3 Tips to Avoid Body Aches and Fatigue

October 29, 2018

Isa ang body pain sa mga pinakakaraniwang sakit na nararanasan ng mga tao. Ilan sa mga uri nito ang aching muscles and joints at body stiffness o paninigas ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Lingid sa kaalaman ng marami, hindi lamang sa physical activities ang causes of pain sa kalamnan at kasukasuan. May mga kaso rin naman na kakulangan sa ilang nutrients ang sanhi ng kondisyon na ito. Sa kabilang banda, ang hindi pagbibigay-halaga sa pahinga ay isa rin sa mga nakikitang ugat ng pananakit na ito.

 

Ilan sa causes of pain sa katawan ang:

 

  • Muscle tension o sobrang pagkapwersa ng kalamnan;
  • Biglaang pagbanat sa kalamnan nang walang warm-up;
  • Sobrang paggamit ng muscles nang walang pahinga;
  • Injury; o
  • Pinsala sa muscle dahil sa labis na tension.

 

Kasama naman sa mga sintomas ng body pain ang pananakit ng likod, binti, hita, dibdib, balikat, o leeg. Bukod sa mga ito, may mga kalamnan din sa iba’t ibang bahagi ng katawan na maaaring maapektuhan ng pananakit lalo na kung napasailalim sa labis na tension.

 

Maaaring iwasan ang body pain. May ilang paraan para mabawasan ang frequency ng pagdanas nito o kaya naman ay gawing mas tolerable ang mga sintomas. Narito ang ilang lifestyle changes na maaaring isagawa laban sa pananakit ng katawan.

 

  1. Tamang Nutrisyon

 

Importante ang pagkakaroon ng healthy diet sa pagiging malaya ng katawan sa aching muscles and joints. Sa katunayan, ang kakulangan sa ilang nutrients at minerals ang isang sanhi kaya madaling mapagod at hirap mag-regenerate ang tissues sa kalamnan matapos ang isang activity. Siguraduhing parte ng inyong diet ang mga pagkaing ito para matugunan pangangailangan ng katawan sa pagpapanatili ng malulusog na muscles:

 

  • Ginger – Mayroong anti-inflammatory properties ang luya na nakakatulong para maibsan ang sakit sa joints gaya ng arthritis. Mainam din ito para sa muscle pain at cramps na dala ng menstruation.

 

  • Blueberries – Ang mga prutas na ito ay mayaman sa antioxidants na lumalaban din sa pamamaga at pananakit ng katawan.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

  • Nuts at seeds – Ang pumpkin seeds at nuts ay may natural na Vitamin E. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay nagdudulot ng muscle damage na nagreresulta naman sa madaling pagkapagod o kawalan ng kontrol.

 

  • Whole grains – Ilan sa mga halimbawa nito ang oats, brown rice, at mais. Sa pagkonsumo ng mga ito, makakakuha ang katawan ng Vitamin B1 o thiamin na nag-iingat sa nerves mula sa damage, na nagsasanhi naman ng body aches and fatigue.

 

  • Soybeans – Ang mga pagkaing hango sa soya gaya ng tofu, taho, toyo, at tokwa ay mataas sa magnesium content na nakakatulong para maging resistant ang muscles mula sa panlalambot at pananakit.

 

Bukod sa mga ito, inirerekomenda rin na taasan ang intake ng mga pagkaing sagana sa protein gaya ng eggs, chicken breast, at dairy products para tumaas ang muscle endurance. Maiiwasan nito ang wear and tear ng mga buto at ang maagang pagkasira ng tissues na nagdudugtong sa mga ito. Pinoprotektahan din nito ang muscoskeletal system ng katawan.

 

  1. Tamang Ehersisyo

 

Susi rin sa pag-iwas sa body stiffness ang pagkakaroon ng active lifestyle sa pamamagitan ng regular exercise. Ang labis o kulang na panahon sa pag-eehersisyo ay parehong dahilan ng pagkakaroon ng body pain – muscle strain at tension kung sobra sa physical activities at muscle weakness naman kapag halos sedentary ang lifestyle. Subukan ang mga ito para maiwasan ang causes of pain sa kalamnan at kasukasuan:

 

  • Stretching – Ang pagbabanat ng katawan bago pa man gumawa ng kahit anong activity ay may malaking epekto sa pag-iwas ng body aches and fatigue. Nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan – ito naman ay nagsasanhi ng pag-produce ng katawan ng natural pain killers na tinatawag na endorphin at enkephalin.

 

  • Walking – Bagama’t normal na gawain ang paglalakad araw-araw, inirerekomendang magkaroon ng regular na oras ng walking o jogging. Malaki ang nai-improve ng paglalakad sa overall metabolism ng katawan. Dahil din nababanat ang mga muscles hindi lang sa mga binti, naiiwasan ang body stiffness.

 

  • Exercise – Ang low-impact exercises ay mainam din para mabawasan ang mga sintomas ng body pain. Ilan sa mga ito ang pamimisikleta, swimming, aerobics, at maging ang paggawa ng mga gawaing-bahay.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

  1. Tamang Pahinga – Dahil sa labis na dami ng activities sa loob ng isang araw, hindi maiiwasan na patuloy pa rin ang pagkilos sa kabila ng pagkapagod. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit madalas nakakaranas ng body aches and fatigue. Importante ang pahinga para mabigyang-oras ang muscle tissues na makapag-regenerate para makapag-function muli nang maayos para sa mga susunod pang activities. Pwede ring lagyan ng  warm compress ang bahagi ng katawan na ginamit nang matagal habang nagpapahinga.

 

Sakaling may body stiffness

 

Kung sa kabila ng mga tips na ito ay nagkaroon pa rin ng aching muscles and joints, maaaring uminom ng paracetamol o kaya ay ibuprofen – parehong matatagpuan sa Paramax. Mainam ito sa muscle pain o myalgia, rayuma, sakit ng likod, at maging stiff neck. Para makasigurado, kumonsulta muna sa doktor kung angkop ito sa inyong health condition.

 

Maging mapanuri at pansining mabuti kung napapabuti ba ng gamot at tamang lifestyle ang pananakit ng katawan. Maaaring sintomas pala ito ng trangkaso, lupus, o fibromyalgia. Baka rin isa itong side effect ng mga iniinom na gamot gaya ng maintenance medicine. Siguraduhing magpatingin sa inyong doktor para matukoy kung anong solusyon ang dapat para sa inyong sitwasyon.

 

Bagama’t madalas maranasan ang iba’t ibang causes of pain sa kalamnan at kasukasuan, hindi ito dapat ipasawalang-bahala. Sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, ehersisyo, at pahinga, maaaring maiwasan ang paglala ng mga sintomas nito. Walang pinipiling edad ang kondisyon na ito kaya ipinapayo na maging maagap sa pagtukoy ng sanhi nito para hindi mauwi sa chronic pain gaya ng arthritis. Bantayan ang anumang pananakit, pamamaga, at paninigas ng muscles at joints lalo na kung pabalik-balik ang mga ito.

 

Sources:

 

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/muscle-pain

https://www.healthline.com/health/muscle-aches#causes

https://www.webmd.com/pain-management/ss/slideshow-foods-fight-pain

https://www.livestrong.com/article/477960-what-vitamin-is-good-for-muscle-pains/

https://www.practo.com/healthfeed/10-tips-to-avoid-body-pain-naturally-8613/post