Hindi madalas napagtutuunan ng pansin ang importansya ng kamay at ang iba't ibang gamit dito. Mula sa paggising sa umaga - sa pagtimpla ng kape, ginagamit na ang kamay hanggang sa pagsisipilyo sa gabi. Hindi lang pang physical activity ang kamay, ginagamit din itong tool of communication, expression at emotion. Kaya kung may pain in hands and fingers, ang simpleng task ay magiging isang painful ordeal.
Ang kamay ay binubuo ng tendons, joints, ligements, ugat at buto. Sa kabuuan, mayroong 27 bones ang kamay ng tao. Ang bawat parte ng kamay ay may tsansang ma-damage kapag nagkasakit o nagkaroon ng injury at pag-ugatan ng hand pains.
Dahil sa dami ng trabaho ng kamay at complexity nito, prone ito sa iba't - ibang pamamaga, sakit o kondisyon. Narito ang mga karaniwang hand conditions na nararanasan ng tao:
1. Arthritis
Ang Arthritis o ang pamamaga ng isa o madaming kasukasuan ang pangunahing sanhi ng hand pain. Namamaga ang kasukasuan ng isang tao kapag ang cartilage na bumabalot sa dulo ng bato ay paunti unting nawawala na nagreresulta sa pagkikiskisan ng mga buto.
Pinaka common na nararanasan ang arthritis ng kamay sa last joint ng daliri bago umabot sa kuko. Kadalasan ding may arthritis ang kasukasuan sa pagitan ng pulso at ibaba ng hinlalaki.
Madalas nakakaranas ng arthritis ang mga babae kumpara sa lalaki lalo iyong 40 taong gulang pataas.
Sintomas ng Arthritis:
- Pananakit ng kasukasuan ng daliri o pulso
- Pananakit ng kamay pagkatapos pagbuhat o kumilos
- Pagkakaroon ng morning pain at paninigas ng kasukasuan
- Pamamaga sa paligid ng joints
Gamot sa Arthritis
Pwedeng gamutin ang arthritis sa pamamagitan ng gamot gaya ng Diclofenac Sodium, Meloxicam at Naproxen Sodium. Maaari ding sa pamamagitan ng steroids o surgery, depende kung gaano ito kalala.
2. De Quervain’s tenosynovitis
Ito ay ang kondisyong nakakaapekto sa litid sa paligid ng hinlalaki. Masakit at namamaga ang ibabang likod na bahagi ng hinlalaki. Ito ay resulta ng irritation at pamamaga ng paligid ng litid na nagkokonekta ng wrist at lower thumb. Maaaring maiwasan ang sakit na ito kung hindi masyadong i-overuse ang paggamit ng wrist at thumb ng sabay.
Sintomas ng De Quervain’s tenosynovitis
- Pananakit ng bahagi ng pulso kung nasaan ang hinlalaki. Maaaring biglaan o paunti unti itong sumakit at umakyat sa forearm.
- Pamamaga ng ibabang bahagi ng hinlalaki
- Nahihirapang kumurot
Gamot sa De Quervain’s tenosynovitis
Maaaring gumamit ng ice pack para maibsan ang sakit o di kaya uminom ng mga over-the-counter pain relievers. May mga kaso ng De Quervain’s tenosynovitis na nangangailangan ng surgery.
3. Carpal Tunnel Syndrome
Ang Carpal Tunnel ay ang makitid na daanan ng ligament at buto sa may bandang palad. Sa tunnel na ito dumadaan ang median nerve - ang nerve na tumatakbo mula sa foream hanggang sa palad ng kamay, at mga litid na responsable sa pagglaw ng daliri.
Nagkakaroon ng Carpal Tunnel Syndrome o CTS kapag ang median nerve ay naiipit ng masikip na carpal tunnel. Ang pagsikip na ito ay resulta ng pagkapal ng mga irritated o inflamed tendons.
Ito ay isang kondisyon na pinaniniwalang sanhi ng sobrang pagtatrabaho ng kamay. Karaniwang may ganito ang mga taong nagttrabaho sa opisina, waiters at construction workers. Ang mga taong may magulang na mayrong CTS ay posibleng magkaroon din nito.
Sintomas ng Carpal Tunnel Syndrome
Mabagal ang paglabas ng mga sintomas ng Carpal Tunnel Syndrome at iba-iba depende sa kondisyon. Ilan sa mga karaniwang sintomas ay ang mga sumusunod:
- madalas na pangangati at pagkamanhid ng hinlalaki, palad at unang tatlong daliri ng kamay.
- sakit na umaakyat sa braso
- wrist pain sa gabi na nakakaabala na sa pagtulog
- panghihina ng hand muscle
Gamot sa Carpal Tunnel Syndrome
Ang gamot sa CTS ay depende kung gaano ito kalala. Isa sa mga pinakamabisang paraan para magamot ito ay paghinto sa paggawa ng mga aktibidad na nakakapagpalala ng sintomas. Madalas ding gumagamit ng lightweight, molded plastic wrist splint para sa suporta ng kamay at wrist kapag ito ay naka-neutral position. Maaari ding uminom ng mga mild pain medications o di kaya ay gumamit ng cold packs.
Photo from Pexel
Tips Para Maiwasan ang Carpal Tunnel Syndrome
1. Pagpahingan ang kamay mula sa paggamit ng cellphone o pagttype sa computer. Maging mahinahon din sa pagtype.
2. Kung nagtra trabaho gamit ang kamay, siguraduhing straight ang wrists. Na-sstress ang carpal tunnel kapag palagi itong naka-flex at na-ttwist.
3. Gamitin ang dalawang kamay kung may bubuhatin para hindi gaanong mastress ang wrist.
4. Iwasang i-bend ang wrist lalo na kung natutulog dahil naiipit ang mga nerves at maaaring makaramdam ng pagkamanhid sa umaga. Panatilihing diretso ang wrist kahit tulog. Mainam na ilagay ang kamay sa ibabaw ng isang unan (hindi sa unan na hinihigaan).
5. Ugaliing i-ehersisyo ang kamay para maiwasan ang wrist pain, wrist injuries at hand muscle pain. Maraming simpleng hand and wrist stretches na maaaring gawin kahit na nasa opisina. Kahit ang simpleng pag-shake ng kamay ay exercise na din. Gaya ng ibang ehersisyo, magandang kumonsulta muna sa doktor kung ano ang safe at pwedeng gawin lalo na kung may injury o dating may injury.
References:
http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/library-health-news/1015-getting-a-grip-on-common-hand-conditions
https://www.healthline.com/health/hand-pain
https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2002/11/05/182729/coping-carpal-tunnel-syndrome
https://www.healthline.com/health/carpal-tunnel-wrist-exercises#theshake
https://www.healthline.com/health/carpal-tunnel-syndrome#prevention
https://www.pressreader.com/philippines/the-philippine-star/20161108/282544427871541