Lagundi Leaves: Natural na Ginhawa sa Ubo at Asthma

March 08, 2018

Ang mga mabibisang lunas sa ubo’t sipon ay hindi lamang nahahanap sa conventional na medisina. Sa katotohanan, maraming handog na lunas ang mundo ng herbal medicine, at kasama na dito ang pagpapapawi sa ubo. Napatunayan ng mga eksperto na ang lagundi leaves ay mabisang panlaban sa ubo’t sipon at ilang sintomas ng asthma.

 

Kadalasan ay hindi nakakakuha ng suporta sa mga doktor ang natural medicine, ngunit excception dito ang lagundi leaves at mga katulad nitong herbs, na karaniwang rinereseta ng mga doktor. Ang ating pamahalaan mismo ay kinikilala ang bisa ng lagundi at ineendorso ang paggamit dito bilang gamot sa ubo’t sipon. Ating talakayin ang lagundi benefits.

 

Saan ginagamit ang lagundi?

Napag-alaman na ang lagundi ay mayroong muscle relaxant properties at tumutulong sa paggamot ng pamamaga, mga allergy at pananakit ng katawan. Dahil pinapa-relax nito ang mga kalamnan, napapawi ang ubo na sintomas ng common cold, sore throat at iba pang respiratory diseases.

Nakakatulong rin ang lagundi sa mga sintomas ng asthma. Dahil sa kakayahan nitong magpa-relax ng mga kalamnan, nababawasan ang paninikip ng dibdib kapag may asthma attack.

Ang anti-inflammatory properties naman nito ay nakakatulong sa pagbibigay-lunas sa pamamaga at pananakit ng katawan. Kabilang dito ang balat, mga kasukasuan at mga kalamnan. Ayon sa pananaliksik ng Indian Council of Medical Research, maaaring pababain ng lagundi syrup o lagundi tablet ang dosis ng ibang anti-inflammatory drugs, kaya mas makakamura ka sa pag-inom nito.

Kung masakit ang iyong ngipin, ulo, o iba pang bahagi ng katawan, maaari ding uminom ng lagundi syrup o lagundi capsule para mabawasan at tuluyang mawala ang pananakit. Nahalintulad ang epekto nito sa aspirin base sa pagsusuri na naganap sa University of Colombo, Sri Lanka.

 

Paano ginagamit ang lagundi leaves?

undefined

Image from Pixabay

Ang lagundi leaves ay maaaring gawing tsaa pagkatapos dikdikin at isalang sa kumukulong tubig. Inumin ang tsaa nang tatlong beses sa isang araw upang makaranas ng ginhawa sa ubo at asthma.

Kung ayaw mong problemahin ang paghahanap ng dahon ng lagundi, pumunta sa botika at maghanap ng lagundi syrup, lagundi capsule, o lagundi tablet. Inumin ang gamot nang ayon sa dosis na nakasaad sa label.  

Maaari ring makahanap ng lagundi tea sa mga health store, botika at malalaking grocery. 

 

Safe bang inumin ang lagundi?

undefined

Image from Pixabay

Ayon sa pananaliksik ng National Integrated Research Program of Medicinal Plants ng Pilipinas at Irish Medical Board on Carbocisteine, mas safe ang lagundi kaysa sa mga kumbensyonal na cough syrup at carbocisteine. Wala itong dalang panganib maski sa mga bata. Kaya, kung ang batang anak ay inuubo, maari siyang painumin ng lagundi syrup for baby. Sundin na lamang ang dosis na nakasaad sa label.

Kabilang sa lagundi benefits na opisyal na kinikilala ng pamahalaan at mga doktor sa bansa ay ang pagbibigay lunas sa ubo at ilang sintomas ng asthma. Maaaring ireseta ang lagundi sayo ng iyong doktor.

Mabisa man ang lagundi, huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong doktor kung hindi ka makaranas ng ginhawa sa loob ng ilang araw. Ang iyong ubo ay maaaring sanhi ng mas malubhang sakit na mangangailangan ng masusing pagsusuri at mas matapang na gamot. Ang pag-inom ng lagundi ay karaniwang hindi lumalampas ng isang linggo.