Photo from Independent
Para kay Richard J. Gordon, Chairman at CEO ng Philippine Red Cross (PRC), bayani ang mga taong nagdodonate ng dugo. Tuwing Hunyo, ipinagdidiriwang sa buong mundo ang World Blood Donor Day. Noong nakaraang taon, ang Philippine Red Cross ay nakapangolekta ng 406,000 blood units at naibigay ito sa 222,953 na pasyente. Araw-araw, kailangan ng PRC ng 2,500 hanggang 3,000 na blood units para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Blood Type 101
Hindi lahat ng type ng dugo ay maaaring isalin sa isang tao. Nakadepende ito sa blood type nito at sa blood type ng dugong isasalin. Mahalagang malaman kung ano ang iyong blood type at kung ano ang pwede sa’yo kung sakaling kailanganin ng transfusion.
Mayroong apat ng klase ng dugo ayon sa ABO blood group system. Ito ay ang Type A, B, AB at O. Ang pagkakaiba iba ng blood type ay dahil kombinasyon antigens at antibodies na nasa dugo. Ito rin ang dahlan kung bakit may blood compatibility.
Narito ang chart na nagpapakita ng blood compatibility.
Photo from Blood Banker
Ang mga taong may blood type A ay may A antigen at may plasma sa dugo na lumalaban sa blood type B. Ibig sabihin, ang mga blood type A ay pwedeng tumanggap ng dugo na type O at A ngunit ang B and AB ay hindi pwede.
Para naman sa mga taong may blood type B, maaari silang salinan ng dugong type O and B, ngunit hindi A and AB. Ito ay dahil ang tipo ng dugong ito ay may B antigen at antibodies para sa dugong type A.
Ang blood type AB ay may A at B antigens at walang antibodies. Ang mga taong may ganitong klase ng blood type ay maaaring salinan ng blood types A, B, AB at O kung kaya't sila ang universal recipient.
Ang mga taong may blood type O ay walang antigen at may antibodies para sa blood type A and B. Dahil dito, hindi sila maaaring tumanggap ng blood types A, B and AB. Maaari lamang silang tumanggap ng dugo na blood type O ngunit pwede silang magdonate sa lahat ng blood types. Sila ang tinaguriang universal donor. Tinatayang nasa 44 hanggang 46% ng Pilipino ay type O.
Mga Dapat Malaman Bago Magdonate ng Dugo
Photo from Mirror UK
- Nasa 350 hanggang 500 ml na dugo ang kinukuha sa isang session ng blood donation.
- Mapapalitan ang nawalang dugo sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.
- Ang blood donation ay isinasagawa sa loob ng 25 minuto.
- Ang isang taong healthy ay maaaring magdonate ng dugo every three months.
- Ang bawat unit ng dugong nakolekto ay ineexamine bago isalin sa pasyente para malaman kung ito ba ay positibo sa HIV, Malaria, Syphillis, Hepatitis B at C.
- Maaaring magdonate ng dugo kung:
- Nasa mabuting kalusugan
- Nasa edad 16 hanggang 65 taong gulang.
- May timbang na hindi bababa ng 110 pounds.
- Ang blood pressure ay nasa pagitan ng Systolic: 90-160 mmHg, Diastolic: 60-100 mmHg.
- Pasado sa physical and health history assessments.
Mga Dapat Gawin Bago at Pagkatapos Magdonate ng Dugo
Bago magdonate ng dugo, tandaan ang mga sumusunod:
- Matulog at magpahinga ng maayos.
- Huwag uminom ng alak 24 oras bago ang blood donation.
- Walang gamot na ininom sa loobg ng 24 oras.
- Kumain ng maayos bago magdonate. Iwasan ang matataba at mamantikang pagkain.
- Uminom ng madaming tubig bago at pagkatapos ng donation.
Pagkatapos naman magdonate ng dugo, mahalagang gawin ang mga sumusunod:
- Magpahinga ng sampung minuto.
- Uminom ng tubig.
- Lagyan ng pressure ang bahagi kung saan tinurukan para maiwasan ang pagdurugo. Iwasan muna ang pagbubuhay ng mabibigat na bagay. Kung magkaroon ng pasa, lagyan ng cold compress ang apektadong parte.
- Iwasan ang mabibigat ng gawain at pagddrive ng malalaking sasakyan gaya ng bus at truck.
- Kung nahihilo, humiga at itaas ng bahagya ang paa.
Mga Benepisyo ng Pagdodonate ng Dugo
Madaming benepisyong dulot ang pagdodonate ng dugo. Narito ang iilan.
- Na-sstimulate ang bone marrow na gumawa ng mga bagong cells na makakatulong sa function ng mga organs na gumagawa ng dugo.
- Ang regular na pagdodonate ng dugo lalo na para sa kalalakihan ay nakakatulong sa pagpapababa ng iron sa dugo at pagpapababa ng tsansa ng heart attack ng 80%.
- Ang pagdodonate ng dugo ay nakakatulong sa pagburn ng 650 calories sa katawan.
- Ang mga blood donor ay binibigyan ng blood donor card na maaari nilang gamiting tuwing kailangan nila ng dugo. Sila ay priority kung sakaling kailanganin nila ng blood transfusion.
- Ang sinumang gustong magdonate ng dugo ay maaaring magtungo sa mga Philippine Red Cross facilities.
Sources:
- http://bloodbanker.com/plasma/guide-to-explaining-blood-compatibility-in-blood-transfusion/
- http://www.rappler.com/move-ph/96342-blood-donors-philippine-red-cross
- http://www.philstar.com/health-and-family/2016/07/26/1606512/blood-donation-gift-life
- http://www.redcross.org.ph/get-involved/give-blood/frequently-asked-questions-give-blood
- http://news.pia.gov.ph/article/view/1131453090594/prc-calls-for-more-blood-donors
- http://www.redcross.org.ph/get-involved/give-blood/how-to-donate