8 Health Conditions na Senyales ay Body Pain

May 22, 2018

Ang body pain o sakit ng katawan ay isa sa mga pinakakaraniwang discomfort na maaari nating maranasan. Mula sa simpleng pagod hanggang sa internal complications gaya ng lupus, importanteng matukoy muna kung anong kundisyon ang nagdala ng body pain bago umaksyon. Hindi lahat ng pananakit sa katawan ay dahil lang sa pagod o 'di kaya naman ay muscle strain.

Kadalasan, kapag masakit ang katawan, hindi natin ito masyado iniinda hanggang hindi ito nakakaapekto sa mga dapat nating gawin. Mas mahirap lunasan ang isang sakit kung malala na ito. Kaya naman kung nakakaramdam ka ng body pain, maraming posibleng health conditions ang kailangang i-consider para malaman ang nagsanhi nito. Talakayin natin ang 8 health conditions na posibleng causes of muscle pain para matukoy kung anong mga paraan ang pwedeng gawin para malabanan ang mga ito.

 

  1. Flu

            Isa ang trangkaso sa unang maiisip na sanhi ng body o muscle pain. Kadalasang   nararamdaman ang matinding sakit at sobrang pagkapagod sa muscles at joints. Minsan, napagkakamalang sipon lang ang sakit. Pero kung ang lagnat ay may kasama nang body pain, mukhang flu na nga ang tumama sa iyo. Mainam din na uminom ng paracetamol kung ilang araw nang nakakaramdam nito. Mas mabuti pa rin na magpatingin muna sa doktor bago mag-self-medication.

  1. Pagod

           Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabi nating dahil sa sakit ang nararamdamang body pain. Kung minsan ay dala lang ito ng pagod, lalo na kung ang trabaho mo ay nangangailangan ng manual labor. Posibleng magkaroon ng muscle pain kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay, matagal na nakatayo, nakaupo, o naglalakad, at sobrang pag-eehersisyo. Sa ganitong situations, maaaring idaan lang sa pahinga ang sakit ng katawan. Pwede ring uminom ng pain reliever tulad ng mefenamic acid at ibuprofen.

  1. Stress

            Kasama rin ang stress o matinding pressure sa possible causes ng sakit ng katawan. Ilan sa mga physical effects nito ang shoulder pain (kadalasan dahil sa tense muscles sa mga balikat), lower back pain, at hip pain. Isa sa mga paraan sa pag-relieve ng    stress ay ang pagre-relax.

 

  1. Kakulangan sa Tulog

undefined

Photo from Unsplash

 

            Kagaya ng pagod, kapag kulang ka sa tulog, posibleng makaranas ka ng muscle pain. Sa pagtulog nagre-repair ng broken cells tissues ang katawan, at kung hindi kumpleto ang pahinga, hindi nabubuo ang process ng pag-aayos at pagre-restore ng mga kailangan ng katawan para makapag-function ng maayos. Ganun din, ang kakulangan sa energy na dala ng kakulangan sa tulog ay isa pang maaaring magsanhi ng body pain. Siguraduhing mayroon kang 6 to 8 hours of sleep sa isang araw para makaiwas sa ganitong sakit.

  1. Anemia

            Ang anemia ay nangyayari kapag kinulang ang katawan sa healthy red blood cells. Tinatawag din ang kundisyon na ito na "low blood". Dahil sa hindi kumpletong supply nito, nahihirapan ang katawan na mag-produce ng oxygen sa mga tissue at organ, nagsasanhi ng hindi maayos na pag-function ng muscles. Kadalasan, ang taong   anemic ay nakakaranas ng pagkapagod at body pain. Maraming posibleng sanhi ang anemia. Kasama na rito ang deficiency sa folate, iron, at Vitamin B12. Kumonsulta sa iyong doktor kung paano ninyo mapupunan ang recommended daily intake ng mga nasabing vitamins para makaiwas sa sakit ng katawan at iba pang complications.

  1. Fibromyalgia

            Ang fibromyalgia ay isang condition kung saan nakakaranas ng matinding pagod, sensitivity, at body pain ang isang tao. Kadalasan, dala ito ng stressful events katulad ng surgery, physical trauma tulad ng aksidente, at maging infections. Ang body o muscle pain na dala nito ay kadalasang constant at dull na tumatagal ng humigit-kumulang tatlong buwan. Ang sakit ng katawan ay mararamdaman sa parehong sides ng katawan na bumababa mula upper back pain, middle back pain, at sakit ng katawan   below the waist. Kung mild condition pa ito, makukuha pa ang muscle pain relief mula sa pain relievers. Para makasigurado na ito ang sanhi ng sakit ng katawan, kumonsulta sa doktor lalo na kung ilang buwan nang ganito ang pakiramdam.

  1. Arthritis

undefined

Photo from Pixabay

            Ang arthritis o rayuma ay isa rin sa mga pinaka-common na nagsasanhi ng sakit ng katawan, lalo na sa wrist, tuhod, at balakang. Nangyayari ito kapag may inflammation o infection sa mga kasukasuan o joints. Dahil dito, nalilimitahan ka sa pagkilos at paggalaw. Nakakaapekto ito sa pang-araw araw na buhay. Dahil din sa   stiffness ng mga joints, hindi lubusang naigagalaw ang parte ng katawan na mayroong arthritis. Para guminhawa mula rito, magpatingin sa doktor para ma-check kung anong klaseng arthritis ang mayroon ka. Maaari kang resetahan ng mga anti-inflammatory na gamot gaya ng mefenamic acid. Makakabuti rin ang pag-iwas sa     mga pagkain na nakaka-trigger ng rayuma tulad ng mani at maaalat na lutuin.

  1. Lupus

            Ang huling pag-uusapan natin na health condition ay lupus, kung saan nilalaban ng immune system ang tissues sa loob ng katawan, kasama na ang blood vessels, organs, at kasukasuan. Dahil dito, nakakaranas ng body pain, pagkapagod, at pamamaga ng joints. Ito ay isang seryosong kalagayan na nangangailangan ng medical intervention ng doktor lalo na kung nagsasanhi na ito ng seizures.            Matutukoy kung ito ang kalagayan kung may hugis-butterfly na rashes sa mukha na sinasamahan ng lagnat, sakit ng dibdib, at sensitivity sa liwanag. Ilan sa mga nirereseta sa mga lupus patients ang nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) gaya ng naproxen sodium. Pinapaalala na magpa-check up at sumailalim sa mga blood tests para makasigurado lalo na kung mayroon ka ng mga sintomas nito.

Sa kahit anong discomfort na nararamdaman sa katawan, mas makakampante ka at ang iyong mga mahal sa buhay kung hindi mo isasantabi ang mga sintomas na nararanasan. Kahit common ang pagkakaroon ng muscle pain o body pain, mas mainam pa rin na maging alerto at magpatingin sa doktor. Huwag nang hintayin na tumagal o lumala pa ang pakiramdam bago humingi ng expert opinion. Siguraduhin din na kung bibili ng over-the-counter medicines at magho-home remedies na safe at dekalidad ang mga iinumin.

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/body-aches

https://www.webmd.com/cold-and-flu/adult-flu-symptoms

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/muscle-pain

https://www.webmd.com/balance/stress-management/stress-symptoms-effects_of-stress-on-the-body#2

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fibromyalgia/symptoms-causes/syc-20354780