Ang ating bansa ay lapitin ng iba’t-ibang sakuna kaya naman ang nagiging resulta nito ay ang mga trahedya sa bawat Pilipino – may mga nawawalan ng mahal sa buhay, nagkakaroon ng sakit, o kaya naman nangangailangan ng tulong ng ibang tao gaya na lamang ng kakulangan sa dugo.
Marami ang mga haka-haka patungkol sa pagdo-donate ng dugo kaya naman karamihan ay nagdadalawang isip din kung magbibigay ba sila ng dugo lalo na kung hindi sapat ang kanilang impormasyon tungkol sa mga blood donation rules.
Narito ang mga myths and blood donation facts na makatutulong sa iyo:
- Myth # 1. Ang HIV at iba pang impeksyon ay posibleng makuha kapag ikaw ay nagdonate ng iyong dugo
Fact # 1. Mayroong tamang proseso sa pagdodonate ng dugo sa bawat donor at espisipikong requirements na kailangang magtugma sa donor bago payagang makapagdonate ng dugo. Ang sterile o paglilinis ay regular ding ginagawa bago isalin ang dugo sa nangangailangan.
Sa bawat donor, panibagong needle o karayom ang ginagamit at tinatapon agad ito pagkatapos magdonate ng dugo. Ginagawa ito parati upang maiwasan ang pagkontamina at pagkahawa ng ilang impeksyon gaya ng HIV.
- Myth # 2. Ang pagiging vegetarian (klase ng tao na hindi kumakain ng karne) ay ibig sabihing hindi pwedeng magdonate ng dugo sapagkat hindi sapat ang kanilang iron na kinakailangan para makapagdonate.
Fact #2. Pwedeng magdonate ng dugo ang mga vegetarian. Ang mga iron na kinakailangan ay kinukuha sa ating mga body stores at sa oras na mai-maintain ang iyong balanced diet, mapapalitan naman ang mga nawalang dugo pagkatapos ng isang buwan mahigit.
- Myth # 3. Masakit ang pagbibigay ng dugo at baka hindi kayanin ng katawan
Fact # 3. Ang lebel ng sakit sa pagbibigay ng dugo ay kahalintulad lamang sa sinasabi nga ng karamihan na “kagat lamang ng langgam” na sa oras na tapos na ang pagbibigay mo ng dugo, hindi na muli ito kasing sakit ng pagtusok nito sa iyong ugat.
Ang pagkakaroon naman ng mga pasa o parang pantal ay isang mabuting senyales na nagre-recover na ang iyong pagdaloy ng dugo upang maibalik sa normal at mapalitan ang mga nawala
- Myth # 4. Ang pagbibigay ng dugo ay time-consuming o nakauubos ng oras at maaaring tumagal sa inaasahang oras.
Fact # 4. Ang pagdodonate ng dugo ay hindi tumatagal ng isang oras. Mabuti ring pumunta sa oras na naka-iskedyul upang hindi mapatagal ang paghihintay kung saan ka man magdodonate ng dugo.
- Myth # 5. Limitado lamang ang mga dugong pwedeng I-donate at hindi angkop sa ating kalusugan na ubusin o lumagpas dito.
Fact # 5. Umaabot lamang sa 350 ml hanggang 450 ml ang dugong kinukuha sa sa tuwing donation session. Mayroong sapat na dugo sa ating katawan o sobra na pwedeng kunin nang hindi ka magkakaroon ng mga side effects na maaaring ikabahala mo sa iyong kalusugan. Ang ating katawan gaya ng nasabi kanina, ay gumagawa ng panibagong pamalit ng mga nawalang dugo.
- Myth # 6. Ang edad ay malaking factor sa pagdonate ng dugo
Fact # 6. Kahit na sino basta’t hindi hihigit sa 60 taong gulang basta’t malusog ang pangangatawan at walang iniindang sakit.
- Myth # 7. Ang mga mabibigat at malalaking tao lamang ang pwedeng magbigay ng sapat na dugo para makapagdonate
Fact # 7. Ang pagiging overweight, obese, o sobra sa timbang ay mas mataas ang tiyansang hindi healthy ang pangangatawan. Hindi ibig sabihin na malaki ang iyong pangangatawan ay pwede ka na magdonate. Kinakailangan mo pa ring sumailalim sa screening upang malaman mo kung ikaw ba ay pwede na magdonate ng dugo.
- Myth # 8. Mas tumataas lamang ang tiyansa mong maging sakitin pagkatapos mong magdonate ng dugo
Fact # 8. Kung ikaw ay talagang malusog ang pangangatawan bago pa man din magdonate ng dugo, ang iyong recovery o pagbawi ng iyong katawan ay tatagal lamang sa isa hanggang dalawang araw bago gumaan ang iyong pakiramdam.
Kailangang magpahinga pagkatapos magdonate ng dugo. Ang pag-inom din ng sapat na tubig ay makatutulong para mapabilis ang iyong recovery at pagpalit ng iyong sistema ng nawalang dugo.
- Myth # 9. Hindi ka na muli pwedeng sumali sa mga isports o pisikal na aktibidad pagkatapos mong magdonate ng dugo sapagkat hindi ito kakayanin ng iyong katawan.
Fact # 9. Ang pagbibigay ng dugo ay hindi nakaaapekto ng iyong performance sa mga physical activities mo. Ngunit pagkatapos ng iyong blood donation, inaabisuhan ang mga donors na magpahinga at huwag muna magbuhat ng mga mabibigat na bagay sa loob ng isa o dalawang araw pagkatapos ng pagkuha ng iyong dugo. Pagkatapos nito, maaari ka na muling magpatuloy ng iyong mga pang-araw-araw na aktibidad.
- Myth # 10. Hindi ka pwedeng magdonate ng dugo kapag mayroon kang kasalukuyang iniinom na gamot.
Fact #10. Ang pagdonate ng dugo sa katergoryang mga taong may kasalukuyang iniinom na gamot ay nakadepende pa rin sa kanilang iniinom na gamot. Kung ganito ang iyong sitwasyon, importante pa ring sabihin mo kung umiinom ka ng gamot o may gamot kang kinokonsumo bago magdonate.
- Myth # 11. Nakaaapekto ang race o lahi na iyong pinagmulan kung gusto mong magdonate ng dugo
Fact # 11. Hindi nakaaapekto kung ano man ang lahi mo. Ang importante lamang sa pagdonate ng dugo ay alam mo ang iyong blood type o magka-match kayo ng sasalinan upang kanyang makuha ang donation.
- Myth # 12. Ang blood donation ay nakapagsasabi na mayroong HIV o impeksyon ang isang tao
Fact # 12. Hindi nadedetermina kung mayroong HIV ang isang tao base lamang sa blood donation, kinakailangan ding sumailalim sa ibang HIV test bago malaman kung ang isang tao ay positibo rito.
Sa mga nabanggit na haka-haka kasama ng mga totoong impormasyon na konektado rito, mas magiging epektibo lamang ito kung iyong tatandaan at isha-share sa mga kamag-anak, kaibigan, o mga kakilala na mayroong balak na magdonate ng dugo.
References:
http://www.bloodconnect.org/myths
https://www.health24.com/Lifestyle/Your-Blood/10-myths-about-blood-donation-debunked-20180612
https://www.indiatoday.in/education-today/gk-current-affairs/story/13-myths-blood-donor-day-5-facts-1260090-2018-06-14