Ang asthma o hika ay isa sa respiratory diseases na nakakaapekto sa libu-libong Pilipino. Sa katunayan, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansa na may mataas na asthma mortality rate. Isa ito sa mga pinaka-karaniwang non-communicable diseases na maaaring magkaroon ang isang tao.
Allergic asthma, cardiac asthma, skin asthma, occupational asthma, o iba pang uri ng hika man ang nararanasan, nangangailangan ng masusing pamamahala para maiwasan ang pag-atake nito.
May pamamaga at pananakit na nararanasan sa daanan ng hangin o airways ang mga taong may asthma. Napapalala ito ng mga allergen, irritant, at iba pang mga bagay na maaaring makapagpa-trigger ng hika. Sumisikip ang daluyan ng hangin, sanhi para hindi makakuha ng sapat na hininga sa mga baga. Nagdudulot ito ng wheezing, paninikip ng dibdib, pag-ubo, at pagiging hirap sa paghinga lalo na sa umaga o sa gabi.
Bagama’t hindi mukhang mapanganib ang mga sintomas ng hika, maaaring lumala ang mga ito depende sa dahilan ng atake. Ang isang malalang kaso ng asthma ay pinipigilan ang oxygen na pumasok sa iba pang vital organs – ito ay nakakamatay kapag hindi naagapan.
Kaya naman, sa tahanan pa lamang ay dapat nang ma-manage ang mga sintomas ng hika. Para sa mga mahal sa buhay na may hika, narito ang ilang mga paraan para maiwasan ang mga cause of asthma na maaaring magsimula sa bahay.
- Magsagawa ng home detox. Hindi lang sa kalsada maaaring malanghap ang masamang polusyon na pwedeng mag-trigger ng asthma. Sa katunayan, ang hangin sa loob ng bahay ay nasa dalawa hanggang limang beses na mas madumi pa kaysa sa labas! Dahil ito sa global climate change at pagtaas ng level ng carbon dioxide na nagiging sanhi ng paglaganap ng amag o mold.
- Puksain ang mold sa palikuran. Ang mga amag ay nabubuhay at dumadami sa mamasa-masang kapaligiran gaya ng lababo at kubeta. Matapos maligo o maglinis ng banyo, iwanang nakabukas nang bahagya ang pinto o bintana para matuyo ang paligid. Gumamit ng mga panlinis o cleaning agents na hindi nakakapagdulot ng asthma attack. Kung may mga tagas ng tubig sa mga tubo ng lababo, agad itong ipagawa.
- Palitan nang madalas ang mga sapin ng higaan. Labhan ang bedsheets ng isang beses sa isang linggo gamit ang mainit na tubig para maiwasan ang paninikit ng dumi at alikabok na nakakapagpa-atake ng hika.
- Gawing pet-free ang tahanan. Ang pet allergies dahil sa balahibo ay karaniwang nagpapanimula ng mga sintomas nga asthma. Kung may mga alagang hayop, hangga’t maaari ay huwag sila hayaan sa loob ng bahay.
- Linisin ang refrigerator. I-check nang madalas ang ref para sa moisture. Linising maigi ang mga gasket, mga goma sa gilid, at iba pang parte kung saan pwedeng mamuo ang amag.
- Panatilihing malinis ang mga sulok na maaaring pag-ipunan ng alikabok. Ang dust, bilang isang allergen, ay nakaka-trigger ng pagbahing – isa sa pangunahing sintomas ng pag-atake ng asthma. Ang mga masisikip na sulok gaya ng sa bintana, elisi ng electric fan, filter ng air conditioner, mga display, picture frames, stuffed toys, mga carpet, at iba pang bahagi at gamit sa bahay ay madalas pinag-iipunan ng dust. Gumamit ng vacuum para mas makasiguradong tuluyang maaalis ang alikabok sa isang lugar. Kung maaari ay iwasan ang paglilinis ng bahay nang nandoon ang kapamilyang may history ng hika nang sa gayon ay hindi ito makaapekto sa kanyang paghinga. Kung ang may hika naman ang maglilinis, magsuot ng face mask para hindi malanghap ang mga allergen. Magkaroon ng general cleaning para mapanatiling malinis ang hanging umiikot sa loob ng bahay.
- Magsagawa ng maayos na storage. Ang mga libro, dokumento, at iba pang mga gamit na nakapatong lamang sa lamesa at mga cabinet nang walang proteksyon ay nag-iimbita ng alikabok, mga insekto, amag, at pati na rin mga peste katulad ng daga. Para maiwasan ang mga ito, ilagay ang mga gamit sa mga plastic storage, kahon, at mga filing containers at bins.
- Iwan ang mga sapatos sa labas ng bahay. Hindi maiiwasang dumikit sa pananamit ng asthma triggers gaya ng pollen mula sa mga halaman. Kung pwede ay huwag ipasok ang mga sapatos sa loob ng bahay nang sa gayon ay hindi kumalat ay mga maaaring magdulot ng pag-atake ng hika.
- Limitahan ang indoor plants. Nauuso ngayon ang pag-aalaga ng indoor plants o mga halamang maaaring mabuhay sa loob ng bahay. Ilan sa mga ito ay nakakapagbawas ng air pollution, pero ang labis na dami ng indoor plants at sobrang pagdidilig ng mga ito ay nagsasanhi rin ng pamumuo ng amag. Mag-alaga lamang ng sapat na bilang at diligan lang kung kinakailangan.
- Magpa-pest control. Bukod sa amag, mga alagang hayop, at alikabok, ang mga ipis at daga ay nakakapag-trigger din ng asthma symptoms. Kung seryosong problema na ang mga peste sa inyong bahay, lumapit na sa mga ekspertong exterminator. Para makaiwas naman sa pagkakaroon ng ganitong problema, siguraduhing maayos ang pagdi-dispose ng basura at pag-iimbak ng pagkain para hindi pamahayan ng mga peste ang kusina at iba pang parte ng bahay.
Kasabay ng mga ito, i-encourage ang mahal sa buhay ng magkaroon ng healthy lifestyle para mapamahalaan nang maayos ang mga sintomas ng asthma.
Kung sa kabila ng pagsasagawa ng mga nabanggit na tips ay umatake pa rin ang hika, maging handa sa pagbibigay ng pangunang lunas dito. Maaaring gumamit ng nebulizer for asthma para maibsan ang paninikip ng dibdib at makatulong gawing normal ang paghinga. Pwede ring uminom ng anti-asthma o anti-allergic rhinitis medicine gaya ng Montelukast para makaranas ng ginhawa mula sa atake ng hika.
Kapag hindi pa rin nakuha sa nebulizer o gamot, huwag mag-atubuling kumonsulta sa doktor o kaya ay sumugod sa emergency room para mabigyan ng mas mabisang lunas na tatapat sa kalubhaan ng pag-atake ng asthma.
Sources:
https://www.webmd.com/asthma/types-asthma#1
https://www.webmd.com/asthma/allergy-asthma-proof-home#1
https://acaai.org/asthma/types-asthma
https://lifestyle.inquirer.net/293087/ph-among-top-10-countries-asthma-mortality/
https://www.health.com/health/gallery/0,,20900096,00.html?slide=121602#121602