabanat ang mga muscles na hindi madalas gamitin. Kung nagbuhat ka ng mabigat na bagay nang matagal, tulad ng weights sa gym o baldeng puno ng tubig, pwedeng makaramdam ng muscle fever pagkatapos ng ilang oras o pagkalipas ng isang araw.
Maaari rin itong resulta ng stress at over-fatigue o sobrang pagkapagod sa trabaho o physical activity. Minsan sa sobrang busy natin, napapansin na lang ang pain kapag tumigil sa activity o kapag nakauwi na sa bahay. Ang pagiging hindi active ay nagiging sanhi din ng body pain. Ang matagal na paghiga sa kama o pag-upo sa harap ng computer, halimbawa, ay pwedeng magdulot ng sakit sa likod, sa leeg, at sa braso.
Ang lunas sa muscle fever ay ang pagpapahinga ng ilang araw at konting stretching ng mga apektadong muscles.
2. Acute Pain
Ang acute pain ay ang pagkaramdam ng matinding sakit sa isang parte ng katawan. Biglaan ang pagtama ng acute pain at kadalasan ay hindi ito pangmatagalan. Sanhi nito ang damage o injury sa tissues ng buto, muscles, at pati sa internal o external organs.
Kapag may acute pain sa muscles, hindi ito dapat binabanat o sine-stretch dahil baka lalong mapinsala ito. At dahil biglaan, madalas may kasama itong nerbyos at takot. Ang acute pain ay maaaring mawala agad pagkatapos gamutin, ngunit pwede rin itong sintomas ng mas seryosong sakit. Kapag matindi na o ibang level na ang sakit sa kung saan mang bahagi ng katawan, dapat bumisita na sa doktor.
Image by Pixabay
3. Chronic Pain
Ang chronic pain ay ang pabalik-balik na pain sa katawan na parang hindi nawawala. Ito ang pain na lumalaban sa gamot o treatment. Mga halimbawa nito ay ang osteoarthritis, na nakakaapekto sa mga kasukasuan at nakukuha sa pag-edad ng katawan, obesity, o injury sa isa o ilang bahagi ng katawan.
Ang fibromyalgia ay isa pang tipo ng chronic pain na tumatama sa muscles at soft tissues, at nakakaapekto sa tulog at buong well-being ng tao. Ang isang tao ay pwedeng magkaroon ng chronic pain nang dahil sa damaged tissues o sa nerve damage. Dahil matagal ito bago gumaling, nagiging sanhi din ito ng depression at anxiety sa mga may sakit.
Mga Sintomas na Maaaring Kasama ng Body Aches
- Pain – Ang unang senyales na may problema sa katawan ay ang sakit na nararamdaman sa apektadong bahagi.
- Panghihina – Ito ang pagkawala ng lakas para makatayo, maglakad, o gumalaw.
- Pagod – Mabilis mapagod ang mga muscles ng katawan.
- Panginginig at pag-taas-baba ng temperatura – Kapag sobrang pagod o bugbog ang muscles, nag-iiba ang temperature ng katawan.
- Nilalagnat – Dahil nilalabanan ng katawan ang sanhi ng pain, lagnat ang natural na reaksyon nito.
Home Remedies para sa Body Pain
Ang mga iba’t ibang sakit sa katawan ay maaaring mabigyang-ginhawa sa pamamagitan ng mga body pain remedy na ito:
- Pahinga – Huwag galawin o gamitin ang bahagi ng katawan na masakit.
- Uminom ng maraming tubig o fluids – Nakakatulong ang pagiging hydrated sa pagbibigay ginhawa sa pain.
- Uminom ng pain reliever – Ang over-the-counter body pain medicine na dapat inumin ay ang ibuprofen at paracetamol na parehong mahahanap sa RM Paramax, isang non-steroidal anti-inflammatory drug. Ang gamot na ito ay iniinom para sa ikagiginhawa ng katawan laban sa muscle pain, arthritis, rheumatism, sprain, bursitis, tendinitis, back ache, at stiff neck. Bukod sa pagbababa ng lagnat, ginagamit din ito para sa pagtanggal ng tension headache, dysmenorrhea, toothache, at pain na dulot ng mga minor surgical operations. Para naman sa minor aches and pains katulad ng headache, back ache, menstrual cramps, muscular aches, toothache, at muscle fever na dulot ng flu, uminom ng paracetamol tablets every 4 to 6 hours, o as needed.
- Cold treatment – Ang paglalagay ng ice pack sa apektadong muscles ay nakakabawas ng inflammation o pamamaga. Huwag ilagay ang ice na diretso sa balat nang walang balot. Ang cold treatment ay dapat gawin sa unang 48 hours lang mula noong naramdaman ang sakit.
- Heat treatment – Ito ay para naman sa chronic pain. Mag-apply ng hot water bottle sa apektadong area o maligo sa maligamgam na tubig. Ang init ay tumutulong sa maayos na pag-ikot ng dugo at sa pag-relax ng muscles.
- Alternating cold and heat treatment – Mainam ito para sa osteoarthritis.
- RICE Method – Ang home remedy na ito ay para lang sa pain na galing sa minor injuries, katulad ng sprain sa kamay o ankle. Ang ibig sabihin ng RICE ay:
- Rest (pahinga)
- Ice (pag-apply ng yelo)
- Compression (pagbalot ng injury sa medical bandage)
- Elevation (pag-angat ng apektadong area sa level na mas mataas sa puso)
- Huminga nang malalim – Ang stress at nerbyos ay nagpapatigas sa mga muscles ng leeg na nagiging sanhi ng sakit ng ulo. Ang paghinga ng malalim ay tutulong sa pag-relax ng mga muscles at sa pagbawas sa sakit ng ulo at katawan.
Kapag ang pain ay nag-increase o hindi nawala pagtapos i-apply ang remedies na ito, bumisita na kaagad sa doktor.
Paano Maiiwasan ang Muscle Pain?
Image by Unsplash
- Mag-stretch ng muscles bago gumawa ng kahit anong sports, workout, o physical activity.
- Huwag kalimutan mag warm-up at cool-down sa iyong mga exercise o dance sessions.
- Magbaon at uminom ng maraming tubig sa tuwing magwo-workout o maglalaro ng sports.
- Iwanan ang desk o workstation once every hour at maglakad-lakad para umikot ang dugo at magamit ang muscles.
- Kumain ng masusustansyang pagkain at mag-take ng vitamins gaya ng Vitamin B-Complex para makaiwas sa pangangalay at pamamanhid..
Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor?
Makinig tayo sa ating katawan. Ang pain ay senyales na may gustong sabihin ang katawan natin sa atin. Maaaring sintomas lang ito ng ibang sakit. Huwag maghintay at dumiretso sa doktor kapag nararamdaman mo na ang mga sumusunod:
- Tuloy-tuloy na sakit na hindi gumiginhawa kahit nakapag-apply na ng home remedies
- Matinding sakit na bigla-biglang umaatake
- Kapag ang sakit ng katawan ay may kasamang mga pantal
- Pamumula o pamamaga sa area ng pain
- Sakit ng katawan na mula sa gamot
- Lagnat na tumatagal ng ilang araw
Sources:
https://www.webmd.com/fitness-exercise/features/art-sore-muscles-joint-pain#1
https://www.healthline.com/health/muscle-aches#home-treatments
https://www.livestrong.com/article/1011566-overview-fibromyalgia/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/319985.php
https://www.prevention.com/health/a20478935/pain-relief-natural-remedies-to-manage-aches-and-pain/
https://www.webmd.com/first-aid/rice-method-injuries#1
https://www.webmd.com/pain-management/guide/pain-types-and-classifications#1